Deym.
Bakit ko ba kasi mag-isang ginagawa to? Lokong teacher yun. Pinapasahod na nga namin tapos pati trabaho nya sakin pa pinasalo.
Nagugutom pa naman ako.
Madami pa ba to?
Tsk.
'Oi Jerome!' -Ako
'Oi oyin mo mukha mo.' -Jerome
Tss. Supladong negro.
'Oi Brenmar.'
'Hobaket?'
'Lalabas ka ba? Pakisabay naman sago at banana que. Patapos na recess o. Hindi pa ko kumakain eh.'
'Hindi e'
Tsk. Yun lang. Hanep, me mas tatalo pa pala sa pagiging tamad ko.
Nung isang araw si Rachelle ang nagpabili ng pagkain sa canteen halos di sila magkandauga-uga kakaprisinta.
Porket chix na mahilig sa pink ang negrang yun.
O sige na. Ako na insekyora.
Pero hindi ba? Nakakabadtrip na porket naglagay lang ng eyeliner, face powder, blush on at lipstick with braces e maganda na sa kanila?
Konsepto na agad ng kagandahan ang tumatangkilik sa comercial products.
Ang tunay na babae hindi nagsusuklay.
Dapat natural lang. Dapat simple. Dapat ako. Lol!
E mas maputi pa kaya ako dun. Hindi ko lang hilig mag-ayos pero mas maganda ako dun. Haha. Ampangit ko maging bitter.
*Rrrrrooooorrrrrmmmmm*
Nagugutom na talaga ako. Isip pa ako ng isip. Nasasayang brain cells ko neto eh.
'Ano ba bibilhin' --Ran
O.O
'Ano? Magpapabili ka ba o tutunganga ka lang dyan?'
Omaysiomai!!!!! Siya yun! The guy from my dream! Siyemay!! Siya daw bibili.
'Huy! Matunaw!'
'Ay kamoteng pogi.'
'Hahahaha! Ano? Ibibili na kita ng sago at bananaque mo.'
HAAAAA???!!!!!
Juice colored?
Yung taong to. Hulog ng langit. Ang pogi-pogi niya. Bukod sa tisoy, chinito-downward ang mga mata nya. Strong ang jaw line features na nagmatch sa buong mukha. Matangos na ilong at mapuputing pantay pantay na mga ngipin. Hanggang balikat niya lang ako. Shocks! Parang basketball player sa tangkad. Ang sarap-sarap nya talagang titigan.
'O yan. Tikman mo. Sabi ko kasi kay manong dagdagan ang sago.'
Nagsip ako ng sago. Nag-uumapaw sa buong senses ko ang kilig na dala ng sago na to. Ang sarap namnamin ang bawat pagsipsip ko sa straw.
Juice colored. Napakaswerte ko. Ang sarap nito!
'Masarap ba?'
'Ay ang sarap mo!---Ay hindi. Hindi ikaw! Yung sago! Yun yung masarap.. Oo yun nga.. Tama.'
T.T
Huhu. Dalawang beses ko ng pinapahiya sarili ko. Nakakahiya ka na Julia!
'Alam mo nakakatuwa ka talaga. You really made my day.'
---------------
WAAAAH!!! Ang swerte mo Julia! Hindi lang tagasunod kundi tagalibre pa!
Oyan me konsepto tayo ng 'tunay na babae'. Isa si Julia sa tagapamandila.
Sinong gustong sumali? :D
♕RET•TARDED♕
YOU ARE READING
Hopelessly In love
RomanceNaniniwala ba kayo sa love at first sight? E yung love at dream sight? ••••••• = ̄ω ̄=