Chapter 10: War II

118 11 2
                                    

Raven's Pov

"Woi Raven, anong tampo tampong emot yan?" Tanong ni Misty habang naka hawak pa sa bewang.

"Anong emot?"

"Yung ginagawa mo. May pa pout-pout ka pang nalalaman diyan, alam mo sa ating apat ako yung pinaka childish, at yang mga ginagawa mo, ay ginagawa ko pag nag e-emot ako gets?" Ngayon naman naka taas na yung isang kilay niya.

"Edi nag e-emot na kung nag e-emot." Inis na sabi ko sa kaniya.

"Bakit ka naman nag e-emot aber?"

"Dahil kay kambal, kanina niya pa ako inaasar di mo ba pansin?"

"Pansin, malamang."

"Oh! Tapos magtatanong ka pa kung bakit ako nag e-emot nakakainis kayo." Sabi ko at lumayo sa kaniya nakita ko pa siyang tawa ng tawa.

"Okay class, alam niyo naman ang Self defense right? Today ang activity natin ay Self defense. Humanap na kayo ng partner niyo." Sabi ni Sir ng nandito na lahat ng section 4.

Di ako kumikilos dahil di ko alam kung sino pwede kong maging ka partner. "Ms. Villareal?" Agad akong napalingin kay Sir at nakatingin din si kambal kay Sir. "Where's your partner?"

"Wala sir."

"Partner kayo ni Mr. Constantine."

"Ayoko Sir."

"No. Partner kayo kung hindi wala kayong grade sa activity."

"Bilis na dami pang arte." Rinig kong sabi ni Zeke.

Dahil no choice ako, siya na yung partner ko. Pagtingin ko sa tatlo, ka partner ni kambal si Lupa? Diba mag kaaaway yung dalawang yun? Weird talaga ng dalawang yun. Si Misty kay East, si Yuri kay Clark. Hahahaha ang cute nila.

"Alam niyo naman yun right? Now start lalapit ako para tignan kung tama ba okay." Sabi ni Sir at nagsimula na yung iba. About yung self defense pag nasa community ka. Sinabi na sa amin ni Sir yesterday na mag search kami about sa self defense kaya titignan niya na lang kami.

Nakaupo lang ako at nakatingin kay Zeke pero di man lang siya kumikilos habang yung iba kumikilos.

"Fuck. Ang boring naman ng ginagawa nila." Rinig kong sabi niya. "Di ka ba kikilos?"

"Hindi malamang kasi ikaw yung suspect tapos ako kikilos? Bobo."

"Anong sinabi mo?" Inis na sabi niya dahil tumayo pa siya eh!

"Wala."

"Tsk, lalabas na nga lang ako." Sabi niya at lalakad na ng tumayo ako at hinatak yung kamay niya at nilagay sa likod niya. "A-ah aray b-bitawan m-mo a-ako." Namimilipit na sabi niya.

"Good job Ms. Villareal." Nagulat ako ng sabihin yun ni sir.

"Talaga Sir?" Nakangiting sabi ko kay Sir.

"Yes. Okay class dismiss. You may have your lunch break." Sabi ni Sir at iniwan na kami.

"B-bitawan mo na ako." Sabi ni Zeke kaya binitawan ko na siya. "Bakit mo ako ginanon?" Inis na sabi niya ng bitawan ko siya.

"Di ko alam." Kibit balikat na sabi ko sa kaniya.

"Di mo alam? Are you sure?"

"Yeah."

"Ano bang gusto mo? Ha? Ouch." Napa-aray siya ng hawakan ni East yung kaliwang braso niya na hinawakan ko kanina. "See? Nag kapilay ako ng dahil sa walang kwentang di mo alam. Pagbabayaran mo ito." Sabi niya at sumabay na sa mga kaibigan niya.

4 Bad Boys Meets 4 Cool GirlsWhere stories live. Discover now