Coping

25 1 0
                                    

Lumipas ang tatlong buwan.

Preparation na para sa JS Prom night. Abala ang lahat para sa pinakahihintay ng lahat ng teenager.

   

May mga nagrenta ng mga gown. Merong bumili sa mall. Meron din namang nagpatahi pa talaga gaya ni Rachelle.

Pero dahil mahirap lang kami, nanghiram lang ng isusuot ko si Mudragon.

Hindi naman ako umangal. Wala kaming pambili o pangrenta man lang.

Yung sapatos pampasok ko nga sa ukay-ukay pa binili ni Mudra. Yung medyas ko de-angat pa. Madalas wala akong baon pag pumapasok.

Wala kasing trabaho si Mama at Papa. Magmula ng pumasok kasi ako sa high school, nawalan na ng trabaho si Papa.

Kaya malaking adjustment samin na mula dati nakakaalwa kami sa buhay, ngayon parang suntok sa buwan kung makakakain kami ng 3 beses sa isang araw.

Bata pa lang ako mulat na ako sa kalagayan ng buhay namin.

Palaging ipinapaunawa ni Mudra na ang buhay ay hindi gaya ng napapanood na teleserye na kuwento ng mga mayayaman. Sa katotohanan, kahit na mayaman sa likas na yaman ang Pilipinas, naghihirap pa din ang sambayanang pilipino.

  

  

  

  

Habang sila excited na excited, ako naman pinipilit gawing busy ang sarili sa CAT. Malapit na din akong maging full-pledge CAT Officer. Ilang training weeks na lang at magbubunga na din ang lahat ng pagsasanay ko para maging malakas.

Kailangan maging busy para hindi ko na maisip pa si Ran. Kailangan ko na siyang kalimutan.

  

'Naku ang ganda-ganda! Bagay na bagay sa'yo. Nakakaiyak. Dalaga na ang anak ko. *Sniff*Sniff* Siguradong madaming magsasayaw sayo at magbibigay ng bulaklak!'

  

Pambubuyo ni Mudragon na laging nakasigaw.

'Tss.. Palagi nga kong napapagkamalang lalaki paanong bibigyan ako ng mga ganun? Tigilan mo nga ako Ma. Not now.'

Ganito lang talaga kami mag-usap ni Mama. Sobrang close kasi. Pero mahal namin ang isat-isa kahit na lagi niya akong sinesermunan.

Inilagay ko muna sa hanger ang sky blue gown na hiniram ni Mudra sa kumare nyang japayuki. Hapit ito sa katawan na studded ng silver tiny diamond. Sinalat ko muna ang slit na umabot hanggang kalagitnaan ng hita bago ko tuluyang isinampay sa knob ng aparador. 

Bukas na ang prom night. 

I should enjoy tomorrow. Tulad ng sabi ni Mudra, this is once in a life time experience.

Binuksan ko ang maliit na radyo ni Papa at narinig sa paborito kong fm radio.

Why do people fall inlove and they end up of crying?

Why do love us walk away from themselves when their hearts are breaking?

Why does loving sometimes never stay so long?

Why does gladness become sadness?

Things that I dont get?

Someone's always saying goodbye

I believe it hurts when we apply

Deym.

The feels.

Nananadya ang kanta. Binubuyo nitong tumulo na naman ang aking mga luha.

Hanggang kailan ko mararamdaman ang pagdurusang ito.

Ang sikip sa dibdib. Me kung anong kumurot sa loob.

.

.

.

.

.

.

Pinasabik lang ako.

Pinakilig sa mga bagay na pansamantala.

Everythings' just temporary.

Oh first love, bakit ang harsh mo??

--------

T.T

Prom night na bukas!

Ang bilis! Chapter 7 na agad. Ganito pala sumulat sa wattpad. Mabilis lang ang phasing. Medyo nag-aadjust lang ako kasi originally, english ang kwentong ito at two back-to-back ang pages lang. Hindi naman mahirap mag-isip ng susunod sa eksena. Problema lang talaga e kung paano mas palalamnan yung bawat eksena. . Nangangamba akong baka hindi kayo matunawan eh. Pero sana matuwa kayo. *wink*wink*

Hopelessly In loveWhere stories live. Discover now