Chapter 48

1.2K 86 4
                                    

HEATED

Ember Khiera's POV

I faced Groups A, B, and C of all the year levels. We are at the west side of the academy— the forest behind the girls' dormitory. It is Luna that is with me. Kuya Clyde teamed me up with her because according to him, Luna's air complements my fire attacks and makes it double in power. Sa madaling sabi, napapalakas ng hangin ang apoy.

"Knights to the front, now!" I commanded. Apat na linya ng mga knight ang nabuo sa harapan ko. Nice.

"Elementals and mages, move!" Sa pamamagitan ng utos ko, dalawang linya ng nasabing classes ang sumunod sa battle formation.

"Supports and healers, you all know what to do! Do not cease to back anyone up if they need more energy and if they need quick treatment!" sabi naman ni Luna.

"This fight will happen only once in our lifetime. Either we lose this war or we win this. There would be no second chance, so fight with everything you got. Apply what you have learned and show them what the experiences in this academy have taught you. We are all counting on you. Together, let's fight for Magos and Kosmos!" Matapos kong sabihin ang huling salita ay narinig ko na ang huni ng digmaang pinakawalan ng mga estudyanteng pinangungunahan ko. This is what I am fighting for.

Tumalikod ako sa mga kakampi ko at hinarap ang gubat. Naririnig ko na ang mga yabag ng mga higanteng papalapit. Maging ang pag-ungol ng mga halimaw ay mariringgan na rin. Ilang sandali pa ang lumipas ay kitang-kita ko na ang mga punong natutumba dahil sa naglalakihang paa ng mga higante at mountain trolls na papunta sa academy.

"Luna, check how close they are."

Tumango lamang dalaga at tsaka lumipad. "One kilometer, be ready," sagot nito nang makababa.

Huminga ako nang malalim. Let's do this!

Makalipas lamang ang ilang sandali ay nakikita ko na nang malapitan ang mga tauhan ng Coler na nasa likuran ng mga halimaw. Cyclops, mountain trolls, wolves, demons, chimeras, and other gross-looking monsters are their first line.

Dumagundong ang paligid kaya't napakapit ako kay Luna. What is happening? Nasagot ang tanong ko nang may limang earth golems na tumalon papunta sa harapan namin. Thanks, Lauren.

Luna created an air dragon and looked at me. Tinanguan ko lamang siya at nilapitan ang dragon. Hinawakan ko ito at pinagapang ang mainit na apoy papunta rito. Sumiklab ang apoy at naging isang mas malaking fire dragon ang ginawa ni Luna. The dragon flapped its flaring wings and released a huge amount of fire.

Like a drum that is being beaten, a thunder roared loudly at the sky. Looks like the sky is excited to see how bloody this battle would turn out.

The monsters ran towards our direction, their movements making the ground shake lightly. Tumatakbo na rin ang mga kalaban papunta sa kinaroroonan namin, humihiyaw na tila sabik na sabik nang makakita ng dugo.

"Everyone, now's the right time! Attack!"

The battle cry is now filling the whole academy. Habang tumatakbo ang mga knights ay nagkaroon ng maraming puting linya na nakakonekta sa kanila at sa mga kamay ng supports. Ang mga mage ay nagsimula na ring mag-cast ng iba't ibang spells.

The clanking noise of the swords and pieces of metal struck together made me cringe.

"Luna, let's fly," nakangiting sabi ko rito.

I snapped my fingers and the fire phoenix appeared in front of me. I climbed on its back and sat comfortably. I don't care about my clothes, they're fireproof.

The Heiress of LiondaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon