Hide and sweet

26 2 0
                                    

 

  

 

Nakakainis yung mga kabuddy ko. Hindi naman sinabi na hindi pala tuloy training namin.

 

 

Ang aga ko tuloy nakatambay sa tapat ng classroom.

 

  

  

Hindi ko naman alam na early bird din pala si Ran. 

 

 

 

Araw-araw ba itong maaga?

 

  

 

Iiwan ko muna tong gamit ko sa harap ng room. Wala naman sigurong kukuha ng bag ko lalo pa't wala din namang mahalagang gamit na pag-iinteresan ng kahit sino.

  

  

 

Kakain muna ako ng almusal.

 

 

  

 

7am pa lang kasi andito na ako. Ni hindi ko na nagawa pang makapag-almusal o makapagbaon man lang ng pagkain.

 

 

 

--fastforward--

  
*burp!*

 

Nabusog ako sa inadobong bologna sa canteen. Baka hindi na ako magrecess neto.

 

 

 

Kailangan ko ng makabalik para icheck ang mga assignment ko. Baka may nakaligtaan akong sagutan.

O.O

WTF!!

ASAN NA ANG BAG KO??!!!

Wala namang makapagsabi sa mga kaklase kong nagsidatingan na kung nakita ba nila ito o kung sino ang tumangay. Wala naman silang mapapala dun para pagdiskitahan nila.  Hindi pwedeng mawala na lang ng ganun ang bag ko. Bigay lang iyon ng tita kong nakatira sa Germany.

  

Wala pa naman kaming pambili ng bag.

Niloloko pa man din ako ni Mudra na ingatan ko ang bag dahil kung hindi, sako ang ipapagamit niya sakin

T.T

   

  

 

'Hinahanap mo bag mo?'

Si Ran?

 

 

Napakunot ako ng noo. Bakit all of a sudden kinausap ako ng taong ito?  

    

After nung nagkasalubong kami sa palengke, hindi na nya ako inapproach pa. Ni hindi na talaga siya bumalik pa sa tamang seating arrangement namin.

Tapos ngayon bigla siyang magpapakita ng concern?

Pero bakit ganun? Sa reaction ng mukha nya hindi concern ang nababasa ko?  

 

Nakangiti siya. Parang ang saya saya niya ngayon. Ngayon ko na lang uli siya nakitang ganito kasaya.

 

  

 

'Ayun o.'

 

 

Iniisip ko pa kung ano ang itinuturo niya.

 

 

 

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng makita kong ang nawawala kong bag ay nakasabit sa puno ng mangga.

'RAN REI CAOILE!!!!!!!'

Buong lakas kong isinigaw ang pangalan niya habang siya naman  hindi na makahinga sa kakatawa.

 

   

  

Hinabol ko siya ng buong giting.  

  

  

Hindi ko na alintana kung madadapa ba ako sa kakahabol sa kanya kahit na alam kong sa liksi niya e hindi ko siya maabutan. Hindi ko siya maabot.

Parang puso niya. Kahit anong gawin kong paghabol, hindi ko na makukuha pa. Cause someone else already captured him. But I'm still dragged into this guy. 

 

We are half on our way running when I made it back my senses.

My bag. I should get it back.

How I wish it'll also be this easy to beg my heart back.

To unlove him..

Nah! I hate clinging to dramas. My mission is to recover my bag.

 

Anong trip ng taong to at nilagay niya ang bag ko dun? Saka paano? Inakyat niya ang puno? Iniisip ko pa lang kung paano ko makukuha ang bag sa pag-akyat dito e sumasakit na utak ko.

Dillema of petite.

   

'KUNIN MO YAN CAOILE!'

Inis na inis ako. Magis-start na ang klase pero nakabalandra pa din sa puno ang bag ko. Siya naman tuwang tuwa habang pinapanood akong paikot-ikot sa puno. Maktol ako ng maktol. Kamot ng kamot ng ulo. Problemadong problemado.

 

 

Kung hindi ko pa sinabing isusumbong ko siya sa teacher namin, hindi pa kukunin ni mokong ang bag ko.

 

  

  

 

  

Humanda ka Caoile. Lintik lang ang walang ganti!

   

   

  

-------

Ang sweet nyo...

...pag--umpugin na dalawa :D

Hahahaha! Ano kayang revenge ang gagawin ni Julia Amazona??

Hopelessly In loveWhere stories live. Discover now