MISSION
Eira Ysabelle's POV
Hindi. Hindi ito ang kinagisnan kong mundo. Hindi ito ang mundong dating ginagalawan ko. Nasaan ako? Saang lupalop ng kalawakan? Saang sulok ng daigdig?
Sumilip ako sa veranda ng kwarto upang magpahangin. Doon ay nakita ko ang isang masaganang hardin at ang luntiang damuhan na animo'y malambot at masarap yapakan. Isang tingin mo lamang ay malalaman mo na kaagad na wala ako sa kahit na anong dako ng dati kong mundo.
Kakaiba ang ihip ng hangin at ang pakiramdam ng sinag ng araw. Ang huni ng mga ibo'y para bang nanggaling sa isang orkestra, ibang-iba sa mga ibong noo'y naririnig kong humuni. Maging ang mga ulap ay tila kakaiba.
Bumalik na ako sa loob ng kwartong pinanggalingan ko upang mapagmasdan ito nang maayos. Sa isang sulok ng kwarto ay nakita ko ang nakasabit na portrait painting ng isang babaeng kamukha ko. Maaari ring sabihin na siya'y ako, ngunit sa isang sulyap lamang ay malalaman mo nang hindi kami iisang tao.
Lumapit ako rito at hinawakan. May ganito rin akong larawan ngunit hindi ito nakalagay sa isang gold frame na mayroong intricate designs. Sa baba nito ay nakasabit ang isang gold plate na inuukitan ng isang napakagandang pangalan.
'Khione Denisse Cankara'
She has these greenish blue eyes which sparkle like the water in lakes, and her skin is as white as snow. Kumbaga, para lamang akong nakaharap sa isang salamin. Ang pagkakaiba lamang ay ang kulay ng aming buhok at mga mata.
Hindi na mahalaga ang pagkakaiba namin dahil ang mahalaga ngayon ay malaman ko kung anong koneksyon namin sa isa't isa at kung bakit ako naririto sa lugar na ito. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto ang isang bagay.
Dali-dali akong pumunta sa harap ng salamin upang kumpirmahin ang anumang hinala ko. Hindi kaya...
"AAAAAAH!" napasigaw ako at napaupo sa sahig nang mamasdan ang repleksyon ko sa salamin.
I was already expecting this, but why am I still shocked when I saw my now greenish-blue eyes and hazelnut brown hair? Am I in another world? Did I reincarnate?
Isang katok mula sa malaking pintuan ang umagaw ng atensyon ko. "Prinsesa Khione?" tawag ng isang 'di pamilyar na boses sa likod ng pinto. Hindi naman ako sumagot, tinatantsa ko pa kung anong susunod na kilos ang gagawin ko dahil una sa lahat, wala akong alam sa lugar na ito at pangalawa, wala akong kakilala.
Dama ko ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko habang tumatagal ang pagkatok at pagtawag sa akin kaya't hindi na rin ako makapag-isip nang maayos. Pinapangunahan ako ngayon ng kaba at ng pag-aalinlangan. Paano kung panganib pala ang nasa likod ng pintong 'yan?
Nagpatuloy ang pagkatok at pagtawag sa labas ng aking kwarto, ngunit makalipas ang ilang sandali ay nawala na rin ang ingay. Siguro'y napagod na siya sa kakatawag sa pangalan ko. Mabuti naman.
Maya-maya pa ay may narinig akong boses ng mas maraming tao na papasok sa kwartong ito. Dahil dito, bumalik ang pagkataranta ko. Anong gagawin ko? Tatalon ba ako sa veranda? Magtatago? Ano na, Ysa? Isip!
Sa huli ay napagdesisyunan ko na lamang na humiga muli nang tuwid sa kama at magtulug-tulugan.
"Sigurado ka ba sa narinig mo? Baka guni-guni mo lamang iyon..." Sandali—pamilyar ang boses na iyon. Mali, kilalang-kilala ko ang boses na ito. Iminulat ko nang bahagya ang aking kaliwang mata para masigurado kung tama ba ang hinala ko.
"Sigurado po ako, kamahalan. Alam ko pong boses ng prinsesa ang narinig ko. Napakalinaw po sa aking pandinig," paliwanag ng babae. Siya pala ang katok nang katok kanina. Nakabihis siya ng damit pangkatulong at gano'n din ang apat pa niyang mga kasama.
BINABASA MO ANG
The Heiress of Liondale
Fantasy♛ HEIRS OF THE REALMS BOOK I (COMPLETED) After a car accident, Ysabelle found herself inside an unfamiliar room in another world and in someone's body. Was she dead? No, but dying. The only key for her salvation is the mission given upon her by a go...