Chapter twenty seven

14 0 0
                                        

"Sey, punta muna tayong joey pepperoni, gutom na ko eh",

sabi ni Trishia na nakahawak sa sikmura nya..

"oo nga Sey, nakakagutom maghintay sayo no",,

"oo na sige na, para namang kung makapagsabi kayo eh kinokontra ko kayo",,habang tuloy lang kami sa paglalakad, wala na kaming ginawa kundi mag daldalan,,

" yan nandito na tayo",, sabi ni Trish na nagpalinga-linga sa lugar...

"uy Trish diba ayun yung kuya mo", maang-maangan pang sabi ni Cass habang nakaturo sa direksyong tinutukoy nito,,

"kuya Carl,, hi!",, sabay kaway naman nito na agad namang napansin ng binata

"o hi, nandya-"

"ay Cass, naku!! tanda mo ba yung babae kanina, yung anu-"

"ay oo nga Trish, hala, uy guys layas muna kami ni Trish ha kasi may naghihintay samin"...

"oo nga, kuya kaw muna bahala kay Sey ha, baka matagalan pa kami ehh",,

"sama ko!",, maiilang naman kasi ako kung magpapaiwan ako kasama si Carl

"naku Sey, wala ka namang gagawin don, saka ok na yan, samahan mong maglibang si kuya, bye",,

after non ni hindi man lang nila akong hinintay sabihin kung payag ba ko o hindi, umalis na agad sila ng dali-dali,,, GGAAAADDDD!!!,, ano ng gagawin ko, naiilang pa man din ako,, hhhmmmmmmppp..

nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko wala na kong nagawa kundi ang magstay na lang kasama si Carl...

...

...

hay anu ba 'to wala man lang akong maisip sabihin,,

"ahm.."

sabay pa kami,,

"sige ikaw na",,, sabay ulit kami,,

nagkatawanan kami saglit,,

"sige una ka na Carl",,

"ah sige na nga, sorry nga pala sa kapatid ko kung pinlano nya to!",, (hala nanglaglag ba!),

"anu plan-no?",, nakapagtanong na ko bago ko pa naisip,,"ahhh kaya pala,, nako humanda sakin yung mga yun",, naalala ko kasi yung mga nababanggit nila kanina,, so mukang set-up nga to nung dalawa,,

"wag ka naman sana magagalit, pero sa tingin ko magandang pagkakataon na rin to para makapag-usap tayo, tagal na rin kasi simula nung-"

"okay na gets na,, wala yun kalimutan mo na yon",,

ayoko na kasi maalala yung nangyaring yon,,

after kong mag "no no" sign, nag-iwas sya ng tingin at isang mapait na ngiti ang ipinahiwatig nito..

"sana wag mong isipin na pinagsamantalahan ko yung pagkakasakit mo",, sa ibang direksyon parin ito nakatingin,,

"di ko naman na ganoon, kasalanan ko rin naman",,, " sorry",, napyuko naman ako sa pagkakataong ito,,

*sigh* "order na muna tayo",, pag iiba niyo sa usapan ng mahalata nyang nakakailang na para samin..

ng matapos na kami, napagpasyahan na naming umalis na roon at maghanap na ng ibang mapapasyalan dahil muka namang wala ng planong bumalik pa yung dalawang bruha,,

"san tayo?" tanong nito habang inii- start yung sasakyan,,

"ahhh kahit saan basta maganda yung tanawin",,,

" tamang tama may naisip ako, maganda doon pag ganitong oras",,

"okay sige",, kahit papano medyo nawala rin naman ang pagkailang namin sa isat- isa,,,

Setting FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon