"AHHH!" sigaw ni Sherry pagkapasok nito sa kanyang condo unit. "Shit! Damn you, Rossana! I hate you!" Nangagalaiti siya sa galit dahil nasira ang dinner nila ni Edward. Sa sama ng loob pinagtuunan niya ang alak. Kanina sa restaurant, lahat sila ay nakatingin sa kanya. Tila ba sinabi ng mga ito bakit siya iniwan ng kadate ng ganon-ganon lang dahil sa isang babaeng nawalan ng malay tao. Puwede naman itong tumawag ng katrabaho na bubuhat dito. But is not alalang-alala pa nga ito. At basta na lang siya iniwan ni Edward. Panay ang lagok niya sa alak."I hate you! I hate you! Hindi ako papayag hindi ako papayag na makuha mo si Edward, Rossana. No! No!" sigaw nito.
SA gabing iyon, pinadama nina Rossana at Edward ang pag-ibig nila sa isa't-isa. Muli silang naging isa. Lubos ang nararamdaman kaligayahan ng dalawa.
"Mahal na mahal na mahal kita, Mrs Trinidad, " bulong ni Edward kay Rossana.
Hindi sumagot si Rossana bagkus dinampian niya ng halik ang labi nito. At saka siya yumakap ng mahigpit dito.
Napangiti naman si Edward sa ginawa nito dahil alam niya hindi man mag salita si Rossana damang-dama niya ang wagas na pag-ibig nito para sa kanya.
Napamulat ng mata si Rossana ng maalala niya ang pamilya.
"Anong oras na?" biglang tanong niya.
Kinapa ni Edward ang relong nasa side table.
"Past, one o'clock."
"Ano! Naku, kailangan ko nang umuwi sigurado ako nag-aalala na sila sa akin," sabay kalas niya sa pagkayakap kay Edward.
Babangon na sana siya ng pigilin siya ni Edward.
"Rossana, puwede bang mamaya ka na lang umuwi pag sikat ng araw?"
"Hindi puwede, Edward, ayokong mag-alala sila sa akin lalo si Inay."
"Bakit napaano ba ang Inay mo, I mean is si Inay?" pagtatama niya.
"Mahabang kuwento, Edward."
"Handa akong makinig, Rossana. Kahit na gaano pa kahaba ito, siguro naman hindi aabutin hanggang sa pag sikat ng araw di ba?"
Ngumiti si Rossana sa sinabi nito.
"Short story gusto mo?"
"I'm listening."
"Puwede bang saka na, uuwi muna ako." Kambiyo niya.
"Ang daya mo naman, sige na nga ihahatid na kita, pero bago kita ihatid kiss mo muna ako, " may ngiting turan niya.
"As you wish Mr. Trinidad!" kanya ngang hinalikan ito sa labi.
Gumanti ng halik si Edward kaya nakaramdam muli sila ng pag-iinit ng kanilang katawan.
"Hmmm," ungol ni Rossana sabay layo niya sa labi niya rito. Humahabol naman ang labi ni Edward.
"Tama na, Edward, baka saan na naman mapunta iyan, eh, " protesta niya
"Okay nga 'yon, second binyag ni baby. Di ba baby para mabilis kang mabuo?" Hinalikan pa niya ang tiyan ni Rossana.
"Ikaw talaga, ihatid mo na ako. Kung ayaw mo mag taxi na lang ako!"
"Oo na, nagsungit ka na naman. Ayoko nang ganyan, ha? Smile always para always happy si Baby."
"Opo, daddy."
"Good, baby!"
Dahil sa kanilang sinabi napangiti sila pareho.
"Tara na, Edward." Bumaba na siya sa kama at nagbihis na.
Sumunod naman si Edward kay Rossana.
Matapos silang magbihis."Tara na," anyaya na ni Rossana dito.
Tumango si Edward ginagap ang kamay ni Rossana sila ay lumabas na.
BINABASA MO ANG
The Proxy Bride (Completed)
Romance"If I kiss you now, baka lalong hindi mo makakalimutan at hanap-hanapin mo pa ito" ROSSANA LUNA. Gagawin ang lahat para sa pamilya. Huwag lamang magutom ang mahal sa buhay. EDWARD TRINIDAD. A man with everything ang lalakeng matatawag na perfect na...