Chapter 17

106 9 0
                                    

RYLAND'S POV

Nung maka alis si Dylan umalis na rin ako dumaan muna ako sa bahay at kumuha ng gamit saka ko ni lock yung bahay namin. Pagka sakay ko sa kotse umalis na ako at tinahak yung papunta sa province namin. Habang nasa byahe ako biglang tumawag sa akin si kuya kaya sinagoy ko 'yun.

"Saan ka na? Naka-alis ka na ba?"

"Oo buma byahe na ako."

"Kumain ka di alam nila dad na susunod ka sa kanila."

"Hmm."

"Ingat ka sa byahe ah!"

"Baba ko na 'to."

"Sige." Pagkasabi niya nun binaba ko na yung tawag.

Habang nasa byahe ako nagpatugtog lang ako para di ako ma boring. After ng ilang oras naka rating na rin ako sa province namin at dumiretso na sa bahay nila lolo. Natanaw ko na yung kotse ni dad sa labas kaya nag park ako sa likod ng kotse niya. Lumabas na ako at pumasok sa bahay lahat sila napatingin sa pagpasok ko lalo na si Ems kaya agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Akala ko kuya di ka pupunta?"

"Wala naman akong sinabi." Lumapit ako kila lolo, lola, mommy at daddy saka ako nagmano.

"Ang laki na ng apo kong si ryl-ryl." Nakangiting sabi sa akin ni lola kaya parang namula yung mukha ko sa sinabi ni lola, narinig ko naman si Ems na natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya nanahimik siya.

"La malaki na ako 'wag mo na po akong tawaging ryl-ryl." Seryosong sabi ko.

"Matured na ang apo ko." Nakangiti ulit na sabi ni lola.

"Sakto ang dating mo apo dahil luto na ang niluto ng lola mo." Singit ni lolo.

"Na miss ko yung lito ni lola." Masayang sabi ni Ems kaya nauna na siyang pumunta sa kusina at sumunod naman ako.

Magkatabi kami ni Ems sa upuan at kaharap ko si lola na kinakausap sila dad at mom. 

"Nasaan nga pala si ren-ren?" Tanong ni lolo habang kumakain na kami.

"Siya ang nag aayos ng negosyo niyo dad sa manila kaya hindi siya makauwi dito ." Sagot ni mom.

"Sayang di kayo kumpleto." Sabi ni lola.

"Tsk! Matagal na kaming  'di kumpleto." Bulong ko pero narinig ni Ems dahil napalingon siya sa akin.

"Kamusta pag aaral niyong dalawa? Ayos lang ba? Hindi porket anak kayo ng may ari ng school o di kaya may kapit kayo hindi niyo na aayusin pag aaral niyo." Sabi ni lolo sa amin.

"Hindi naman lolo tsaka maayos po yung pag aaral namin ni kuya." Sabi naman ni Ems kaya tumango lang ako.

"Aba dapat lang, 'yan ang apo ko." Proud na sabi ni lola.

Nagkwentuhan lang sila habang kumakain kaya nung matapos ako pumunta ako sa taas at dumiretso sa balkonahe. Agad sumalubong sa akin yung preskong hangin na di nararanas sa manila.

Habang nakatingin ako sa langit biglang sumulpot si Ems sa harap ko.

"Kuya samahan mo ako bukas sa bukid maglalaro kami nila ellyat ella tsaka sabi ni mommy may duyan daw duon para sa'yo." Di ko siya sinagot at tumingala ulit ako sa langit, pumikit at dinama yung lamig ng hangin.

"Ems sa tingin mo masaba ba akong tao?" Di ko alam kung bakit ko natanong yun.

"Bakit ka naman magiging masama. Mabait ka pero isnabero ka, nakikihalubilo pero suplado, basta di ka naman masama, minsan oo minsan hindi hehe."

4 Bad Boys Meets 4 Cool GirlsWhere stories live. Discover now