Chapter 14: Group

98 5 0
                                    

RHAINE'S POV

Pumunta na kami sa social hall dahil may gagawin pa kami na kailangan daw. Nung makapasok kami, naalala ko na naman yung nangyari sa amin tatlong linggo na ang nakalipas.

Flashback

Narinig namin yung sigaw galing sa kwarto ni Rhaine kaya pagka bukas namin....

Nakita namin ang taong balot na balot ng itim na suot siya yung taong nag mamanman sa amin di ako pwedeng magkamali dahil siya yun.

"A-anong ginagawa mo rito? Sino ka?" Tanong ni Raven habang nasa balkonahe siya at sa amin naka harap.

"Sino ka ba talaga? Hayop ka bakit lagi kang nag mamanman sa amin?" Sigaw ni Misty kaya napatingin agad ako sa kanila.

Alam nila? Kailan pa?

Tumingin lang siya ng ilang segundo saka tumalon kaya agad akong bumaba at lumabas, nakita ko pa siyang tumakbo duon sa pinaka madilim na part sa lugar namin kabisado ko na ang madilim na part na ito kaso nung marinig ko yung boses ni Raven may narinig naman akong kaluskos.

O.O

Sa kaluskos na yun lumabas ang isang tao, taong hinahanap namin... Si Lian.

"Rhaine." Tawag ni Raven ng makalapit siya sa akin. "L-Lian?" Gulat na tanong ni Raven.

"Anong ginagawa niyo dito hermana?" Inosenteng tanong niya.

"Ikaw! Anong ginagawa mo dito?" Medyo galit na sabi ni Raven saka dumating yung dalawa.

"Pauwi!"

"Bakit diyan ka dumaan? Madilim dito wala pang ilaw!"

"Eh! Kasi?!" Nahihiya niyang sabi habang naka hawak sa batok niya. "Ano kasi.."

"Ano nga? Puro ka kasi kasi ano nga?"

"Di ako pinapapasok nung guard iba na kasi yung guard na bantay hindi yung dati tapos di ako kilala ayun ayaw akong papasukun kaya umakyat na lang ako ng bakod may mga sugat pa nga ako oh!" Sabi niya at pinakita yung mga sugat niya nga. "Tapos nahirapan pa akong umakyat naka uniform pa nga ako oh!" Naka uniform pa nga talaga siya.

"Uwi!" Yan lang ang sinabi ko saka yumuko si Lian.

"Sorry Rhaine!" Mas sanay pa kong di niya ako tinatawag na hermana.

"We need to go home! Mamaya bumalik pa yung taong yun." Seryosong sabi ko saka ako tumalikod at naglakad paalis.

"Anong nangyari?" Rinig kong tanong ni Lian kay Misty.

Saka kinwento ni Misty yung nangyari.

"Hala! Sorry talaga sa akin kasi kung pinapasok lang ako ng guard edi sana di na kayo nag alala. Rhaine at Raven sorry talaga." Hingi pa rin siya ng hingi ng sorry hanggang sa makarating na kami sa bahay. "Siguro na kakaabala na ako sa inyong apat sige aalis na lang ako maghahanap na lang ulit ako ng mauupahan." Sabi niya at yumuko na naman at umakyat sa taas.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Yuri.

"Malay ko dun! Hoy yung pinsan niyo, yari kayo diyan sa tío niyo." Natatawang sabi ni Misty kaya sinamaan siya ng tingin ni Yuri.

"Alis na ako." Singit ni Lian na nasa hagdan na at dala yung bag niya.

"Lian gamit mo yan?" Tanong ni Misty kaya tumango lang si Lian. "Akala ko nag layas ka na maglalayas pa lang pala."

4 Bad Boys Meets 4 Cool GirlsWhere stories live. Discover now