Chapter 15

1.3K 26 0
                                    

SA SANDALING iyon, inaayos na ni Rossana ang mga damit kunti lang naman ito.

"Rossana, huwag mo naman iwan si Sir Edward?"

"Manang, hindi ko siya asawa, walang dahilan para manatili pa ako rito."

"Matanong nga kita, Rossana. Ikaw bay mahal mo na si Sir Edward? Huwag kang magsinungaling, ha."

"Opo, mahal ko na siya, kahit ganon ang pinapakita niya sa akin, itong puso ko, ayaw paawat, eh."

"Gano'n naman pala, eh. Sa tingin ko mahal ka rin ni Sir, huwag ka munang umalis hintayin mo siya Rossana, mag usap kayo puso sa puso!"

"Hindi niya ako mahal, Manang Nena. Baka mali ang nakikita mo sa kanya. Kahit na bago palang kaming nagsasama, nakikita ko magaling siyang magtago ng nakakaramdam. Bigla-bigla pan nagbabago ang kanyang ugali."

"Sinabi ba niya sa iyo na hindi ka niya, mahal ha, Rossana?"

"Hindi po," sabay iling niya.

"Iyon naman pala, siguro naman nararamdaman mo na may halaga ka na sa kanya o mahal ka niya."

"Hindi ko po alam, Manang, kasi siya 'yong taong mahirap basahin ang bawat galaw niya, sala siya sa init sala siya sa lamig, hindi mo matiyempuhan ang ugali."

"Rossana, pag puso ang humusga, dito mo malalaman ang totoo. Pakiramdam mo siya sa pamamagitan ng puso mo."

"Papaano ko pa gagawin 'yan Manang kung, aalis na ako rito dahil wala akong karapatan manatili pa rito sa bahay niya."

"Paano kung sabihin ni Sir Edward na huwag kang umalis ha, Rossana."

"Hindi niya masasabi ito Manang, baka galit pa siya sa akin dahil sa ginawa ko."

"Hindi na ako magpipilit pa o magtanong kung ano iyan nagawa mo kay Sir Edward, Rossana. Nagtaka nga kami dahil ibang pangalan ang sinabi ni Sir Edward na asawa. Pero kung sino man ang babaeng iyon, mabuti at hindi siya ang... Alam mo na ang ibig kung sabihin, Rossana. Magaan ang loob ko saiyo, dahil may katangian kang maganda. Hintayin mo si Sir, mag usap kayo bago ka umalis ha, ako'y bababa muna at maghanda ng hapunan natin para kumain ka muna bago umuwi sa inyo. Pero sana mapigilan ka ni Sir."

"Sige po Manang, salamat."

May pagmamadaling pumasok sa loob ng bahay si Edward. At may pagkasabik na makita si Rossana. He want to hug her to tight at sabihin stay with me forever because I love you.

Paakyat na siya sa may hagdanan ng tumunog ang kanyan cell phone. Huminto siya sa ika tatlong baitang tinignan kung sino ang tumatawag. "Si Daddy, bakit kaya?" paminsan-minsan lang tumatawag ang ama sa kanya lalo na kung importante ito. "Hello, Daddy, napatawag ka?"

"Hijo, come to the hospital right now," nag-aalalang sabi nito.

"Dad, bakit sino ang na hospital?" may pagtatakang tanong niya.

"Ang, Mommy mo hijo, inatake na naman siya sa puso, please came. Dalian mo dahil nasa masamang kalagayan siya now!"

"What?"

"Bilisan mo, hijo."

"Okay, Daddy, papunta na ako diyan ngayon," kahit na masama ang loob sa ina at ganon ang ugali nito mahal na mahal ito.

Bumaba siya at nagmamadaling lumabas ng bahay at mabilis na sumakay sa kanyang sasakyan. Bago pinaandar ni Edward ang makina tumingin muna siya sa kanyang bahay. At napabuntong-hininga."Wait for me Rossana," nasabi niya kahit na gustong-gusto niyang makita ito. Pero dahil nasa dilikadong kalagayan ang ina pipiliin muna niya ito.

Napatakbo si Rossana sa bintana ng silid nila ng may narinig siyang ungong ng sasakyan sa tapat ng bahay."Si Edward."

Nang lumo siya ng makita paalis ito. Para bang hinang-hina siyang bumalik sa pag-empake ng mga damit niya.

The Proxy Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon