Chapter 2

1.4K 34 0
                                    

NAPASUGOD si Rossana sa seldang kinaroroonan ng ama. Matapos sabihin ng pulis sa kanya ang kaso nito.

"Itay, ano naman ba itong nagawa mo?"

Mangiyak-ngiyak naman ang ginoo. "A---anak, pasensiya kana sa tatay mo ha, wala na kasi akong maisip na ibang paraan kung saan tayo kukuha ng pera, para sa operasyon ng inay mo eh, kaya nagawa ko ito," napayuko ito nahihiya sa anak.

Naawa si Rossana sa ama pero mali pa rin ang ginawa nito."Itay, alam ko po na nag alala karin kay inay, pero sana naman po, hindi sa ganun paraan, ngayon problema ko pa kung saan ako kukuha ng pang piyansa mo rito."

"Anak, hayaan mo na lang ako dito, total matanda naman na ako ang intindihin mo ang nanay mo muna saka na ako."

Kahit ganun ang sinabi ng ama, isa siyang anak na nagmamahal sa magulang."Hindi ko naman magagawa na baliwalain ka Itay, kulang itong pera ko na pang piyansa sa'yo, dito ka muna habang naghahanap ako ng pang dagdag dito sa pera ko. "

"Anak, patawarin mo ako, pati tuloy ako naging problema mo rin ang tanga-tanga kasi ng tatay mo hindi marunong mag isip ng tama," napahikbi ito.
Hindi napigilan ni Rossana ang luhang nag unahan sa pag agos sa pisngi. Kinalma muna niya ang sarili baka pumalahaw pa siya sa pag-iyak eh. Limang minuto siyang natahimik.

Hinawakan ng ama ang kanyang kamay."Anak, patawad, ha," anito muli.

Humawak ng mahigpit sa kamay ng ama si Rossana, pinaiintindi nito na nasa tabi lang siya nito."Ano pa nga bang magagawa ko Itay, narito kana, mabuti na lang hindi nag sampa ng kaso iyon babae, naawa pa rin sa inyo, sige po maiwan ko muna kayo at ako'y maghahanap na ng pera,"binitawan na niya ang kamay ng ama, naglakad palayo na.

"Anak, 'wag mo akong alalahin dito ha, okay lamang ako," habol na sigaw nito sa anak.

Nakangiting nilingon ni Rossana ang ama.

Sa condominium ni Sherry habang nakahiga sa kama tumunog ang cellphone

"Si Edward, siguro ang tumatawag," dahil hindi niya kinuha ang cellphone para tignan kung sino ang tumatawag sa kanya, hinayaan lamang niyang mag ring ito dahil ayaw muna niyang makausap ang nobyo.

Dahil makulit ang nasa kabilang linya napilitan sagutin ito ni Sherry.

Kaagad niyang kinuha ang cellphone ng makita niyang iba pala ang tumawag agad na niyang sinagot ito.

"Hello, Felix," masayang wika niya.

"Hello, Sherry. Bakit ba ang tagal mong sagutin ang tawag ko?" May pagkairitang sabi nito.

"Sorry, Felix. Kasi nasa banyo ako naliligo kaya hindi ko nasagot kaagad," alibi na lang niya.

"Ganun ba, may pupuntahan ka ba, Sherry?"

"Wala, Bakit?" Sagot niya kaagad.

"Mabuti naman kung ganun."

"Nasaan kaba, Felix, bakit parang maingay diyan sa kinaroroonan mo, ah?"

"Narito kasi ako sa bay walk, eh."

May pagtataka sa mukha ni Sherry kung bakit andoon ito."What are you doing there?"

"Nagpapahangin lamang ako Sherry, you wanna join me here, hihintayin kita rito?"

"Oo naman, wait for me, magpapalit lang ako ng damit ko." Mabilis siyang bumangon.

"Okay bilisan mo lang ha, baka mainip ako pag matagal ka."

"No, in a few second nariyan na ako. Bye."

"Bye. See you in a while."

Pagka-off ni Sherry sa cellphone kaagad na siyang nagbihis at umalis na ng bahay.

The Proxy Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon