"EMMA, pinatatawag ka ni Sir," wika ng kasama nilang waiter.
"Ha? Bakit daw? Meron akong gagawin mag se-serve pa ako."
"Ewan ko, puntahan mo na alam mo naman si Sir, ayaw niyang naghihintay siya."
"Baka na miss ka niya, Emma," biro ni Rossana dito.
"Tseee! Hindi ko type ang kalbo na iyon no. Kahit na mayaman pa siya!"
Nagtawanan naman ang mga kasama niyang waiter dahil sa sinabi nito.
"Hoy! Emma, may magsumbong sa sinabi mo lagot ka kay, Sir. "
"Eh, di magsumbong sila, anong pakialam ko, I'm not scared. "
"Naks, napapa-english tayo ng wala oras, ah."
"Kahit kunti naman meron din akong alam Rossana, ganyan tayong mga pinoy, kahit hindi tayo nag tapos sa ating pag-aaral. We can speak little bit of english you know."
"Agree ako sa'yo, Emma," sagot naman niya.
"Oy, Rossana. Tutal wala ka naman ng gagawin di ba? Saluhin mo muna ako sa table seven oh, papalitan din kita puntahan ko lamang si Sir, para
sabihin ko na rin kay Ma'am Sheila, na ikaw ang mag serve, " pakiusap nito."Sige, walang problema, Emma, ako na tapos naman na ako sa vip room."
Mabilis na umalis si Emma, para puntahan ang boss nila. Hinihintay naman ni Rossana ang pag kain e-serve niya.
"Rossana, table seven ang order ready na," ani ng supervisor nila.
Tumango siya umikot patungong cooking area.
"Wala pa ang order natin, I go to the comfort room muna," paalam ni Edward kay Sherry.
"Okay!"
Kaagad ng tumayo si Edward at dali-dali niyang tinungo ang comfort-room.
Inihahanda ni Rossana ang mga pagkain para sa table seven inilalagay sa trolley.
"Okay, na ba ito?" tanong niya.
"Oo, okay na'yan, Rossana" sagot ng nasa kusina.
Kaagad dinala ni Rossana ang pagkain sa nag order.
"Ang tagal naman ng order natin?'' turan ni Sherry ng nakabalik na si Edward galing washroom.
"Just wait, marami kasing customers, " sagot niya habang may tinitignan siya sa cell phone.
Habang papalapit si Rossana sa table seven bigla siyang nakadama ng kaba.
"Bakit ganito, ang kabog ng puso ko, kanina hindi naman, ah," turan niya sa sarili.
Nakatingin si Rossana sa dinadaan niya baka kasi masagi ang mga taong nasa ibang lamesa ito meron kasing iba basta na lang tatayo. Mahirap na mababawasan ang kanyang sahod pag natapon ito.
Pagdating niya sa table seven."This is your order, Ma'am, Sir " aniya.
Awtomatikong napatingin sina Sherry at Edward sa nagsalitan at sabay bigkas ng pangalan niya.
"ROSSANA?"
Hindi makapaniwala si Rossana ng mapagsino ang nasa lamesa. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin, palipat-lipat siya tingin ng sa dalawa.
"Na---nagkabalikan na ba sila?" turan niya sa sarili. Dahil sa naisip niya ramdam niya na pinipiga ang kanyang puso. At pakiramdam niya tuloy parang nahihilo siya.
Napamura ng lihim si Sherry. Ang taong ayaw niyang makita ay siya pa ang mag serve sa kanila."Puwede ba serve mo muna ang pagkain namin," nairitang wika ni Sherry.
BINABASA MO ANG
The Proxy Bride (Completed)
Romance"If I kiss you now, baka lalong hindi mo makakalimutan at hanap-hanapin mo pa ito" ROSSANA LUNA. Gagawin ang lahat para sa pamilya. Huwag lamang magutom ang mahal sa buhay. EDWARD TRINIDAD. A man with everything ang lalakeng matatawag na perfect na...