Strangers again?

26 2 0
                                    

  

  

  

   

Tulad ng isang awit, may hangganan ang bawat himig..

Parang pag-ibig.

Nung inakala kong magbabalik ang dati naming closeness ni Ran, inakala kong matapos niyang magsorry at makapag-usap kami nung prom night, akala ko mase-settle na ang lahat saming dalawa.

...Akala ko lang pala iyon.

   

 

The distance grew deeper.

  

  

  

Malapit ng matapos ang school year. Pero matatapos ata ang makulay kong junior high school ng kulay gray.

 

 

*sigh*

 

Kailangan ko pa palang bumili ng mga materials sa project ko. Sa isang araw na pasahan. Kaninang pag-uwi lang kasi nakadelhensya si Papa ng pera.

Akala ko hindi na ako makagawa pa.

 

 

7:30pm pa lang naman.

May bukas pa na school supply store nyan. Lalamayin ko ang paggawa. Kailangan matapos ko na to.

 

Napakaraming tao sa palengke. Halos hindi magkandaugaga ang mga tao. Oras kasi ng pag-uwi.

  

  

  

 

Napahinto ako sa nakita ko. 

 

  

 

 

Si Ran ngayon pa lang uuwi?

 

 

Nagkasalubong ang mga mata namin.

Parang hiwagang nawala sa paningin ko ang mga tao sa paligid.

  

  

 

Kaming dalawa lang..

 

 

Kung ako na lang sana ang iyong minahal, hindi ka na muling  mag-iisa

Kung ako na lang sana ang iyong minahal hindi ka na luluha pa.

Hindi ka na mangangailangan pang humanap ng iba

Narito ang puso kong naghihintay lamang sayooo~

  

Nananadya ata yung sumaktong soundtrip sa tindahan ng cd.
 
'Oh bakit ngayon ka pa lang uuwi? Nag-away kayo ni Rachelle?'

'Alam mo naman pala. Nagtatanong ka pa'

 

 

 

'Ah. Hehe. Magkakabati din kayo niyan'

  

Iyon lang at nagpaalam na akong umuwi. Medyo napahiya ako sa sagot niya. Mukang seryosong away talaga ang nangyari sa kanila.

   

  

Noon ko lang siya nakitang nalungkot ng ganun. Ramdam ko ang kalungkutan pinapasan niya.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero sana magkaayos sila.

 

  

 

Dahil mas masakit na makita palang nalulungkot ang taong mahal mo kesa makitang buong ligalig sya sa harap mo kasama ang ibang tao.

   

   

   

Sana lang bukas pa  ang bilihan ng school supply.

    

  

  

-----

Sa mga nagtatanong tungkol sa gender ko, ako po ay isang full pledge na babae. Literal yan hindi figurative.

Ang sungit ni Ran noh?

Sinalo lahat ng sama ng loob sa earth. Lol!

Hopelessly In loveWhere stories live. Discover now