Chapter One
Affair
Nagkatinginan sila matapos ilapag ni Elise sa malapad na desk ng kaniyang boss ang mga papeles na kailangan nitong pag-aralan at pirmahan. Sumilay ang isang ngisi sa guwapo nitong mukha at tahimik siyang sinenyasang lumapit dito. Nangingiti na rin siyang umiling at unti-unting lumapit sa lalaki.
Hindi pa man tuluyang nakakalapit sa kinauupuan nitong swivel chair ay hinila na siya nito at kinandong. Kumawala ang mahinang tawa sa mga labi niya. Sumunod na pinalibot ang mga braso sa leeg at batok nito habang nakapulupot naman ang mga braso nito sa maliit niyang baywang.
Ilang sandali silang nagkatitigan. Parehong may ngiti sa kanilang mga labi. Hanggang sa marahan niyang pinikit ang mga nang unti-unti nitong nilapit ang mukha sa kaniya. Naglapat ang kanilang mga labi at tinanggap ni Elise ang sa una ay mababaw nitong halik na kalaunan ay naging malalim.
Humigpit ang kapit niya sa batok ng lalaki habang dumidiin din ang hawak nito sa kaniyang baywang.
Nasa leeg na niya ang mga labi nito at nag-uumpisa nang lumikot ang mga kamay sa mga parte ng kaniyang katawan nang biglang mag-ring ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng desk nito.
"Stefan..." tawag niya.
Hindi halos tumigil sa pag-iingay ang cellphone ni Stefan.
Dumapo ang mga mata niya sa kinaroroonan niyon at nasilip ang nakarehistrong pangalan ng caller, Catherine.
Marahan niyang tinulak ang lalaking mukhang walang pakialam sa cellphone nitong nag-iingay at abala lamang sa paghalik at pagdama sa kaniyang balat. "Stefan, ang phone mo." pagpapatigil niya rito.
Umalis siya mula sa pagkakandong dito at inayos ang halos nagusot na blouse at pencil cut skirt. Kita kay Stefan ang iritasiyon nang sagutin nito ang tawag.
"What?" pagalit nitong sagot sa tawag.
Nagkatinginan sila. Tumayo ito at tinalikuran muna siya habang nakikipag-usap sa phone. It was a short call, like usual, kapag si Catherine ang tumatawag at halos ayaw itong kausapin ni Stefan. Mabilis na tinapos ni Stefan ang tawag. Pagkatapos ay muli siya nitong binalingan at nilapitan.
Marahan siya nitong hinapit at hinagkan sa kaniyang noo. Tumingala siya rito. "Pinapauwi ka na ng asawa mo?" sinubukan niyang ngumiti na para bang biro lang iyon ngunit hindi biro ang sitwasiyon nila.
Pero siguro nakita rin ni Stefan ang sakit sa kaniyang mga mata na nakitaan niya rin ito ng awa at guilt para sa kaniya. Para sa sitwasiyon nilang dalawa.
Ngumiti siya na sinasabing ayos lang at tinanguan ito. "Umuwi ka na." udyok niya.
Nagpakawala si Stefan ng buntong-hininga at unti-unting tumango. Pinakawalan siya. Umatras siya bago tumalikod at nauna nang lumabas sa malaki nitong opisina.
Elise can feel the hurt in her heart. They might be together the whole day because of Stefan’s work at his office but at the end of the day they both knew that he has to go home to his wife. Araw-araw unti-unting parang nadudurog, nawawasak si Elise sa katotohanang iyon. The truth that the man she’s in love with is already married to a woman and that is not her. May legal nang nagmamay-ari sa taong mahal niya. And what they’re doing was wrong. Kailan ba naging tama ang pakikiapid?
Pero paano? Paano kung sinabi nitong siya naman ang mahal nito? Kung una pa lang ay silang dalawa naman na talaga ang nagmamahalan. She was his first love, his girlfriend. Ngunit nangyari ang mga nangyari. At nalagay sila sa ganitong sitwasiyon…
BINABASA MO ANG
Cry of a Mistress (Published by KPub Book Publishing)
General FictionPublished by KPub Book Publishing (2022) --- Elise loved Stefan Prieto since she was just a girl. They were childhood best friends. She was his first love, his girlfriend, before Stefan married Catherine Villegas. Just like Stefan na tagapagmana n...