PAGDATING ni Rossana sa ospital ay agad siyang sinalubong ng dalawang kapatid.
"Ate, anong nangyari kay Itay?" tanong ni Rosemary.
"Ano pa nga ba? Nakakulong si Itay."
"Hay, lalong nagpabigat pa si Itay sa problema mo, Ate. "
"Hayaan mo na, ano pa nga ba ang magagawa natin nasa piitan na siya."
"Ang tanda na ni Itay, di man lang nag isip ng tama," may pagka dismayang ani ng kapatid niya.
"Sige na, umuwi na muna kayo, ako na ang magbabantay kay Inay, heto ang pera Rose, bumili ka ng lulutuin mo, pagkain natin."
"Anong gusto mong lutuin ko, Ate?"
"Adobong manok. Ate Rose," sagot ng bunso nilang kapatid.
"Tseee, ikaw ba tinatanong ko," my ngiting sagot ni Rose sa kapatid.
"Naman eh, paburito ko kaya ito, Ate Rosemary."
"Oh, adobo ang request ni bunso, Rosemary, kaya iyon na ang lulutuin mo," may ngiting ani rin ni Rossana.
"Yes!" masayang turan ng kapatid nila.
Kahit may problema siya napapangiti si Rossana sa nakikita niyang kasiyahan ng kapatid.
"Oh, sige Ate aalis na kami," paalam ni Rosemary sa kanya.
"Mag ingat kayo ha, si bunso tignan-tignan mo siya, Rosemary. At ikaw naman bunso, huwag matigas ang ulo, ha."
"Opo, Ate," sabay na sagot ng dalawang kapatid.
Pagkaalis ng kapatid. Binalingan naman ni Rossana ang ina.
Awang-awa siya sa nakikita niyang kalagayan nito.
"Gagaling ka Inay, pangako ko iyan sa'yo,"
Habang titig na titig siya rito pumasok sa isip ang mag nobyo na nakausap niya sa bay walk kanila.
Dahil sa nakikitang paghihirap ng ina nag pasyang tawagan ni Rossana ang babae. Bahala na, ang mahalaga sa kanya ay gumaling ang ina. Dinukot sa bulsa ang calling card nitong inabot sa kanya.
Nang pumasok ang nurse para tignan ang ina, hinabiling muna niya ito rito, para pakitawag sa nurse information.
"Miss nurse, sandali lang ako, ha."
"Sige, Ma'am, ako muna ang tatao sa Inay mo."
"Maraming salamat," nagmamadali na siyang lumabas sa silid. At mabilis na naglakad patungo sa nurse information.
"Miss, nurse, patawag ako ha, saglit lang naman," pakiusap niya.
"Sige, Ma'am, puwede."
Nanginginig ang kamay ni Rossana, habang dinadayal ang numero ng tinatawagang.
Nang mag ring ito kumakabog ang kanyang dibdib. Patingin-tingin siya sa mga taong dumadaan.Napatingin si Sherry sa cellphone ng tumunog ito."I bet si Edward ito," tinignan ito pero private number ang nakalagay."Hmmm, sino kaya ito?" Nang maalala ang babae kanina, mabilis niyang pinindot ang call button nito."Hello, who is this?" sagot niya.
Kabadong sumagot si Rossana."He---hello."
Nabusesan agad ni Sherry ang nasa kabilang linya."Rossana, ikaw ba iyan?" agad niyang sabi.
Nakahinga ng maluwag si Rossana sa pagbangit nito sa kanyang pangalan."Oo, ako ito."
Alam na ni Sherry ang pakay nito."So, nakapagdisisyon ka na, Rossana, sa sinabi ko saiyo?"
BINABASA MO ANG
The Proxy Bride (Completed)
Romance"If I kiss you now, baka lalong hindi mo makakalimutan at hanap-hanapin mo pa ito" ROSSANA LUNA. Gagawin ang lahat para sa pamilya. Huwag lamang magutom ang mahal sa buhay. EDWARD TRINIDAD. A man with everything ang lalakeng matatawag na perfect na...