Chapter Nineteen
Marry You
"Is it okay with you?" Kier asked her—obviously concerned.
Bahagya pang pinangunutan ng noo si Elise. "Oo naman, bakit?"
Kier sighed, and started the car's engine.
Elise smiled at her boyfriend. Napangiti narin ito.
It's Connor's birthday—Stefan and Catherine's son. Kailangang kahit mabigyan man lang ni Kier ng regalo ang bata sa kaarawan nito. Inimbita sila nina Catherine bilang matagal na ring doctor ng anak nila si Kier.
Pupunta rin sila sa bahay ng parents ni Kier pagkatapos. Birthday din kasi ng Dad nito and his mother prepared dinner for the family. At inaasahan na sila ng family ni Kier.
Mas lalong sumaya ang puso ni Elise sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng pamilya ni Kier.
She remembered the first time she met Kier's family, and she was introduced to them as his girlfriend.
"Hala... hindi na baby ang bunso ko..." anang mommy ni Kier na mapagmahal na nakatingin sa bunso nitong anak.
Elise remembered Kier's mother pouting cutely. Napangiti rin siya.
Alicia Castillo is of an average height woman in her late fifties. Hindi agad mahahalata sa ginang ang tunay na edad dahil sa liit ng mukha nito at masiyahing attitude.
While Kier's father is a tall man. Sa ama namana ni Kier ang tangkad at kakisigan. Ganoon din ang Kuya nito na nakilala na rin noon ni Kier.
Kier has an older brother and sister. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. At nakita nga ni Elise kung paano si Kier i-baby ng mga magulang, especially his Mom, at dalawang nakatatanda nitong kapatid na pareho nang may mga asawa at sariling pamilya.
"Nagdala na ng girlfriend dito sa bahay, Dad!" anang Mommy ni Kier na bumaling sa asawa.
"Mom," si Kier sa ina nito.
Nakikita ni Elise na nahihiya na ang boyfriend niya lalo at naroon siya.
Nakangiti lang naman siya and she find Kier's family adorable.
No wonder Kier’s a good guy. Dahil galing din ito sa isang mabuting pamilya…
"You're smiling," nakangiti na ring puna sa kaniya ni Kier nang mula sa driver's seat ay masulyapan siya nito.
Nakangiti siyang umiling. "I just remember your family. I miss them." she said sincerely.
"Another reason why we're visiting them, right?"
Masayang tumango si Elise.
Nakarating sila sa venue kung saan dinadaos ang isang pambatang birthday party. Idadaan lang nila ang gift ni Kier para kay Connor at tutuloy na rin sila sa bahay naman ng parents nito.
Agad nilapitan at binati ni Kier ang bata nang makapasok sila at sinalubong din sila ni Catherine.
"Kumain muna kayo." ani Catherine sa kanila.
"Thank you, but it's also my father's birthday. Dinaan lang talaga namin ang regalo for Connor."
Tumango naman si Catherine sa paag-iintindi at ngumiti sa kanila.
Nagpaalam narin sila pagkatapos bumati at maibigay ang birthday gift ni Connor.
Nalingunan pa ni Elise si Stefan at Catherine—na malaki na ang tiyan at ilang buwa na ring buntis. Napangiti nalang siya nang makitang alagang-alaga ni Stefan ang asawa.
BINABASA MO ANG
Cry of a Mistress (Published by KPub Book Publishing)
General FictionPublished by KPub Book Publishing (2022) --- Elise loved Stefan Prieto since she was just a girl. They were childhood best friends. She was his first love, his girlfriend, before Stefan married Catherine Villegas. Just like Stefan na tagapagmana n...