COCC Recruitment na.
Ito yung organization sa school na primary step para maging CAT Officer ka. Parehas naming napagdesisyunan ni Ran na sumali. Kaso si mokong sa kabilang commandant napasign up. Di tuloy kami magkasama sa training.
Madami din akong natutunan dito. Tulad ng saan ba ang kaliwa at kanan. Honestly, kung di ako sumali dito hindi ko naman malalaman ang pagkakaiba ng dalawa.
Natutunan ko ding maging snappy. Maging lalong malakas. Drills ng riffle and sword. Magagawa ko ng pumitik ng malakas sa pustahan namin ni Ran. I was one of the running for honor rank.
They started to call me Tiger of the corps.
At dahil naging busy ako sa training, dumalang ang panahong magkasama kami ni Ran. Umabot na sa puntong hindi na kami nakakapag-usap.
Nabalitaan ko na lang na nagquit sya. Pinapagupitan daw kasi siya ng shato cut. Ayaw pa naman nyang ginagalaw ang black shiny hair nya na pinapaliguan nya ng suave kaya mabango at madulas.
'Sira ka! Dahil lang dun kaya ka nag-quit? Ikaw pala tong weak eh!'
'Aray! Lahat na galawin mo ah. Wag mo lang sabunutan tong buhok ko!'
Ay sori. Nakakaasar kasi. Usapan namin pareho kami tapos mang-iiwan sya sa ere. Tss.
'So Ran, shall we?' -Rachelle
WTF!!
S-si Rachelle???
'Sabay kayo Ran?'
Gulat na gulat ako. Parang di ko maabsorb ang narinig at nakikita ko.
'Huh? Oo eh. Una na kami Julia. Bye.'
'Bye Miss Vice' ;) -Rachelle
Yun lang.
Dahil sa sobrang pagkabusy ko sa lahat ng chores ko sa school at org, hindi ko napansin na nagkakalapit na pala si Ran at Rachelle.
Bakit hindi ko ba naisip?
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa gaya ni Rachelle?
Kikay. Mahinhin. Maganda. Malinis. Finess na finess kumilos. Sosyalera. Spoiled brat. Pink na pink.
Tsk. What went wrong? Bakit ganun?
Anong nangyari sa'tin Ran?
YOU ARE READING
Hopelessly In love
RomanceNaniniwala ba kayo sa love at first sight? E yung love at dream sight? ••••••• = ̄ω ̄=