CLARK'S POV
Tinignan ko yung itsura nung dalawa dahil sa nakita nila. Maski kaming dalawa ni Gio napahinto sa pagtingin sa kanila.
"Gago ka." Ulit nung lider saka lumapit kay Ezeo pero di umiwas si Ezeo at saka sinalubong ang ambang kamao nito.
"Bakit kailangang saktan mo ang kapatid ko? Bakit natatakot ka sa akin? Tsk!"
"Di ako natatakot sa iyo."
"Second year collage. Natatandaan na kita ikaw yung bigla biglang sumugod nung June tsk! Tagal mong naghiganti at sa kapatid ko pang hayop ka." Biglang hinagis ni Ezeo yung lalaki kaya napahiga ito sa lapag at dinaganan naman siya ni Ezeo gamit ang paa. "Siguro di mo madama masaktan noh? Puro taba naman itong nasa tiyan mo."
"Aaahhhhh." Sigaw nung lalaki ng diinan ni Ezeo yung pagtapak dun sa tiyan niya.
"Ganyan lang ba yung sinabi ng kapatid ko? Mukhang di naman. Siguro maganda kung gagayahin mo yung tono ng pananalita niya nung humihingi siya ng tulong."
"Aahhh d-di ko k-kaya."
"Aba kayanin mo. Nakaya mo nga siyang patulan boses niya pa kaya di mo makaya? Tss impossible." Sabi ni Ezeo at tinapakan naman yung bandang leeg niya.
"Aah ehh. T-tama na."
"Di ganiyan panigurado yung ginawa nung kapatid ko."
"T-tama na. G-gagawin ko lahat tigilan mo na ako."
"Paano kung ayaw ko?"
"Tigilan mo na yan." Walang emosyong sabi ni Cheriel.
Oo si Cheriel Rodizio ang babaeng nang iwan kay Kiefer. "Tss huwag kang mangielam." Biglang tinayo ni Ezeo yung lalaki at saka pinagsa sasapak.
"T-tama n-na." Saka lang binitiwan ni Ezeo yung lalaki kaya napa upo ito sa lapag.
"Tsk kulang pa yang ginawa mo sa kapatid ko pag nakita ko pa kayong anim tss magtago na kayo. Takbo." Saka nagtakbuhan yung anim. "Anong ginagawa mo dito?" Malamig na sabi ni Ezeo.
"Mag-aaral." Tipid na sabi ni Cheriel. Tinignan ko si Kiefer at naging seryoso yung mukha niya.
"Let's go." Sabi ni Kiefer at nauna nang maglakad kaya sumunod na lang kami ni Gio pati ni Ezeo.
MISTY'S POV
"Good morning class." Bati ni Ma'am Richell. "Asan ang ZERC mukhang wala ah?!" Nakangiting sabi ni ma'am.
"Ma'am okay nga yung wala sila."
"Hoy grabe ka sila na nga lang bumubuo ng araw ko wala pa sila?"
"Kailan kaya nila ako mapapansin."
"Waahhh andiyan na silaaa."
"Class calm down. Masyado kayong maharot ah!" Natatawang sabi ni Ma'am kaya natawa ang buong klase maliban sa aming apat.
Napatingin kaming lahat nung biglang bumukas yung pinto at niluwa nito yung apat. Naunang umupo si Zeke at blangko yung mukha niya.
Biglang may kumatok kaya binuksan yun ni ma'am. "Excuse me Ma'am Richell, pinapatawag po kayo ni Mr. Flinn." Sabi nung kasama dati ni Mr. Flinn.
"Sige Ma'am." Sabi ni Ma'am Richell at umalis na yung babae. "Class walang mag iingay."
"Ma'am para naman kaming bata na sinasabihan niyo." Sabi nung isa naming classmate kaya nagtawanan sila.
YOU ARE READING
4 Bad Boys Meets 4 Cool Girls
Teen Fiction4 na babae ang kasama sa isang legal na GANGSTER ang kilalang GANGSTER WORLD at dahil sa kanila ay napalago pa nila ng maayos ang GANG nila. Hindi alam ng mga magulang nila na kasali sila sa GANGSTER. Hindi nagtagal umalis ang 4 na babae at tumigil...