19
“Good morning maam jane..”bati sa akin ni nurse ann. I greeted her back. napapadalas ang pagsama ni rhyck kay jmay sa Brightside. I enrolled art classes at dahil summer vacation naman MWF ang pasok niya. lagio niyang inaabangan si rhyck tulad kanina. Kaaga niyang gumising at tuwang-tuwa nang sinundo siya ni rhyck.
“gumaganda ka jane ah…”puri ko sa kanya.
“kayo rin maam..inspired ata kayo ah?” tugon niya sa akin.
Napailing ako. anong inspired? Inspired ba yung halos gabi-gabi nakikipagtalo ako kay rhyck sa dami ng babaeng nang-aaway sa akin? yung paulanan ng messages ang inbox ng FB ko? Buti sana kung mgagandang mensahe ang natatanggap ko ei puro mga pagbabanta na layuan ko raw siya.damn.
Lunch time nang dumalaw sila ni jmay sa hospital. We went to Jollibee as requested by jmay.
“mommy..lam mo ba kanina may babaeng lumapit sa amin..tas she kissed tita sa cheek..” sumbong ni jmay sa akin.
I glared at Rhyck.
“what?!” titig niya sa akin.
“tapos hinintay nila akong dalawa sa labas ng room…”dagdag pa niya.
“uhm..baby..laro ka muna dun…”turo ko sa may playing area.
Hinintay ko munang makalayo si jmay bago ko kinausap si rhyck.”huwag mong ipakita kay jmay ang pambababae mo…”
She smirked.”jealous yabs?”
“anong yabs?! Look rhyck…kung anuman yang mga escapades mo sa mga babae mo huwag mong ipapakita sa anak ko… “ I glared at her.”hinahayaan kitang makalapit sa kanya dahil magaan ang loob niya sa yo pero please kung mambababae huwag sa harapan ng anak ko.”
Hindi na siya umimik. Damn her. Madaldal si jmay iniiwasan ko lang nab aka masabi niya kay papa ang mga nakikita nyang pambababae ng komag na to. Kung nagkataon pareho kaming malalagot sa kanya.
Ang alam niya we are commited tapos nambababae tong komag na to? Baka maisipan na naman niyang i-blind date ako. tsss.
“hanggan anong oras ang duty mo?”tanong niya sa akin.
“3:00..”sagot ko sa kanya.
“two hours na lang…hintayin ka na lang namin ni jmay…” alok niya.
“huwag na…iwan mo na lang si jmay at umalis ka na…mambabae ka kung gusto mo…” sumbat ko sa kanya.
She grinned.”bukas na lang ako mambabae….” She insisted.
“tss. Bahala ka…” irap ko sa kanya.
Pumasyal muna sila ni jmay pagkahatid sa akin sa hospital. Hindi gaanong toxic ang araw na to. Mag-a-out na sana ako nang magkaemergency. Isang college student ang tinakbo sa ER. His left elbow is fractured.
After the treatment ay saka pa lang ako nakapag-log out. Naabutan ko na sila ni jmay sa may parking lot.
“angtagal mo naman…”nguso ni rhyck.
“ginusto mo to diba…sinabihan na kitang huwag na akong hintayin…” tugon ko sa kanya.
“mag-aaway na naman kayo?” nameywang si jmay. Bata lang siya pero kung minsan kung magsalita siya parang matanda.
BINABASA MO ANG
why is the because
Teen Fictionck-mode presents raychel rhyck Sy Villanueva ang chicboi ng barkada