YURI'S POV
Kanina pa nag-aalala si Raven mahigit 3 hours na siyang wala. Grabe talaga mag-alala itong kambal na ito.
"Raven uuwi rin yun. Huminahon ka nga." Sabi ni Misty habang naka tingin kay Raven na kanina pa lakad ng lakad.
"Huminahon? Di ko pa nga siya nakikita huminahon?" Medyo may inis na sa sinabi niyang yun.
"Kami rin naman ah! Di pa natin siya naki---"
"Kaya di ako magiging mahinahon habang wa--"
"Tumigil na nga kayong dalawa. Darating din yun, si Boss pa. Hahhaha. Nung nakaraan lang si Rhaine yung nag-aalala sayo tapos ngayon ikaw naman hahahahaha galing niyo talagang kambal. Hahahha." Singit ko sa usapan nila habang tawa ng tawa.
"Stop laughing. Nag-aalala lang talaga kasi ako." Yun huminahon din.
"Kaya niya sarili niya malaki na yun hahahhaha."
"Bakit mukhang di ka nag-aalala?" Tanong ni Misty.
"Mag-alala? Seryoso ka? Nasa tabi tabi lang kasi yun tsaka alam niyo naman pag bad mood or naiinis yun umaalis na lang bigla bigla. Di pa kayo nasanay."
Di na kami nag salita pero grabe di ko pinapahalata na nag-aalala ako ang lakas kasi ng tibok ng puso ko. Mga alas diez na grabe ang tagal ni Rhaine saan kaya yun.
"Buti wala dito si lola kasi panigu--" di niya natuloy yung sasabihin niya ng makarinig kami ng bagong dating na sasakyan.
Agad kaming nag katinginang tatlo at sabay sabay na pumunta sa pinto dahil yun na yung sasakyan ni Rhaine.
"Anong pagkain?" Tanong niya ng maipasok yung sasakyan niya at pag kababa niya.
"Saan ka galing?" Tanong ni Raven.
"Sa park."
"Anong ginawa mo dun?"
"Ano ba ginagawa sa park?"
"Aish ano ba kinakausap kita ng maayos sumagot ka ng maayos."
"Maayos yung pag-kakasabi ko."
"Para sa akin hindi."
"Edi sayo hindi."
"Ano ba kayong dalawa di ba kayo titigil?" Singit ni Misty habang naka hawak sa bewang.
"Siya yun." Sabi ni Rhaine at nilagpasan kami at pumasok sa bahay.
Pumasok na rin kami at dumiretso siya sa kusina at tinignan kung may ulam pa. "Sino nag luto?" Tanong niya pa habang inaamoy yung tinolang manok.
"Ako kasi good mood ako." Sabi ni Raven.
"At ako naman bad mood." Sabi naman ni Rhaine.
"Magkasalungat nga kayong dalawa." Natatawang sabi ni Misty.
"Hala may nakalimutan ako." Gulat na sabi ni Rhaine.
"Ano?" Kaming tatlo.
"May kasama pala ako."
"Sino?" Sagot ulit namin.
"Siya." Sabi niya at tinuro yung nasa likod namin para akong kinabahan na ewan kasi yan na naman yung puso ko.
Pagkaharap naming tatlo.
(O•O) kaming tatlo.
"L-lian?" Takang sambit ko sa pangalan ng taong kaharap namin.
"Bakit po?" Natatawang sabi niya at lumapit sa aming tatlo pero lumayo kami. "Hala di ata sila natutuwa na nandito ako. Huhuhu. Hermana Lexa." (Ate Lexa.) May namumuo ng luha sa mga mata niya at lumapit kay Rhaine.
YOU ARE READING
4 Bad Boys Meets 4 Cool Girls
Teen Fiction4 na babae ang kasama sa isang legal na GANGSTER ang kilalang GANGSTER WORLD at dahil sa kanila ay napalago pa nila ng maayos ang GANG nila. Hindi alam ng mga magulang nila na kasali sila sa GANGSTER. Hindi nagtagal umalis ang 4 na babae at tumigil...