RHAINE'S POV
Alam kong sumilip dito si Yuri pero nag aaral pa ako dahil natulog naman ako kanina. Basa dito basa duon lang ang ginagawa ko. Mga 1:30 na ako natapos kakabasa grabe nakakatamad mag-aral.
Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig pero biglang nag bukas yung pinto at niluwa nito si Lian na may pasa sa mukha kaya nilapitan ko siya at pina-upo sa sofa.
"Bakit ka may pasa?" Tanong ko habang tinitignan yung mukha niya.
"May nadaanan akong mga lasing na tao dun banda sa No sé parang napag-initan nila ako ganun."
"Anong parang? Napag-initan ka talaga di ka naman magiging ganiyan kung di ka nila pinag-initan may ginawa ka ba?"
"Wala, naghahanap lang ako ng masasakyan ko eh! Tapos ng mapadaan ako sa kanila bigla na lang nila akong sinapak."
"Bakit ka nga sinapak? Di ka naman nila sasapakin kung wala kang ginawa."
"Wala daw akong magulang kaya ako nag ta-trabaho kaya sinapak ko yung lalaki pero di lahat ng pwersa ko dahil pagod ako kaya ako yung nalugi ng sapak." Nakayukong sabi niya.
"Naiintindihan ko. Maski sino naman magagalit paano ka mabubuo kung wala kang magulang? Bobohan pa nila." Natatawang sabi ko kaya napa tingin siya sa akin.
"Bakit gising ka pa?" Sabi niya habang pumunta ng kusina kaya sumunod naman ako sa kaniya.
"Nag-aaral kasi ako kanina tsaka iinom sana ako ng tubig nung bigla kang dumating." Sabi ko at naupo.
Pumunta siya sa refrigerator at kumuha ng tubig at inabot sa akin. "Rhaine bakit ganun itong mga nakaraang araw may sumusunod sa akin pero nung di pa ako dito nakatira walang sumusunod sa akin."
"Kaya mo naman yun diba? Ako nga sinundan mo kaya ka nandito." Sabi ko kaya tumango lang siya. "Tara na matulog na tayo." Sabi ko ulit at tumayo na kami nilagay niya sa lababo yung basong ginamit namin atsaka pinatay yung ilaw.
Nung makapasok kami sa kwarto ko dumiretso na si Lian sa CR at nagbihis. Nilikpit ko na yung mga gamit ko para wala na akong lilikpitin mamaya.
"Rhaine sa tingin mo yung sahod ko kaya para sa pamasahe ko? Pa-uwi sa bahay?" Tanong niya nung makalabas ng CR.
Pumunta muna ako sa kama ko at nahiga. "Depende basta aabot. Gusto mo na bang umuwi sa tingin mo ba di ka hinahanap?"
"Kung siya yung naghahanap sa akin okay pa."
"Gusto mo bang pasundo na lang kita dito?"
"Wag na hayaan mo siyang hanapin ako kung mahahanap niya ako hehe. Sige na good night na." Sabi niya at pumikit na.
Ano kayang problema ni Lian at umalis siya sa bahay nila? Di naman aalis ito kung di mahalaga yung nangyari. Hays kawawang bata.
Pinikit ko na lang yung mga mata ko atsaka natulog.
"Rhaine gising na." Yugyog sa akin ni Lian.
"Hmm." Nasabi ko na lang at nagmulat nang mata nakita ko na siyang inaayos yung bag niya. "Good morning." Bati ko nung makatayo na ako.
Kinuha ko na yung susuotin ko friday nga pala ngayon at kailangan kong mag PE. "Good morning din. Rhaine may scientific calculator ka ba? Hihiramin ko sana."
"Nandiyan sa bag pahanap na lang." Sabi ko bago pumasok ng CR.
Di ko na siya narinig na nag salita. Ginawa ko na yung morning rituals ko ligo toothbrush etc. pagkalabas ko wala na si Lian sa kwarto siguro nasa baba na yun. Tinignan ko yung itsura ko sa suot kong PE isa lang masasabi ko. Ang taba ko ang luwag kasi dapat medium lang large ba naman yung size. Napa-irap na lang ako saka lumabas ng kwarto. Pagkadating ko sa baba nandun na silang apat naka PE rin sila.
YOU ARE READING
4 Bad Boys Meets 4 Cool Girls
Teen Fiction4 na babae ang kasama sa isang legal na GANGSTER ang kilalang GANGSTER WORLD at dahil sa kanila ay napalago pa nila ng maayos ang GANG nila. Hindi alam ng mga magulang nila na kasali sila sa GANGSTER. Hindi nagtagal umalis ang 4 na babae at tumigil...