Chapter 6

1.3K 36 1
                                    

PAGLABAS ni Edward mula sa banyo, dumiretso siya sa may telephone na nasa tabi ni Rossana.

Hindi malaman ni Rossana kung ano ang gagawin uurong ba siya o hindi. Dahil amoy na amoy niya ang bango ng katawan ng asawa. She feel so uncomfortable sa sandaling iyon. Sino ba naman ang maging panatag ang isip at puso. Kung ganito ang nakikita mo. Kahit na virgin pa ang diwa o at imahinasyon mo nakakakiliti ang ganitong tanawin. Lalo pa kung ang mata mo ay malikot napupuna ang natatakpan ng tuwalya iyan.

Wala naman makialam si Edward sa kasama. Sino ba ito a stranger?

"Oh, ano ba naman ang lalaking ito, inaaakit ba niya ako? Kung makarampa sa harapan ko wagas ah," hindi niya maiwasan huwag tignan ang binatang dinadayal ang numero ng restaurant sa hotel para mag order. Mula ulo pababa ng pababa ng nasa may bewang na nito ang kanyang tingin napalunok pa siya. Kasi naman napako ang mata niya sa hinaharap nito.

Ramdam ni Edward na tinitigan siya ng dalaga. Kaya naman medyo humarap siya rito para bang nananadya. At kumwaring hindi niya alam na nakatingin sa kanya ito. Dali-dali ibinaling ni Rossana sa iba ang tingin niya.

Hindi man aminin ni Edward sa sarili. Na aamuse siya rito nakikita niya na. their is a innocent inside her.

"Hello," ani Edward ng may sumagot sa tawag niya.

"Hello sir, ano pong order mo, sir?"

"Yes, I want a hard drink, bring it now. "

"Your room number, sir?"

"One. Zero. Eight. I want it now."

"Right away, sir," sagot ng nasa kabilang linya. At ibinaba na ni Edward ang telephone. Umalis na hindi man lamang tinapunan ng tingin ang dalaga. At na upo siya sa sopang naroroon.

Ilang sandali laman dumating na ang order niyang alak. Pagkakuha niya kaagad niyang binuksan nagsaling sa baso.

"Anong gagawin ko? matutulog na ba ako? Oh, hindi pa pala ako nakapag palit paano ito wala naman akong damit," turan ni Rossana sa sarili na hindi pa rin natitinag sa pagkaupo sa kama.

Nasa ganon siyang pagmuni-muni nag mag salita si Edward na ikinagulat pa niya.

"Tutunganga ka na lang ba diyan, maligo ka na para maaalis ang bacteria mo sa katawan, baka kung saan basura ka lang pinulot ng walang hiyang babaong iyon?!" may pait at galit na ani Edward.

Biglang nataranta si Rossana sa biglang pagsalita nito"Wa---wala akong damit?" may kabang sagot niya.

"What the hell I care, kung wala kang damit, anong gusto mo bababa pa ako para bumili ng damit mo gano'n ba?"

"Hi---hindi nasabi ko lamang. "

"So, ano pang ginawa mo go take a bath, baka gumapang pa ang bacteria mo papunta sa akin!"

(Bacteria? Ang kapal naman ng mukha mo, guwapo ka lang, eh. Naligo ako kanina)

Kaagad tumayo si Rossana at naglalakihan ang hakbang na tinungo ang banyo, pagpasok sa loob mabilis na ni lock ang pinto.

Mahirap na baka lasing na ito gapangin pa siya, kahit na guwapo pa ito never siyang bibigay. Ano siya tanga, ang sama ng ugali kaya.

Napatingin siya sa salamin tinitigan niya ang sarili kinausap ito.

"Kaya mo ito, Rossana. Kahit ano pa ang masamang sinasabi niya sa'yo, dahil alam mong hindi ka ganon klaseng babae," napaluha siya."Akala ko, maging madali ang lahat iyon pala, mas malala pa. Sana hindi ko na lamang tinangap ang alok ni Sherry sa akin. Pero kung hindi ko naman ginawa ito. Baka wala na si Inay ngayon."

The Proxy Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon