Chapter Seven
Pangako
“Elise?”
Nahinto si Elise sa kaniyang mga hakbang nang marinig na may tumawag sa pangalan niya. Nilingon niya ito at sumalubong sa kaniya ang pamilyar na lalaking nakasuot ng doctor's coat nito.
Hinarap niya ang lalaki at medyo may pag-aalangan itong nginitian. "Doctor Castillo?" sana ay tama ang pagkakaalala niya dito.
Ngumiti ang lalaki at lumapit pa sa kinatatayuan niya. "Kier."
Napatango si Elise at tuluyan nang napangiti. "Doctor Kier Castillo." ulit niya sa buo nitong pangalan.
Lalong ngumiti ang guwapong doktor. "You remember." masayang anito. "You're here again?"
Tumango si Elise. "Ah, oo, bibisitahin ko ang kaibigan kong nurse dito."
Tinanguan din siya ni Kier. Pagkatapos ay nagpaalam na rin siyang tutuloy sa kaibigan niya.
***
"Magkakilala na kayo ni Doctor Castillo?" ani Mara sa kaniya sa mga sumunod niyang dalaw sa kaibigan, usually kapag ganitong libre ito para hindi naman siya nakakaabala sa trabaho nito rito sa ospital. Malayo kasi ang tinutuluyan nito at itong Dela Cuesta Medical ay mas malapit sa company building nina Stefan. "Nabanggit ka niya sa 'kin."
Tumango naman siya. "Oo, minsan kaming magkasalubong dito."
May kakaiba sa ngisi ni Mara kaya agad sinaway ni Elise ang kaibigan. Tumawa lang ito.
"Nako, tingin ko gusto ka nang pormahan niyang si Doctor-"
"Mara!" maagap niyang saway sa kaibigan. "Baka may makarinig sa 'yo, nakakahiya." napabaling baling pa siya sa paligid.
Ngumuso lang si Mara at hinaplos haplos ang tiyan nitong medyo halata na ang pagbubuntis. Masaya si Elise para sa kaibigan. On process na rin ang annulment ni Mike sa asawa nito. Noon pa man ay malabo na ang relasyon ng mag-asawa kahit hindi pa nakikilala ni Mike si Mara. Parang hiwalay na nga ang mga ito at ngayon ay tuluyan na ngang wawakasan ang pagiging mag-asawa sa papel. Parang si Mara lang din ang hinintay ni Mike para tuluyang makapag desisyon. Kahit mali pa rin ang simula ng dalawa ay mabuting inaayos na rin naman ng mga ito ang mga dapat ayusin.
Bumuntong hininga si Mara kalaunan. "Bata ka pa, Elise, at maganda. Makakakilala ka pa ng ibang lalaki, gaya nalang ni Doctor Castillo." Malumanay siyang tiningnan ni Mara. Inabot nito ang kamay niya at pinisil. "Kasal na si Mike nang makilala ko siya. Pero si Stefan hindi. Ikaw ang girlfriend niya nang magpakasal siya sa ibang babae. Kung talagang mahal ka niya ay dapat pinaglaban ka niya. Nasaan ang bayag niya?" disappointed na umiling-iling si Mara na dati ay boto naman ito kay Stefan ngunit nagbago na yata ang tingin nito sa lalaki.
Umiling din si Elise sa kaibigan. "May plano si Stefan para sa amin. Naniniwala ako sa kanya, Mara."
Muli lamang umiling si Mara.
Alam ni Elise na mahal siya ni Stefan. At tutuparin nito ang mga pangako nito sa kaniya...
***
Nakatayo si Stefan at tanaw ang mga nagtataasang gusali sa labas ng malapad na glass wall ng kanyang opisina. Naramdaman niya ang paglapit ni Elise at pagyakap sa kanya mula sa likod. Lumipat pa ang babae sa kanyang harapan at sinimulang halikan siya sa kanyang leeg at panga. Umiwas siya nang hahalikan na siya nito sa labi.
"Stefan..."
Nakikita ni Stefan ang kislap ng luha sa mga mata ng babae.
He let out a heavy sigh at tinalikuran ito. Maagap siyang hinabol ni Elise at halos marahas na hinawakan sa kanyang kwelyo at hinila para mahalikan.
Elise became aggressive. She started unbuttoning his white long sleeves. Mariing napapikit si Stefan.
May naalala siya.
"Congrats, man." tinapik ni Stefan sa balikat ang kaibigan niyang ni Miguel. Pinuntahan niya ito sa ospital at kapapanganak pa lang ng assawa nito.
Mula sa bintana ng nursery ay bumaling si Migs sa kanya. "Thanks." Kita niya ang saya sa mukha ng kaibigan.
"Bakit hindi pa kayo mag-anak ni Catherine nang malaman mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon. You've been married for a year now?" ani Migs sa kanya.
Hindi nakaimik si Stefan sa sinabi ng kaibigan.
Nakita niya ang pag-iling nito. "Come on, man. Your wife is a good woman. That thing you're having with you mistress, stop it already."
Agad tumalim ang tingin ni Stefan sa kaibigan. "Don't call her that." mariing aniya at may pagbabanta.
Miguel just shrugged at binalik nalang ang atensyon nito sa loob ng nursery.
Nagmulat siya ng mga mata. Napaisip din si Stefan sa naalalang naging usapan nila ni Miguel noon sa ospital. Naisip niyang…gusto na rin niyang magkaroon ng anak at ang maging ama. Handa na siyang bumuo ng sariling pamilya...
Bumaba ang tingin niya kay Elise na pilit pa rin humahalik sa kanya. While he stayed unmoving.
Naaawa siya kay Elise... At nagagalit siya sa kanyang sarili. Because he knew he's about to break his promises to her... Because he can't anymore see a future with her...
Sa tuwing iisipin niya, iba na ang mukha ng babaeng gusto niyang uwian pagkatapos ng mahabang araw niya sa trabaho. Iba na ang gusto niyang maging ina ng magiging mga anak niya. Iba na ang taong gusto niyang makasama sa pagtanda niya... At hindi na si Elise 'yon...
Hindi alam ni Stefan kung paano o saan nagsimula. Siguro noong pumanaw ang ama ng asawa niya… When he was with her that whole time. Ni hindi nga siya pumapasok no'n sa trabaho dahil hindi niya ito maiwan. She looked so broke and fragile.
At parang doon pa lang nakita ni Stefan si Catherine. Ang asawa niya.
Catherine Villegas already looked fragile to him even the first time they met. It was her eighteenth birthday when they were introduced. The girl looked so soft sa kilos man o salita. Parang isa itong babasaging bagay na kailangang pagkaingatan…na hindi niya nagawa... Instead, he hurt her.
He has a girlfriend when they met. Mahal niya si Elise at noon ay ito na ang babaeng nakikita niyang pakakasalan at makakasamang bumuo ng pamilya. Kaya kahit pa may kumakatok na sa puso niya para sa asawa ay winaksi niya iyon. Pinilit naman ni Stefan dahil ayaw niyang saktan si Elise. For years he loved her... And still, it is possible to fall out of love.
May kumatok sa pinto ng opisina ni Stefan na hindi niya agad narinig sa dami ng iniisip. He was about to stop Elise from what she was doing when the door was pushed to open.
"Kuya-" It was his brother, Nigel.
At kasunod nito ang asawa niya...
Natigilan din si Elise nang maramdaman ang presensya ng mga taong pumasok sa opisina ni Stefan. Nag-angat siya ng tingin at naabutan ang pagtalikod at pagtakbo ni Catherine paalis.
"Catherine!" Stefan called and immediately followed his wife.
Naiwan naman doon si Elise at ang nakababatang kapatid ni Stefan na si Nigel Prieto. Nagkatinginan sila at nag-iwas ng tingin si Elise.
"You don't deserve this. My brother is an asshole."
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya ang pag-iigting ng panga nito. Tinalikuran rin siya ni Nigel at naiwan siyang mag-isa doon.
Nanghihinang napaupo si Elise sa sofa'ng naroon. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha at nasabunot ang sariling buhok. Kasunod no'n ang pagkawala at sunudsunod na hagulhol mula sa kaniya…
BINABASA MO ANG
Cry of a Mistress (Published by KPub Book Publishing)
Fiction généralePublished by KPub Book Publishing (2022) --- Elise loved Stefan Prieto since she was just a girl. They were childhood best friends. She was his first love, his girlfriend, before Stefan married Catherine Villegas. Just like Stefan na tagapagmana n...