Chapter Twenty
Fairytale
The instrumental started. Elise was wearing a beautiful wedding gown. Nakangiti siya habang marahang naglalakad patungo sa dulo kung saan naghihintay sa kaniya si Kier sa altar.
Hindi nakatakas kay Elise ang nangingislap na luha sa mga mata nito lalo noong nakalapit pa siya. Habang siya ay masaya lang talaga sa araw na iyon. Hindi maalis ang magandang ngiti sa mga labi niya. Hindi niya alam kung bakit umiiyak si Kier. Siguro ay tears of joy. But really, dapat pareho lang silang nakangiti sa araw na ito. It was a happy day. Masaya ang lahat. Ang pamilya ni Kier, sila Mara at ang mga anak nila ni Mike na naroon at isa sa mga imbitado.
Sa araw na iyon ay natupad na ang pangarap ni Elise. Pinangarap niya noon ang maglakad sa aisle na ito at sa dulo naghihintay ang lalaking magiging asawa niya. Sometimes the one who promised is not the same person who will make your fairytale come true. Minsan hindi pa pala siya iyong prince charming mo. Dahil minsan mali pa ang taong iyon na minahal mo. Darating din ang taong para talaga sa 'yo. Iyong tamang tao para sa 'yo. Ang prinsipe mo.
Happily ever after is for everyone. Kahit ano pa ang pinanggalingan mo. Kahit sino ka pa. No matter how broken you had been. Para ito sa lahat na marunong pa rin magmahal sa kabila ng hindi magandang karanasan sa nagdaang pag-ibig.
May ngiti sa mga labi nilang hinarap ang isa't isa. Tinaas ni Kier ang veil niya bago nito nilapit ang mukha sa kaniya para mahalikan siya. Elise closed her eyes and anticipated the kiss. And they sealed their vows with a kiss...
Bahagyang kumunot ang noo ni Kier nang tanggapin ang isang kahon mula kay Elise.
Nasa bahay lang sila nang araw na iyon at nagpapahinga mula sa kanilang trabaho sa ospital. Simula noong ikasal sila ay sa bahay na pinatayo ni Kier para kay Elise na sila tumira. And Elise loved their home. Naalala pa ni Kier noong unang beses na dinala niya si Elise dito at pinakita rito ang magiging bahay nila pagkatapos niya lang mag-propose. Niyakap siya noon ni Elise nang mahigpit at hinalikan.
Kier opened the box and looked at what's inside. Nilabas niya ang bagay at inangat para mas makita. His lips parted. Bumilis ang pintig ng puso niya. He looked at Elise. His wife was just smiling at him.
"Happy Fathers' Day!" she smilingly greeted him that. At mukhang sumakto pa sa nga selebrasyon.
Nag-init na ang mga mata ni Kier. Niyakap na niya ang asawa. In his hand he was holding the pregnancy test with a positive result na galing sa box na regalo sa kanya ni Elise. Hindi niya napigilang maluha. He kissed his wife's temple.
"Magiging Daddy ka na! Congrats sa atin!" Elise chuckled while she was hugging her husband back…
Lumipas ang mga buwan. At wala nang hihilingin pa si Elise. Kier had been nothing but an amazing husband. Lalo na noong nagbuntis siya. Alagang-alaga siya nito. Mahal na mahal siya ni Kier at walang kahit sandali na hindi niya iyon naramdaman. At ganoon din ang ginagawa niya. Kier deserved to be loved the way he loves her.
"Kier!" she called her husband when her water just broke!
Nasa pangalawang palapag siya ng bahay habang bumaba lang saglit ang asawa niya para ikuha siya ng tubig. Sinabi niya kasing nauuhaw siya at naubusan sila sa kwarto.
Nasa hagdan na siya nang salubungin siya nang nagmamadaling si Kier. Agad siya nitong binuhat at dinala na rin agad sa ospital...
He was with her while she was giving birth. Kier was holding his wife's hand until their baby girl finally came out. Iyon ang mga tagpo noong pinanganak ni Elise ang anak nila ni Kier na lumaking Daddy's girl talaga...
Spoiled ito hindi lang ng ama pati na rin ng pamilya ni Kier. Ang mga magulang ni Kier ay tuwang-tuwa sa apo nila. Kaya si Elise madalas ang sumasaway sa anak kapag may mali na ito. Mahal na mahal lang din talaga ni Kier ang anak nila as much as he love Elise. At ang mahalaga ay nakikinig din naman si Elaine kapag napagsasabihan na.
"Aren't you tired? Kanina ka pa nagluluto." niyakap ni Kier ang asawa mula sa likod. Abala naman si Elise sa niluluto.
Umiling lang si Elise at nakangiting nilingon ang asawa. Binigyan ito ng mabilis na halik sa labi. "Ayos lang ako." she gave her husband a reassuring smile.
It was Kier's birthday at madalas sa bahay lang ito nagpapahanda at si Elise ang nagluluto ng halos lahat. Nasa bahay na rin nila ang ilang kaibigan ni Kier na naging mga kaibigan na rin ni Elise. Mamaya ay darating din ang in-laws niya.
"Thank you." Kier kissed her cheek. "I love you, Elise."
"I love you, too."
Muli sana silang maghahalikan nang tumatakbong pumasok sa kusina ang limang taong gulang na nilang makulit na anak. Siniksik ni Elaine ang sarili sa gitna ng mga magulang na kinatawa na lang ng mag-asawa. Binuhat ni Kier ang anak at hinalikan sa pisngi. Kumuha naman ng konting sabaw mula sa niluluto si Elise, sandaling hinipan at pinatikim na rin sa anak.
Elaine gave out her two thumbs up after tasting her mother’s cooking. "Yummy!"
Bahagya silang napatawa ni Kier sa nakakatuwang anak.
"I love you, Mommy! I love you, Daddy!" Elaine told her parents sweetly.
And just like that both their hearts melted. Nagkatinginan silang mag-asawa.
"Daddy and Mommy loves you too, anak, so much." ani Elise na sinang-ayunan din ni Kier at sinundan pa ng I love you rin nito sa anak. At sabay nilang hinalikan sa magkabilang pisngi ang kanilang prinsesa.
Author's note: Hello, readers! Please note that I only shortened the chapters but the content is still the same. Thank you so much for reading my story! I hope you like it and maybe you learned a lesson or two from this story and the characters. My characters isn't perfect but that's how they learned just like in real life without our mistakes we might not learn anything at all. Until next time!
BINABASA MO ANG
Cry of a Mistress (Published by KPub Book Publishing)
General FictionPublished by KPub Book Publishing (2022) --- Elise loved Stefan Prieto since she was just a girl. They were childhood best friends. She was his first love, his girlfriend, before Stefan married Catherine Villegas. Just like Stefan na tagapagmana n...