2nd week na ng class. Madami-dami na din akong nakakakilalang classmates. Meron pang isinali ako sa grupo nila.
'Tunay na babae' ang ginawang pangalan. Kapag kasi nang-aalok sila ng pulbo, lip shiner at eye liner e lagi kong sinasabihan sila na 'Ang tunay na babae, hindi nagme-make up. Gandang natural lang.'
Hangang-hanga sila sa konsepto kong ito. Sana nga lang hindi sakin mag-rally ang mga bilihan ng beauty products sa ideya ko. Mababangkarote sila.
'Weh. Tunay na babae? Dami mong alam. Bakit babae ka ba?' -Jerome
Ang yabang talaga ng negrong to. Ang laki naman ng ilong.
Hindi ko na lang pinatulan. Inirapan ko siya at tumingin sa ibang direksyon.
Lakas maka-bad vibes.
'Okey class. Time to arrange your chairs into alphabetical order.'
'Abichuela, Bernadette
Aguisanda, Noel
Avena, Malyn
Aquino, Jerome
Baltazar, Brenmar
Bronia, Hayne
.
.
.
.
.
Cabili, Marichu
Castro, Julia
Caoile, Ran Rei'
Whut?!
O.O
Did I heard it correct? Si Ran at ako magiging seatmate?
HOMAYGAWD!!
Gisingin nyo! Gising!!!
Kami ni Ran ang magiging magkatabi for the whole school year?!
Kundi ka ba naman tinamaan ng swerte. Yung taong napanaginipan ko bago ko makilala e makakatabi ko.
Shocks!
Seatmate pa lang pero di ko na mahandle ang sobrang kilig ni Ran Rei Caoile.
Nag-uumapaw na ang sex appeal nya men!
'Julia Castro, right? Paupo ah.'
'Huh? Uhm. Ok'
Siyetengpalanggana!! Anong gagawin ko? Ako ba mag-iinitiate ng usap? Ano sasabihin ko? San sya nakatira?Ilan sila magkapatid? Ano favorite anime show nya? Ano paboritong pagkain nya? San nya gusto kaming magdate??
Waaaaaaaah!!! Date agad? ang gulu-gulo na ng utak ko. Hindi ko na kaya. Sasabog na ako sa kakaisip.
'Huy! Sabi ko, nagbabasa ka ba? Kasi masisira mga pages ng book kaka-flip mo. Tapos baligtad pa libro.'
Eh? Na naman? Nauupos ako sa kahihiyan nito ah. Bakit naman kasi yung libro pa napagtripan ko? Napansin nya tuloy.
Wait. Napansin nya?
Shocks!
NAPANSIN NYA AKO!!
'Alam mo kesa magtrip ka mag-isa dyan. Maglaro na lang tayo. Wala pa naman si Ma'am.'
'Eh?'
'Ganito. Mamili ka kaliwa o kanan?'
'Ano yun?'
'Basta. Mamili ka. Dami pang tanong e'
Hala! Sige sige mamimili na ako. Wg ka lang magagalit.
'Kaliwa! Kaliwa.'
'Yan. Sige. Padamihan tayo ng bilang ng tao dito sa libro. Pag madami ang tao sa kaliwa edi pipitikin mo ako sa kamay. Pag sa kanan, ikaw naman pipitikin ko. Deal?'
'Hala. E mukang malakas ka pumitik eh'
'Hindi yan. Hihinaan ko lang. Game?'
Tumango na lang ako. Hindi ako makatanggi sa taong to. Nahihypnotize ako ng mga mapupungay nyang mata.
'1 2 3. Tatlo sa kaliwa. O yung kanan naman. Isa... Isa lang?'
'Odi pitikin mo ko.'
'Uhmp!'
'Hahahaha! Weak pumitik!!!'
'Weak ka dyan!'
>.<
'Next page naman. 1 2 3 4 5 6 7 8. 8 sa kanan. sa kaliwa naman, isa dalawa...HAHAHAHAHAHAHA!! Dalawa lang sa kaliwa! HAHAHAHAHA'
Gawd. Pati pagtawa nya nakakaakit--
'ARAAY!!'
'O baket? Talo ka eh.'
'Grabe di ko naman akalaing seseryosohin mo ang pagpitik. Wala kang awa sa babae.'
'Bakit? Babae ka ba?'
</3
Yun lang. Parang biniyak ni kupido ang puso sa dalawa. Mukha ba talaga akong lalaki? T.T
'Ang harsh mo.'
'HAHAHAHAHA! Bawi ka na lang ng pitik. Seryosohin mo kasi. Para san pa muscle mo, weak'
Tsk. Sapatusin ko kaya ito?
Hindi na namin natapos ni Ran ang laro. Dumating na kasi si Genobebang. Hindi iyan ang tunay nyang apelyido. Bukod kasi sa terror teacher sya, mukha na kasi siyang naaagnas. Hahaha! Yung isa kong classmate na si Joy, ang nagsisilbing look out namin pag malapit na si Genobebang.
Saka sya sisigaw ng:
'A M O Y F O R M A L I I I I I I I N!!!!!!'
Ang epic eh noh? Makulit talaga tong class na to. Pero mas makulit ang tambalan namin ni Ran.
Palagi kaming nagpupustahan. Ginagawa naming slave ang bawat isa for just a day. Minsan ako ang tagapaypay niya. Minsan sya naman ng tagapaypay ko. Minsan ginagawa ko siyang tagabuhat ng bag ko. Dehado nga siya kasi dinadala ko lahat ng libro namin. Ginagahan kasi akong mag-aral. Sinisipagan ko din na mag -advance study. Minsan nagpupustahan kaming magparamihan sa recitation. O di kaya e padamihan ng nasusulat at madalas nagpapagandahan kami ng penmanship.
I've never been too close to anyone like this. Yung mga classmate namin nagsimula ng kantiyawan kami. Nag-uusisa kung kami daw ba? Some are calling us 'Tatay' and 'Nanay' dahil sa tamabalan namin. Kahit kasi busy kami sa acads (academic) namin, nagagawa ko pa ring gampanan ang responsibility ko bilang vice president ng class.
Ayos na ayos talaga tong 3rd year life ko. Napakasarap mag-aral. Napakasarap maging seatmate ni Ran. Ang tamis.
And I think I'm beginning to fall for him.
-------
Kayo ba? May sweetmate din kayong gaya ni Ran? Sarap noh? Ang tamis.
YOU ARE READING
Hopelessly In love
RomanceNaniniwala ba kayo sa love at first sight? E yung love at dream sight? ••••••• = ̄ω ̄=