Chapter 11

1.3K 31 0
                                    

SA bawat madaan nilang kaibigan, business partners ni Edward, proud siyang pinapakilala ang asawa. Eh, ang ganda-ganda nito. Sa kanyang paningin she's the gorgeous woman he seen, yes maganda ang dating fiancee na si Sherry. But her wife, damn. Maganda na sinamahan pa na may pagkainosente sa itsura.

Nakangiti lang si Rossana sa mga kaibigan ni Edward at kakilala. Tuwing pinakilala siya nito ngumingiti na lang siya at sinasabing hi po, hello po.

Nang nasa isang lamesa na sila."Mahiyain yata ang asawa mo, Edward?" puna ng business partner nito.

"Oo, Zalde, hindi kasi siya sanay makihalubilo sa maraming tao."

"Saan bundok ba siya ng galing, Edward?" ani naman ng asawa nito.

Nasaktan man si Rossana sa tanong ng ginang kailangan pa rin niyang ngumiti. Pero ang totoo gusto niyang tumakbo para makalayo agad sa mga ito.

Tumawa naman ng kumwari si Edward sa tanong ng asawa ng business partner niya. Pero hinigpitan niya ang pagkahawak sa kamay ni Rossana. Para  ipahiwatig na narito lang ako.

"Actually, galing siya sa tuktok nang MT. PINATUBO!" biro ni Edward.

Napatawa naman ang mag asawa sa sinabi niya.

"Palabiro ka talaga, Edward. "

Ngumiti na lang si Edward sa sinabi nito.

"Edward, puwede bang doon muna ako kina, Mica."

Tinignan muna ni Edward ang asawa at nakikita niya ang pagiging uneasy nito sa harapan nila.

"Sige, sweetheart, sundan na lang kita mamaya sa kanila." malambing na tugon niya.

Lumukso ang puso ni Rossana sa pagtawag ng asawa sa kanya ng na sweetheart. At napatitig siya rito and she seen a spark to his eyes, that he's not telling a lie. Dalangin niya na sana ay totoo ang nakikita niya sa mata nito.

"Maiwan ko muna po kayo, " magalang na paalam niya sa mga ito.

"Sure, misis Trinidad, no problem," sagot naman nila.

Bago binitawan ni Edward ang kamay ng asawa. Inangat niya ito saka hinalikan.

Nakadama ng kilabot sa katawan niya si Rosana sa ginawang paghalik ni Edward sa kamay. Parang may kung anong dumapo sa kanyang sikmura. A butterfly. Siguro nga, tila nagliliparan pa ang mga ito.

Ramdam ni Edward ang nadarama ng asawa sa kanyang ginawa. Hindi niya maintindihan ang sarili bakit ginagawa niya ito. At may pa sweetheart. Sweetheart pa siyang nalalaman ngayon. At isa pa the way he call her sweetheart their is a sweetness in his voice. May tinatago pala siyang kakaiba sa sarili a loving and sweet person.

Hindi maintindihan ni Rossana bakit ginagawa ito ng asawa. Siguro pakitang tao lamang ito. Pero ang ginawa ng asawa nagbigay sa kanya ng kilabot sa buong katawan, para kasing may kuryente ang labi nito.

"Go, sweetheart," ng bitawan na ni Edward ang kamay ng asawa matapos halikan.

Ngumiti siya sa asawa at tumalikod na, at gusto niyang tumakbo para makarating siya kaagad kina Mica. Dahan-dahan siyang naglakad baka pag nilakihan ang mga hakbang may masabi ang mga tao. Sa bawat madaan niyang bisita nginingitian na lamang niya.

Nang makalapit na siya kina Mica kaagad naman mag tanong ito.

"Oh, Rossana, bakit iniwan mo si Edward?"

"Hindi naman niya ako kailangan doon, Mica."

"Bakit mo naman nasabi 'yan, Rossana?" ani Yhesa.

"Nararamdaman ko, at napapahiya lamang si Edward pag kasama niya ako."

The Proxy Bride (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon