Chapter nine

11 0 0
                                    

sa loob ng sasakyan habang nasa byahe.. halata sa magkapatid na sobrang close sila...

" kuya tamang tama.. wala ka namang pasok mag mumovie marathon kami.. sali ka ha please..:-[<" 

" ganun ba? good timing pala yung pag-uwi ko,,, sige para sa bunso ko" 

ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila Trish.. naging busy kami da pag p-prepare ng mga kakainin mamaya..masaya kasi tulong tulong kami sa kusina..

pinagpapawisan ako... wooo..ako kasi yung napatoka sa pag iihaw 

wala naman sa plano pero dahil sabi ng papa ni Trish since kumpleto daw ang pamilya nag decide sila na magkaron ng simpleng salo- salo...

" papa san ko ilalagay yung niluto nila Trish?" rinig ko ang boses ni Carl mula sa loob ng bahay.. nandito kasi ako sa may kalawakang garden nila at di naman ako masyadong malayo sa may pintuan ..

" oh andyan ka pala.. bat ikaw ang nagawa nan? si Trish talaga naku teka lang" nailagay na nya ang pag kain sa lamesa at aakma na sanang tatawagin si Trish...napahawak ako sa braso nito bilang pag aawat and i feel it again, the electricity thingy gaya nung una ko syang nahawakan sa park.. agad kong binawi sa pagkakahawak ang kamay ko dahil dun.. at isa pa baka sabihin nya chansing yon,

" naku wag na, ako kasi talaga ang itinoka dito, ok lang ako :-)"

"ganun ba o sige tulungan na kita" kinuha nya sakin yung pamaypay at inabot sakin yung isang puting face towel

" take this, mas kailangan mo yan kesa sakin eh" hinaplos ko ang muka ko dahil nga sa basa ako ng pawis at ayoko namang mabasa ng ganoon ang binigay nya.. nakakahiya..

" hahaha"

o_O ? may nakakatawa ba?

"bakit anu yun " tanong ko, mejo naconscious naman kasi ako dahil nakatingin sya sakin habang natawa..

" nothing, ang cute mo kasi" di ko alam if that's a compliment o anu kaya di ko alam kung matutuwa ba ako...

" ang init nga noh" ayy HINDi.. bonakels pala to eh.. malamang nag iihaw ka... maya maya nakita ko nang sobrang pawis na rin sya di ko naman maibigay yung towel dahil naipunas ko na to sa pawis ko..ipinahid nya na lang ang sarili nyang kamay sa mukha nya.. mejo nahihilam na ata sya ng pawis nya.. 

at " hahahaha" di ko napigulang tumawa dahil kumalat yung uling sa muka nya...

" bakit?"

" muka ka na kasing taong grasa.. kalat na yang uling sa muka mo"

" ahahahahaha ganun ba? oo nga no mukang taong grasa"  

sabi nya na tawang tawa sa sarili nya

" ah wait lang c.r muna ko jan ka na muna"

" ok sige goodluck" 

eh? pupunta lang ng c.r goodluck pa.. anung meron

pumasok ako ng bahay at nakasalubong ko sila Trish at mama nito dala ang ibang ulam.. at dare- daretso ako sa c.r bago ako makapasok narinig kong nagtawanan sila tita.. malamang nakita na nila ang itsura ni Carl

at yun naka pee na nga ako... lalabas na sana ako ng mapadaan ako sa may salamin sa loob ng cr

" ahhhhhhh" nagulat naman ako ng bahagya... naku naku nakuuuuu.. kaya pala bonga kung makatawa tong si Carl eh mas marami pa pala akong uling sa muka kesa sa kanya.. hinugasan kong maigi ang muka ko at lumabas..

pagkadating ko nakakita ako ng pamaypay at pinaghahampas ko si Carl sa harap nila Trish

" lakas ng trip mo ha.. di mo man lang sina- hmmm" naku kung wala lang kami sa pamamahay nila eh nasapak ko na tong pesteng to

" haha, ikaw nga makapanlait ka.. taong grasa agad"  

nakitawa ma din sila Trish nakaka bv naman to..

" hala masyado ka palang pikunin noh haha, ayos ah"

" anong ayos don sige nga ha"

" oi oi tama na yan, Carl tigil na pagtataliin ko kayong dalawa"sabi ng mama ni carl na nag aayos sa lamesa

" pero ma, we're just having fun"

" having fun.. having fun ka dyan ikaw lang kaya natutuwa" pesteng mongoloid ka..

" oi, dyan nagkatuluyan lelong at lelang ko"

" asa" sabi ko sabay irap kay Trishiang epal

" sira wala pa kong nababalitaang ganun sa angkan natin Trish"

" weh di nga kuya kela mama at papa na nga lang eh... dyan sila nagkatuluyan"

" ok lang maganda naman si Sey eh.. yun nga lang parang may pagka amazona ata"

" oi baka guto mong mabugbog amazona ka dyan" (>"^"<) ay mali parang pinatunayan ko lang sinabi nya

" o kita mo"

"hala ka kuya yan ang nag top samin sa self defence"

" ganun ba.. naku amazona nga, ok pwede naman daanin yan sa Charm ko eh" nag mr. pogi style sya at itinaas baba ang kilay na nakatingin sakin..

" kapal... hoy kahit ikaw pa maging pinaka gwapo never mo ko madadaan sa pacharming effect mo"

" weh di nga" 

bigla bigla... hinapit nya ako sa sa may baywang at idinikit sa kanya na as in... tapos yung muka naman namin eh halos magkadikit na...

" kahit sa ganito?" ibinulong nya yon sa may tenga ko.. nakaramdam na naman ako ng kuryente at halos di ako nakagalaw man lang.. nagsilabasan din ang goose bumps ko sa katawan dahil sa ginawa nyang pagbulong

" kuya?" narinig ko na lang ang boses ni Trish na dahilan ng pagkabigla at naitulak ko si Carl

" uiiii sis anu yan?" sabi naman ni Cass na andun na pala... at di ko rin namalayan na nakaalis na pala doon si tita kaya naman pala ang lakas ng loob na gawin yun ni Carl..

Setting FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon