PIERCED
Eira Ysabelle's POV
Kanina pa ako nakatitig sa kawalan, literal na kawalan. It's cold and dark here in the subconscious part of Khione's mind. I've been stuck here since that night. Some of Coler's students have invaded the academy...and it surely is because of a traitor.
Hindi ko maisip kung paano ko maibabalik sa akin ang control ng katawang ito. God knows how frustrating it is. I can't move my body the way I wanted it to and I cannot see what was happening outside. Siguro nga ay nagtataka na sila dahil sa mga ikinikilos ko, lalo na si Clyde. I hope he noticed. He's the only person I know that knows me well, aside from the twins. Siya lamang naman ang nakakasama ko bago mangyari ang lahat ng ito.
Someone is manipulating this body, Number 29, a knight who has the ability to possess someone's body. I can't beat her since I don't know where she is. Mabuti na lamang at hindi niya inaabuso ang katawang ito.
Napakadilim ng paligid at nakakapanghinang isipin na hindi mo makikita nangyayari sa paligid mo. Tanging mga boses lamang ang aking naririnig, maging ang mga tunog ng pagsabog, mga ungol ng dragon, at paglagaslas ng tubig. Is this what it feels to be blind? I hate myself for being this helpless everytime. It's like I cannot stand on my own. Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi maaaring mapahamak ang mga kaibigan ko nang dahil sa'kin.
Lalong sumingkit ang mga mata ko noong may makita akong isang kislap ng liwanag mula sa 'di kalayuan. Namamalikmata ba ako? Saan nanggaling 'yon?
Tumayo ako at unti-unting lumapit sa kinaroroonan ng liwanag na ngayon ay unti-unti nang lumalaki. It is a bright white light that truly stands out amidst the dark. Gumalaw ito papunta sa ibang direksyon kaya't sinundan ko ito. Hindi ko alam kung saan papunta ang maliwanag na ilaw ngunit sinusundan ko pa rin lahat ng daang binabagtas nito. Sinubukan ko itong hulihin at ikulong sa mga palad ko ngunit mas mabilis ang paggalaw nito. Tila ba ay may sarili itong pag-iisip.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagsunod dito hanggang sa naging mabilis ang paggalaw nito. Tumakbo ako at pilit itong hinahabol. Hindi ito pwedeng mawala, ito na lamang ang pag-asa ko. Paliit na ito nang paliit dahil unti-unti na ang paglayo nito mula sa kinaroroonan ko. Hindi. Hindi maari—
Isang malakas na irit ang pinakawalan ko nang maramdaman ang pagkawala ng tinatapakan ko. I just found myself falling out of nowhere. "AAAH!"
I am not even sure if there's an end to this fall. I'm getting dizzy as it continues. Ugh! My vision is starting to get blurry. What if I don't survive this?
As my eyes closes slowly, a faint light appeared in front of me. It was the light I was following a while ago. It was moving like it was calling for me, telling me to reach it, and so I did. I extended my arms with my remaining energy. Too far...
There was no hope for me, but I tried to reach it once more. Just a little more and it's within my grasp but my body cannot take it anymore.
As the gap between my lids was about a second away from shutting completely, I felt something cold touch my fingertip. My eyes caught a glimpse of a string of light. Then, I felt my energy back again. This time, I was in no dark room anymore. Instead, I stood in front of the rich fountain running amidst the snow-covered place. Is this another part of Khione's subconscious mind?
Natatandaan ko 'to. Ito ang fountain na napuntahan ko noong nadiskubre ko ang kapangyarihan ni Khione. It's the same fountain. Hindi pa rin ito nagbabago. Puno pa rin ito ng mga makikinang na dyamante at ginto at masagana pa rin ang agos ng malinis na tubig dito. Hinanap ko ang parte nito kung saan naroroon ang sulat na hindi ko nakita dahil bigla akong bumalik sa katotohanan—ang parteng dinadaluyan ng tubig.
BINABASA MO ANG
The Heiress of Liondale
Fantasi♛ HEIRS OF THE REALMS BOOK I (COMPLETED) After a car accident, Ysabelle found herself inside an unfamiliar room in another world and in someone's body. Was she dead? No, but dying. The only key for her salvation is the mission given upon her by a go...