Chapter 18

1.6K 122 50
                                    

THE HEAVENS

Eira Ysabelle's POV

Sumikat na ang araw nang marating namin ang ibabang bahagi ng kaharian. Tumingala ako ngunit mga ulap lamang ang nakikita ko. I guess the kingdom's behind those clouds.

"Apat na pegasus lang daw ang maaari nating gamitin ngayon," pagbibigay-alam ni Isaiah na kadarating lamang galing sa pakikipag-usap sa mga guard.

"Let's pair up," sabi naman ni Jiro na halatang sabik nang makauwi sa palasyo nila.

"Khione, tara—"

"No," hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Clyde dahil alam ko na ang mangyayari. Aasarin na naman niya ako tungkol sa nangyari kaninang madaling araw. He kept teasing me since he arrived from his bath.

Tumawa siya habang umiiling. Nabasa siguro niya ang iniisip ko.

Lumingon ako sa direksyon ni Luna para ayain sana siya pero agad akong sumimangot nung makita ko sila ni Giea na nakangiti sa amin habang nakasakay sa isang pegasus. Traitors.

Damn. I have no choice. Lauren is paired with Jiro, and Isaiah is with Drac. Si Clyde na lang talaga ang walang kasama.

I heaved a sigh as a sign of defeat. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Kitang-kita ko ang malaking ngiti niya na mabilis makapagpakulo ng dugo ko. Humanda ka sa'kin mamaya.

'Sinasabi ko naman sa'yo. Kahit anong mangyari, sa akin pa rin ang bagsak mo,' sabi niya kaya nakatanggap siya ng isang kurot sa tagiliran mula sa akin.

Inalalayan niya ako hanggang sa makasakay ako sa likod ng kulay puting nilalang na ito. Napansin kong hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko kaya't tinaasan ko siya ng isang kilay. 'At sinong may sabi na pwede mong hawakan nang matagal ang kamay ko?' Halatang nagulat siya dahil sa sinabi ko kaya tinawanan ko siya.

Sumakay na si Clyde sa likod ng pegasus at nagsimula na itong paliparin. "Hold on tight."

Nagsimula na ring lumipad ang sinasakyan ng iba.

I was watching the whole forest below when something caught my attention. Two blue eyes were intently looking at me. Hindi ko naman ito makita nang mabuti dahil madilim ang parteng iyon ng gubat. Tanging mga mata lamang nito na nasisinagan ng araw ang maaaninagan. Inialis ko na ang tingin ko rito at tumingin sa puting ulap na nasa ibabaw. Alam ko namang walang masamang intensyon ang isang 'yon.

Nakataas ang mga kamay nina Luna at Giea habang lumilipad pataas ang sinasakyan nilang pegasus. You can hear their voices as they scream their lungs out. They're really enjoying the moment as if ngayon lamang sila nakapunta sa lugar na ito.

I'm so excited to see what is behind these clouds.

Nalampasan namin ang mga ulap na kung titingnan mo ay parang pinagsama-samang mga bulak. Isang gintong gate ang sumalubong sa amin. Isang gate na kumikinang, lalo na kapag natatamaan ng sinag ng araw. Sa pinakamataas na bahagi nito ay nakalagay ang 'Enchanta'. Behind the gold bars of the gate is a green field full of a variety of flowers. Is this what heaven looks like? They surely are favored by the heavens. Nasa entrance pa lamang kami ay ganito na agad ang bumungad sa amin. Ano pa kaya kapag narating na namin ang palasyo?

Dalawang guard na nakasuot ng silver armor ang nagbukas ng gate. Hawak nila ang kanilang sibat na mayroon kulay gintong parte sa gitnang bahagi. Maging ang mga armas ng guards ay magara. Lumuhod sila at yumuko habang hinihintay ang pagpasok namin sa gate.

Tumuloy sa paglipad ang mga sinasakyan namin hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa loob ng kaharian. Napakasariwa ng hangin at hindi masakit sa balat ang sinag ng araw na tumatama sa bandang ito. Kung maganda na ang hardin sa unahang bahagi ng kaharian, mas maganda ang makikita kapag nakapasok ka na sa mismong kaharian.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon