"SIGE, umiiyak ka lamang Rossana, para gumaan ang pakiramdam mo," ani Mica rito.
Umalis si Edward sa may pinto, dahil sa narinig niyang pag-iyak ng asawa. At alam niya ang dahilan. Masakit kasi ang tinuran ng ina rito.
Nang humihikbi na lang si Rossana niyaya ni Mica na maupo muna.
"Rossana, I'm sorry, sa nangyayari sa'yo, ikaw tuloy ang nag suffer sa kagagawan ni Sherry."
"Wala kang dapat na ipag-sorry Mica, kasalanan ko rin naman, hindi ko lang mapigilan ang umiyak kasi ang baba ng tingin nila sa akin!"
"Rossana, kung hindi mo na kaya humiwalay ka na kay Edward, no reason para mag stay ka pa dito sa bahay niya tutal isang araw palang kayong magsasama di ba? Hay kasalanan ko rin dahil sinabi kung pirmahan mo marriage contact ninyo eh. Natakot kasi ako kay Edward."
"Wala kang kasalanan Mica, pareho lang tayong takot, lalo na ako pinababayaran sa akin lahat nang nagastos niya, saan naman ako kukuha ng napakalaking halaga, kaya ko nga tinanggap ang offer ni Sherry, dahil kailangan ko ng pera."
"I know million din ang nagastos ni Edward, sa wedding na nangyari, sa gown palang na isinuot mo wow na ang presyo, so anong plano mo?"
"Ano pang magagawa ko, makikisama ako sa kanya hanggang siya ang umayaw mismo sa pagsasama namin. "
"Kung ganon magtitiis ka?"
"Para sa pamilya ko, at ayokong mabaon sa utang, Mica. "
"May kasamang romansahan ang pagsasama ninyo, Rossana?"
Tumango si Rossana sa tanong ni Mica.
"You mean my nangyari na sa inyo ni Edward, Rossana. My gosh, really?" hindi makapaniwalang saad ni Mica.
"Lasing siya nong may nanyari sa amin."
"Bakit mo ibinigay? Siya ba ang nakauna sa'yo?"
"Wala naman akong magagawa sabi niya asawa niya ako at oblikasyon ko ito sa kanya."
"So, siya nga ang nauna?"
Tumango siya dito.
"Suwerte pala niya, dahil virgin ka. Wish ko lang sana, ma develop siya sa'yo maganda at mabait ka, he's lucky men na."
"Malabo yatang mangyari iyan sinabi mo, Mica, hindi ang kagaya ko ang tipo niya."
"Who knows, Rossana, baka sa paggising niya isang umaga mahal ka na niya at mahal mo rin siya di ba?"
Napangiti si Rossana sa sinabi nito. Sana nga ganon ang magaganap sa pagitan nila, para happy ending tulad ng kanyang napapanood sa mga drama. Pero malabong mangyari ito sa kanya. Lalo na sa isang Edward Trinidad na saksakan ng sungit daig pa ang babae sa kasungitan.
"Alam mo may nakikita ako sa'yo, at na fe-feel ko na rin. "
"Huh? Na fe-feel mo? Ano naman iyan, Mica?"
"Well, you like him right?"
"Ha? Pa---paano mo nasabi iyan, Mica?"
"Sabi ko nga na fe-feel ko, sagutin mo ako ng totoo Rossana, iyon galing mismo sa puso mo ang gusto kung sagot mo sa akin, ano may nararamdaman ka sa kanya ano? Kahit sino madaling magkagusto kay Edward, may itsura, edukado, successful business man, mayaman. Kaloka ang standard niya di ba? Gagang Sherry iyon, pinagpalit niya ito sa lalaking kahit nalampakan ni Edward walang-wala ito."
"Tinamaan kasi siya sa puso, Mica. Hindi natin siya masisisi sinunod lamang niya ang sinisigaw ng puso niya."
"Kahit na, Rossana. Sa lalaking iyon, ang tangin ipagmamalaki ay magaling sa kama. Naisip ko rin minsan paano ba kasi gumalaw si Edward pagdating sa romansahan? Maybe may kulang kaya iniwan siya ng babaing iyon."
BINABASA MO ANG
The Proxy Bride (Completed)
Romance"If I kiss you now, baka lalong hindi mo makakalimutan at hanap-hanapin mo pa ito" ROSSANA LUNA. Gagawin ang lahat para sa pamilya. Huwag lamang magutom ang mahal sa buhay. EDWARD TRINIDAD. A man with everything ang lalakeng matatawag na perfect na...