Chapter Thirty three

14 0 0
                                        

(Lui)

nang matapos ang usapan namin ni Paulin i've decided to go to the beach kung nasaan ang iba pero..

nakita ko si Sey at si Carl, hindi ko alam kung para saan ang mga titigang iyon,

nakita kong parang may sinasabi si Sey, di ko naman marinig dahil medyo malayo pa ako..

pero bigla na lang itong tumakbo, papunta sa direksyon ko

tatanungin ko na sana sya kung bakit sya tumatakbo pero nung malapit na sya sa akin nakita kong umiiyak sya

d*mn! anu na naman kaya ang ginawa ng Carl na 'yon

I did'nt know kung anu ba ang uunahin ko

yung pagsuntok ba sa mukha ni Carl

o ang pag sunod kay Seyuki...

pero mas mahalaga ngayon na mapuntahan ko si Sey,

at tumakbo na ako papuntang hotel

----------------------------------------------------------------------------------------

(Sey)

pagkarating ko sa Hotel pumunta na agad ako sa second floor kung nasaan ang kwarto namin..

pagkapasok ko, halos ihagis ko na ang sarili ko sa kama at isiniksik ko na lang ang muha ko sa unan

"nakakainis" nasabi ko habang naiyak

maya-maya pa'y narinig kong nag click yung pinto, ni hindi ko nga alam kung naisara ko ba yung pinto

wala na kasi akong paki-alam,

ang naiisip ko na lang ay ang makarating sa kama at umiyak ng walang nakakarinig

napaiktad naman ako ng bahagya ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko...

nilingon ko kung sino ang taong iyon..

"tahan na, anu bang problema?"

nakita ko si Lui na mukha namang nag aalala sa nakikita nya..

"wala to, medyo naiinis lang ako"

sabi ko habang isinubsob ko ulit ang muka ko sa unan

sabog na kasi ang luha ko, baka mamaya nan pati sipon ko sabog nadin,, hahahaha kadiri ba?,,

"tayo ka na nga dyan, bilis may ipapakita ako sayo"

inilahad nito ang kanyang kamay na nanghihikayat na tumayo ako..

wala akong ideya kung saan kami pupunta, pero ng mga oras na yon pinunasan ko na lang ang luha at kung anu-ano pa mang basa sa mukha ko..

inayos ko ang sarili ko at inabot ang kamay nya,,,

pagkababa namin sa hotel sumakay kami sa sasakyan niya,

ayoko na munang isipin yung kanina..

"Sey"...

napalungon ako kay Lui na kasalukuyang nagddrive, nakatingin lang ito sa daan..

"alam mo bang.." sabi nito nang di parin lumilingon.

"ano?"

"alam mo bang...a-ano-"

"ano nga?!" parang ewan kasi, tagal oh.

"ang- ang pangit mo, wag ka nang iiyak ha!" yung expression sa mukha nya parang naiinis, na natatawa...alam nyu yon

"WOW lang ha! ang gwapo mo kuya, kung maka 'PANGET' ka naman!"

haha grabe lang noh!, laitero, pero napangiti naman ako imbis na maasar, totoo naman siguro hehehe

"oh ayan kita mo, ngumiti ka rin"

o_O pano naman nya nakita eh di naman sya natingin..

"di kaya ako nakangiti" sabay tikom ng labi ko para mapigilan ang pagtawa..

"haha, ang cute mo talaga!" sabi na naman nito ng di ulit tumitingin

"ewan ko sayo!" sabay mahinang hampas sa balikat nya..

"oh andito na tayo!" napatingin na lang ako sa isang kainang tinigilan namin,

"wala naman akong ganang kumain eh" totoo naman wala talaga,

"basta" bumababa ito at umikot sa unahan para pagbuksan ako ng pinto..

"eeehhhh" hinatak na nya ko palabas, gentleman na sana eh, nanghatak pa

wala na rin naman ako nagawa at pumasok na kami sa 'The Sweet Store' medto may kalapitan lang naman to sa Hotel na tinutuluyan namin

"dyan ka lang ha!" sabi nito matapos nya akong paupuin sa may bandang gilid sa loob ng store..

"ano naman kayang naisipan nito"

napasabi na lang ako, akala ko naman sa may beach kami pupunta kung saan may magandang view at pwedeng mapag-isip..

nakita ko syang tapos ng umorder, at maya-maya pa dala na nya yung inorder nya..

"ano to?" sabi ko nang makalapit sya at inilapag ang isang tray na may iba't ibang cake na puro may chocolate

"edi cake" sabi nito na para bang inis ang itsura..

"alam ko cake yan eh anu namang gagawin ko dyan eh ang dami dami nan" napakamot na lang ako sa ulo

"edi kakainin" sabay irap

"ah ewan, pilosopo!"

tatayo na sana ako ng hinawakan nya ang kamay ko

"alam mo ba na pampatanggal ng lungkot ang chocolate, sinabi ko na 'to dati, ulit pa!"

bigla namang naalala ko nung unang beses na nakita nya kong umiyak, binigyan nya din ako ng chocolate cake at sinabi ang tungkol dito

"ah, ok gets ko na hahaha" makakalimutin na talaga ako, oo nga pala

"hay nako, slow!" sabay ngiti nito

kahit papano gumaan naman ang loob ko

Setting FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon