Ryland's Pov
"Kuyaaaaaaaaa."
"Whaatt?" Inis na baling ko sa kaniya.
"Simba tayo."
"Magsimba ka."
"Mom, si kuya ayaw sumama."
"Ezeo sumama ka na."
"Ayaw ko nga mom."
"Isa... Di ka sasama? Gusto mong pagalitan ka pa ng Dad mo?"
"Ayaw ko nga kasi ang kulit niyo."
"Ayaw mo talaga!" Sabi ni mom kaya tumango naman ako. "Dad, si Ryland Ezeo ayaw magsimba."
Saktong kabababa lang ni dad galing sa taas. "Ryland Ezeo, sumama ka kahit sa araw lang ng panginoon."
"Ayaw ko nga kasi."
"Ryland wag mong sagutin ng pabalang si dad." Biglang sulpot ni kuya.
"Sumama ka na kasi kuya." Pangungulit pa ni Ems.
"Kainis oo na sasama na ako. Pero mamaya na."
"Anong mamaya? Oras na ng misa ngayon kumilos ka na Ryland ikaw na lang inaantay namin." Inis na sabi ni mom. Kaya pilit akong tumayo at pumunta sa kwarto ko.
Bakit ba kasi kailangang magsimba every sunday? Nakakainis. Agad akong naligo ng mabilisan at nag ayos ng sarili. After ng ilang minutes natapos na ako at bumaba na.
"Thank you kuya." Nakangiting sabi ni Ems at kumapit pa sa braso ko, tinignan ko siya at bumitaw na sa braso ko. "Sorry,(v^_^) sungit talaga." Sabi niya at tinalikuran na ako.
"Aga aga high blood na agad?" Sabi ni kuya at umakbay pa sa akin.
"Bakit niyo pa kasi ako kailangang isama?" Inis na tinanggal ko yung braso niya.
"Baliw ka talaga, malamang kailangang magsimba."
"Tsk." Singhal ko na lang at lumabas na ng bahay.
Ginamit namin yung kotse ni dad di ko alam kung saan kami pupunta. Tatlo kaming magkakapatid si kuya Renz Eion Flinn, ako Ryland Ezeo Flinn at yung maingay kong kapatid na bunso si Risch Ems Flinn. Di ko alam kung saan galing mga name namin paki ko dun?
"Mom, saan tayo magsisimba?"
"Sa mall may bibilhin din kasi ako after ng mass." Pagkasabi nun ni mom nanahimik na itong maingay na batang to.
Nang makarating kami sa mall pinarak na ni dad yung kotse at bumaba na kami saka dumiretso kung saan may church. Pagkarating namin marami ng tao.
"Bagal bagal at arte arte kasi ni kuya Ezeo yan tuloy wala na tayong upuan." Narinig kong bulong ni Ems pero narinig namin kaya sinaway siya ni mom.
"So this is all my fault?" I told him coldly.
"Manahimik na kayong dalawa." Saway ni kuya Eion.
Di na ako nagsalita at pumasok na kami, medyo maliit lang itong church pero puno na agad. Tsk.
"In the name of the father, the son, and the holy spirit....Amen...." Sabi ng pari at nag sign of the cross kami at nag simula na yung misa.
After ng mga isang oras tapos na yung misa at lumabas na kami. "Ezeo, ano ba yang kilos mo? Nasa harap ka ng panginoon salubong yang kilay mo." Sabi sa akin ni dad.
YOU ARE READING
4 Bad Boys Meets 4 Cool Girls
Teen Fiction4 na babae ang kasama sa isang legal na GANGSTER ang kilalang GANGSTER WORLD at dahil sa kanila ay napalago pa nila ng maayos ang GANG nila. Hindi alam ng mga magulang nila na kasali sila sa GANGSTER. Hindi nagtagal umalis ang 4 na babae at tumigil...