"MICA, SHERRY?"
"Kamusta ka na, Rossana?" tanong ni Sherry.
"He---heto, okay lang. "
"You look so good, Rossana, hiyang na hiyang ka bilang asawa ni Edward, ah, " puna nito.
"Hindi naman."
"Yes you are, ang laki nang pinagbago mo, ang ganda mo ngayon."
"Sa---salamat."
Wala naman imik si Mica dahil kahit siya nagulat ng makita ang kaibigan sa opisina niya na hinihintay siya. Tinanong nga niya bakit umuwi na eh, wala pang isang linggo sila sa Hong Kong ni Felix. Hindi siya nito sinagot. Ang sabi gustong makita si Rossana. Ayaw sana niya kaso mapilit ito.
Sa sandali naman iyon malapit na sa bahay niya si Edward ng makita niyang may tao sa labas ng gate inihinto muna ang kotse sa hindi kalayuan dito. Naikuyom niya ang kamao ng mapag sino niya ang kausap ni Rossana.
"What the hell, she's doing here, akala ko ba nasa Hong Kong siya kasama ng lalake niya!" hindi muna sila lumapit.
"Pasensiya ka na Rossana, kung naparito kami, ito kasing si Sherry kinulit niya ako na gusto ka niyang makita, kaya sinamahan ko na siya rito."
Ngumiti si Rossana kay Mica."Pasok muna kayo si Edward ba ang kailangan mo, Sherry, wala pa siya pero parating na siya."
"Pasok muna tayo, Mica, kahit sandali lang. "
"Sherry, huwag na baka maabutan pa tayo dito ni Edward, baka kung ano ang magawa niya sa iyo, you know naman na sobra ang niya galit."
"Don't be scared, Mica, kilala ko si Edward, he don't hurt me. At saka mahal niya ako."
"Ganon sige tignan natin, Sherry, sukdulaan yata ang galit niya sa iyo, because what you did, kahit na mahal ka pa, ate sure na may pagmamahal pa siya saiyo ha, Sherry? I don't think so."
Sa tingin ni Rossana mahal pa rin ni Edward si Sherry. Alangan naman na sa isang araw lang nawala na ang pag-ibig sa dating fiancee.
Niluwangang ni Rossana ang bukas ng gate para makapasok na ang dalawa.
Agad inabante ni Edward ang kotse niya sabay busina pa ng makita niyang papasok na ang dalawa sa loob.
Napahinto sa paghakbang sina Sherry at Mica ng may bumusina at humintong kotse sa tapat nila.
Kinabahan si Rossana dahil ang asawa na ito.
Kaagad lumabas ng kotse niya si Edward.
"Stay here, don't go inside my house!" sabi niya sa dalawa.
"Edward?" ani Sherry sabay lapit niya dito upang yakapin sana ito pero hindi niya nagawang yakapin dahil hinawakan nito ang kamay niya.
"Meron ka pa palang mukhang ihaharap sa akin, pag katapos ng ginawa mo, bumalik ka kung saan ka nagpunta ang kapal din nang pagmumukha mong magpakita pa sa akin!" patulak na binitawan niya ang dalaga.
Muntik natumba si Sherry mabuti na lang nahawakan siya ni Mica.
"Get out of here now! Dahil ayokong nakikita ka. And don't ever came back again or esle---!" Naikuyom ni Edward ang kamao.
Nakikinig lang si Rossana sa usapan nang dalawa at kitang-kita niya ang galit sa mata ng asawa. At masasabing nawala ang pagmamahal sa dating nobya.
"Edward, I'm sorry patawarin mo ako!" napaluha ito.
"Sorry, okay fine, your sorry its acceptable. Now umalis na kayo!"
"Pinapatawad mo na ako sa nagawa ko, Edward?"
BINABASA MO ANG
The Proxy Bride (Completed)
Romance"If I kiss you now, baka lalong hindi mo makakalimutan at hanap-hanapin mo pa ito" ROSSANA LUNA. Gagawin ang lahat para sa pamilya. Huwag lamang magutom ang mahal sa buhay. EDWARD TRINIDAD. A man with everything ang lalakeng matatawag na perfect na...