"BRO, dahan-dahan lang sa pag inom. Ginagawa mo nang tubig ang alak, ah?" sabi ni Al.
"Something wrong, bro? Aba bagong kasal ka lamang naglalasing ka na agad." segunda naman ni Ferry.
"Nagsisi ka ba dahil pinirmahan mo ang marriage contract ninyo ni..." What her name, bro?"
"Rossana!"
"Wow! Rossana. Like, Rossana Roces, she's have nice body."
Tinignan ni Edward si Al ng masama."She's my wife." aniya.
"Okay fine, nagsasabi lang naman ako ng totoo, bro."
Tinapik ni Ferry si Al saka umiling. Tila sinasabing sensitive ito ngayon.
"So, anong promlema mo, bro," tanong ni Ferry.
"Don't mine me, sige inuman tayo," tugon niya sa dalawa.
Nagkatingin ang dalawang kaibigan niya.
"Oo, inuman tayo hanggang kaya natin, pero bro slowly okay, para masaya naman tayo."
"Sige pero gusto ko kasi 'yon tamaan kaagad ako then I can sleep fast pag uwi na pag uwi ko sa bahay."
"Ang ibig mong sabihin, bro. Magkasama kayo sa iisang kuwarto?"
"Yes!"
"Akala ko ba galit ka sa kanya? Dahil sa ginawa niyang panlilinlang saiyo?"
"So, you want me to sleep to the other room ganon ba, Al?"
"Well..."
"Tama lang iyon kasi mag asawa sila, bro Al." sabat agad ni Ferry. Saka sinipa ang paa nito para sabihin stop talking about them.
Nagkabit balikat na lang si Al iniba ang usapan."Bro, bakit ka ba maglalasing? Dahil ba sa---you cannot resist ang alindong ng asawa mo?"
Lihim na napangiti si Edward sa sinabi ng kaibigan niya. Yeah his friend is right."Inom h'wag nga natin pag usapan ang babaing iyon, out muna siya dito okay. We are a men we talk about us not her."
"Okay," sagot ng dalawa.
"Siya nga pala mga bro, Perry, Al, before I forgot tomorrow house blessing ng bahay ko kaya dapat naroroon kayo okay."
"Oo naman, bro. Ako yata ang designer ng bahay mo," sagot ni Perry.
" Ikaw, bro Al? Pupunta ka ba?"
"Oo naman, Edward. I'll be there."
"Good. Hihintayin ko kayo.”
Tumango ang dalawa.
"INAY, Itay. Aalis na po ako. Gabi na masyado, baka naghihintay na sila sa akin. Rosemary, alagaan mo silang mabuti lalo na si Bunso."
"Oo naman Ate, akong bahala sa kanila."
"Sige aalis na ako," niyakap muna ang ina, hinalikan kahit ang ama niyakap din at ang dalawang kapatid.
"Anak, mag ingat ka. Kung masama ang ugali ng amo, umuwi ka kaagad," biling ng ina.
"Opo iInay, pagaling ka ha, para sa pagbalik ko, sasalubungin mo na ako sa airport."
"Oo, anak."
"Ate, mag ingat ka," sabay na wika ng dalawa niyang kapatid.
"Para sa inyo Oo, aalis na ako." Mabilis siyang lumabas na ng bahay niya.
Nang medyo nakalayo na si Rossana sa bahay nila. Bumuhos ang kanyang luha."Diyos ko, patawad kong nagsinungaling ako sa kanila, kailangan kong gawin ito. Ayokong problemahin pa nila ako pag sinabi ang totoo sa kanila."
Pinunasan niya ang luha at nagmamadali ng tinungo ang sakayan ng jeep.
BINABASA MO ANG
The Proxy Bride (Completed)
Romance"If I kiss you now, baka lalong hindi mo makakalimutan at hanap-hanapin mo pa ito" ROSSANA LUNA. Gagawin ang lahat para sa pamilya. Huwag lamang magutom ang mahal sa buhay. EDWARD TRINIDAD. A man with everything ang lalakeng matatawag na perfect na...