Julia POV
Inakala kong isang beses lang ako mag-aassist sa klase ni Ran pero naulit pa yun ng naulit. Abusadong adviser yan!
Sa kung ilang beses na pinipigilan kong pansinin ang presensya nya ay makailang beses pa din sya nadadarang ng mga matang to.
Gawd.
He looks more charming now than before.
His adolescence suits him perfectly.
I cant hardly resist this boy. It's been a daily habit.
Para akong pinaparusahan sa mapang-akit na araw-araw na tagpo.
Kapag siguro may sumubok na pumatid ng tuhod ko, malamang magpapatihulog ako sa harapan nila. Mabuti na lang sa table ako madalas nagdi-discuss dahil kung hindi mapaghahalataang nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba dahil sa kanya.
"Kaya classmates, if we borrow 1 from the x multiplying it to the y divided into 6 plus the answer will be?"
Math. I honestly hate Algebra. But I have to overcome the weakness.
But deym.
It would be wrong to ask them the answer and would be more wrong to stare at him at this moment.
"The answer is 3x."
Oops!? Si Ran yung nagsalita?
Waaah! Wala na. Hindi lang ata yung problema sa Algebra ang sinagot nya kundi pati na rin ang problema ko sa buhay. Oo na. Sumagot lang ng Math problem. Tss. I'm guilty. Shame on me. Ako na mababaw.
Oh Lorde!! Kumakabog pa ang dibdib ko ng triple. Konting konti na lang lalaglag na ang panty at bra ko sa poging to!
T.T
Pero hindi.
I already bid goodbye to this guy. Hinding hindi na ako magkakagusto pang muli sa kanya. Kahit na ngitian pa nya ako ng ilang libong beses. Kahit na titinigan nya ako ng malagkit. Kahit na. Kahit na.. Shocks! Nakakaloka!!
"Ehem. Very good."
RIIIIIIIIIIIINGGGGGGG!!!!
Osiyetengmalagket.
Saved by the bell ako.
Kung hindi ito tumunog baka nayakap ko na tong si 'ex-crush' ng di oras.
---
Nakakailang class session na ako sa klase ni Ran. Minsan nga naiisip ko na lugi ako.
Ang committed responsibility ko sa school na ito ay peace and order. Hindi mag-take over sa teacher nila.
Madaya kaya! Sila sumasahod tapos petiks lang pero ako. Ako yung nakukunsumi kung paano ko i-educate ang mga kabatch ko.
Tatanda ako agad nito pihado.
Kaya naman ng mga sumunod na request sa akin ng adviser nila ay tumanggi na ako. Nagdahilan ako na napapabayaan ko na ang sarili kong akads dahil sa kahirapang magbalanse.
Estudyante din kaya ako haleeeer???!
Tulad nitong project ko na nung isang araw pa dapat ang pasahan pero dahil nawaglit sa isip ko e kahapon ko lang nasimulang gawin.
Mabuti na lang me 'hq' (headquarters) kami na komportable kong paggawan ng school projects, assignment atbp.
"Busyng-busy ka Ma'am"
Napamaang ako sa nagsalita. Kilalang kilala ko iyon. Pero anong ginagawa nya dito sa loob? Hindi nya ba alam na bawal sya dito? E kung makita kami ng mga kadete ko baka matsismis pa ako.
Tinignan ko lang sya at tinaasan ng kilay.
"O?! Wala pa akong ginagawa pero yung kilay mo papunta ng Pluto." he raised his two hands as he defensively answered my interogating stare.
Okey. So mambubwisit na naman sya. Pero havey na havey ang pambubwisit. Lalong pinasingkit ng mga hagikgik nya ang kanyang nakakahawang mga ngiti.
"Ginagawa mo dito?", tanong ko habang nagpapatuloy sa paggawa ng project.
"Wala lang. Wala na naman kaming teacher. Sabi ni Mam kung pwede ka daw magturo."
"Busy ako. Kita mo?"
"Ang taray mo..
..nagbago ka na."
Ewan ko pero para akong sinaksak ng dalawang libong palaso sa puso. Pakiramdam ko nun nadisappoint ko sya sa kung anuman na naging ano ako ngayon.
Parang gusto kong bawiin at maging kagaya ng Julia na nakilala niya nung unang araw ng pasukan.
Pero hindi. Ito na ako ngayon. Matigas pa sa bato. Hindi na kaya pang paasahin at saktan. Hindi na ako paloloko sa mga wrong signal lalo pa ng taong kaharap ko ngayon.
" Bakit ka ba kasi nandito?"
"Wala lang. Patambay ako sa hq nyo ah."
"Hindi ito park para tambayan mo. Bumalik ka na sa klase mo at naiistorbo ako."
"Bakit? Talaga bang sobrang lakas ng dating ko sayo para madistract ka ng ganyan?"
Pinamulahan ang buong mukha ko. Ang lakas mo men!! Pre, pasapak naman kahit isa lang!!!
"In your dreams Mr!"
"Oops, nagba-blush. Easy ka lang. Wala pa kong ginagawa nyan."
"Kape pa."
"Basta ba ikaw ang asukal ko."
"WHUT?!"
"Coz you look sweet" with muching kindat.
"Lumaklak ka naman ng hiya. Yung isang drum para tumalab agad. Kairita!"
"Palaban ka na ngayon. Hmmm. Ayos yan. Spicy"
"Ran, hindi ako pagkain. Iba na lang tikman mo."
Boseeet!! Pati ako nagiging greenie. Huhu! Bata pa po ako. Ayoko pa po ng mga kahalayan T.T
"Hahahahaha!! Ang kyut mo talaga Julia. Nakita mo sana kung paano umusok ilong mo sa inis! Hahahahaha!!"
Argh!!! Pinilit kong wag siyang pansinin at tapusin ang ginagawa ko kahit pa ang lakas niyang makadistract.
Nang mayari ko na ang buong project. Saka ko lang natanto na nakatulog pala sya.
Kita mo tong taong to. Di na pumasok. Nakahanap pa ng tambayan. Katingero. Tsss..
Di ko napigilan ang sarili kong titigan sya ng malapitan. Kahit sa ganitong distansya, amoy na amoy ko ang distinct scent ng lalaking ito. Bakit kaya hindi ko ito naaamoy sa ibang tao?
Ang pungay pungay ng mga mata nya. At ang mga pisngi niya ang kinis kinis. Parang koreano.
Mahawakan nga..
"Ma'am, anong ginagawa nyo dyan?"
"AYSIYETENGKALAMAYNAMAKINIS!!"
Sya namang balikwas ng gising ni Ran.
Tarantang taranta akong hinarap si Macy. Isa sa mga kaklase ko last year at ngayon ay CAT Officer din.
"Huh? Ano.. Hinahanap ko kasi yung isang pakaw ko. Oo tama. Yun nga. Yung hikaw ko? Baka nahigaan niya o nahulog sa sahig. He he he"
Woooh! Sinungaling!! Kung di dumating si Macy baka nahalikan ko na tong poging nilalang sa harap ko.
"E mam ayan sa tenga mo. Nakakabit naman po."
"Ay! Oo nga.. Haha! Akalain mo yun? Bumalik mag-isa. Ang galing! Hahaha! O siya alis na ako. Mag ano.. Magpapasa pa ako kay Mrs. Rio. Sige bye!!"
Napabungisngis naman si Ran sa nakita nyang naging atittude ko.
Loko tong tambay na to.
YOU ARE READING
Hopelessly In love
RomanceNaniniwala ba kayo sa love at first sight? E yung love at dream sight? ••••••• = ̄ω ̄=