The dream

91 2 0
                                    

Ang sarap sa pandinig ang mga huni ng seagull.

Bakit ako nandito?

"Hey! Over here!"

Woah! 'Yun lang. Inenglish ako ng guwapong nilalang sa tapat ko. Okey, pack up! Uwian naaa!!

Pero teka. Nakakapaso naman ang init dito. Pero di ko maipagkakaila, napakasariwa ng simoy ng hangin sa tabing dagat. Nakaka-relax ng isip lalo na ang payapang alon.

"Uy! Lika na sabi eh"

Ay kabuteng palitaw!

Ayos din itong lalaking 'to. Makahawak naman wagas. Hindi porke gwapo ka puwede mo kong ganyan-ganyanin ah. Close tayo? Close tayo? Isumbong kita sa Gabriela eh!

Hala sige! Kaladkarin mo pa ko. Pag naputol braso ko, yari ka sa kin!  

'Sa wakas, nagtagpuan na kita.'

Hindi ko maintindihan pero, kinikilig akooooo!! Oh, Poong Mapagpala, Birheng naghihimala, Santo Niño ng Enero, oh pleeeease!!! Pakisabi sa lalaking ito na huwag niyang itigil ang ginagawa niya. Konting-konti na lang magki-kiss na kami. Hindi ko mapigilang hindi mapapikit!

Waah! Eto na ang first kiss kooooo!!!

[-  3 -)

 

•••••••

'JULIAAAAAAA!!!'

HANUBEYEEEEN! PANAGINIP LANG?

"Oh! Ke aga-aga nakabusangot na naman 'yang mukha mo. Kung kelan first day of school mo. 3rd year ka na tamad na tamad ka pa rin. Paano na lang pag wala na ako? Sinong mag-aasikaso sayo? Hindi ka prinsesa para umasta ng ganyan. Nanay mo ko at lalong di mo ko katulong para ako pa ang gumawa ng gawaing bahay dito. Blah blah blah blah."

Good morning Philippines!

Meet my napaka-sweet at walang kaangal-angal sa katawan, Mudragon (mother dragon) na hindi nagkukulang pakainin ako ng almusal na tentenenten---SERMON!

 Burp! Nakakabusog!

Julia Castro po! 14. Maganda, sexy, campus crush at nag-uumapaw ang sex appeal. Lahat ng yan ay hindi ako. Kala nyo ah. Isa lang akong ordinaryong estudyanteng babae na certified procastinator. Yung mga bagay na pwede namang gawin bukas edi gawin bukas! Cramming is my surname. Madalas  late na kami nagkakapera kaya palaging late magpasa ng project. Di gaya ng mga kaklase kong nagkakandakuba sa mga project, ako ayun hayahay. Walang pambili ng materials eh.

Petiks! :D

Maiba ako. Gaya ng nabasa nyo, yep. Today's my first day at junior high school. Panghapon ako. Pero dahil ang mudragon ko ang kinoronahan bilang KJ Queen e gusto na akong bumangon ng ganito kaaga. Hello? 5am pa lang kaya?! Asan ang katarungan aber?? 

Bago ko harapin ang bagong umaga, pinagmasdan ko muna ang sarili ko.

Hindi ako nagme-make up gaya ng mga kasing-edaran ko. Dahil ang tunay na babae ay hindi nagme-make up. Pulbo lang ang katapat.

Tinignan ko ang suklay sa tabi ng salamin.

Nah! Ang tunay na babae, hindi nagsusuklay.

Saka ang haba-haba ng buhok ko. Effort pa ang pagsusuklay. Ang ganda kaya ng buhok ko. Hindi na kelangan ng rebond. Kabog na kabog si Julia Barreto sa long shiny hair ko. Shampoo lang ang katapat.

Nilingon ko ang higaan ko.

Nakakatamad.

Makatulog na nga lang uli. 

Baka sakaling mabalikan ko ang naudlot kong panaginip..

  

------------------------------

Konnichiwa!

BipolaRet here!

First time ko pong ipost dito sa wattpad ang mga katha ko. I first wrote this story nung 4th year highschool binuyo lang po ako ng maganda kong hipag na si @rhienzel24 para ipost to dito. Sana magustuhan nyo po!

Gabriela* - Political organization po ito na nagdedefend ng women's right. Kaya kapag me nanakit senyo, nanghipo, nanghalay at kung anu-ano pa ay isumbong natin sa Gabriela!! Abante Babae!! Lol..

Don't forget to vote or leave comment if there's some concerns you'd like to address.

follow me on bipolaRet

Hopelessly In loveWhere stories live. Discover now