Chapter Eleven
Parusa
Patuloy na inalo ni Mara si Elise kahit pa hindi ito matahan. Nagtawag ang doktora na nanatili sa kaniyang silid—habang naaawa at nasasaktan na rin na nakatingin sa kaniyang kalagayan—ng makakatulong. Halos nagwawala na si Elise kaya kailangan siyang pakalmahin ng mga ito…
"Tingnan mo, Stefan." mariing sambit ni Mara. "Tingnan mo ang ginawa mo sa kaibigan ko. Ginawa mo ito sa kaniya."
Sa muling pagmulat ng mga mata ni Elise ay naroon na si Stefan.
Nagsimula itong lumuhod nang magtagpo ang mga mata nila. Bigong bigo ang ayos nito at namumula ang mga mata sa luha.
"I'm sorry... I'm so sorry... I'm so sorry, Elise..." punong puno ito ng pagsisisi habang nanatiling nakaluhod sa sahig ng kuwarto niya dito sa ospital.
Tumulo man ang luha ni Elise sa kaniyang pisngi ay wala na siyang maramdaman habang nakikita ang pagbuhos ng mga luha ni Stefan. Wala na siyang pakialam kahit lumuha pa ito ng dugo. Wala siyang pakialam kung magkasugat sugat pa ang mga tuhod nito kakaluhod sa kaniyang harapan.
"Hindi kita mapapatawad, Stefan." she said with finality in pain and anger.
Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanila si Vivienne Prieto.
"Son!" gulantang nito nang makita ang ayos ng anak nito doon. "What are you doing?!"
Agad nitong nilapitan ang anak at pilit na pinatayo. "You left a very important meeting with our company's investors! Kay Josef ko pa nalaman na narito ka—you wont answer my calls!"
Bumukas muli ang pinto at kasunod nitong pumasok ang kaniyang doktor. Medyo nagulat pa ito sa dinatnan.
"What's happening here?" tiningnan sila ng ina ni Stefan na sa huli ay bumaling sa doktor.
"The patient had a miscarriage—" paliwanag naman ng doktora na halos hindi pa nito natapos dahil nagsalita na ang ina ni Stefan.
"Hah!" suminghap ito. Stefan's mother looked at her with disgust. "She deserved it! Ganiyan talaga ang nararapat sa mga kabit. Gan’yan ang nangyayari sa isang masamang babae—"
"Tama na!" agad na putol ni Mara sa mga sinasabi ng ina ni Stefan. Nanginginig ito sa galit na pinagtabuyan ang mag-ina. "Wala kayong karapatan na pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan ko! Wala kayong awa! Umalis na kayo!"
Tinulak ni Mara si Stefan palabas kasama ang ina nito. Nakiusap na rin ang kaniyang doktor na umalis na ang mga ito.
Natulala lang si Elise habang nanatiling nakahiga sa kaniyang hospital bed. Nakita pa niya ang mga mata ni Stefan na parang ayaw siya nitong iwan habang patuloy ang pagtulak at pagtataboy dito ni Mara.
"Elise..." nilapitan at niyakap siya ng kaibigan nang wala na ang mag-ina.
"Siguro nga parusa ito sa akin, Mara..." wala sa sariling nasabi ni Elise habang yakap siya ng kaibigan.
"Huwag mong sabihin 'yan, Elise."
Umiling siya. "Pinaparusahan ako dahil masama akong babae..."
"Hindi, Elise... Tama na..." Mara cried.
Ilang araw din siyang nanatili sa ospital. Hindi siya iniiwan ni Mara. Si Mike naman ang umaasikaso sa mga bills at kailanganin niya habang naroon. Nahihiya na at nagpapasalamat nalang siya sa dalawa.
"Ako na, doc. Kaya ko naman..." nahihiya niyang sinubukang kunin sa lalaki ang pagkain niya.
Ngunit gaya noong nakaraan ay inilingan lang siya nito at bahagya pang nilayo sa kaniya ang pagkain para hindi niya maabot. Sinimulan nitong hipan ang konting sopas na nasa kutsara bago nilapit sa bibig niya.
Sa huli ay binuka nalang niya ang bibig at tinanggap ang sinubo nito.
"Ano ba ang ginagawa mo dito, doc?" tanong na naman niya matapos ngumuya. "Paano ang mga pasyente mo?"
Doctor Kier Castillo smiled at her. "Hindi naman ako buong araw na narito sa kuwarto mo. Of course I still get to check on my patients. And...I'm here as your friend... A friend who will take care of you. Just like Mara and Mike."
Parang may humaplos na mainit sa puso ni Elise. She's happy that she gained another friend sa katauhan ng mabait na doktor.
"Salamat." she told him sincerely.
Muli lang ngumiti sa kaniya si Kier.
Nang malaman nito kay Mara na narito siya at sinugod sa ospital ay doon na ito nagsimulang tumulong sa pag-aalaga sa kaniya habang narito siya. Mara's pregnant at kailangan din nitong magpahinga. Abala din naman si Mike sa trabaho rin nito dito sa ospital. Kaya hindi rin natanggihan ni Elise ang alok na tulong ng lalaki. And she's thankful.
***
Kier's jaw automatically clenched when he saw the man again. Ito ang lalaking naabutan niyang pinagtatabuyan ni Mara noong isang araw dahil nagpupumilit itong makita si Elise. Doon din nalaman ni Kier kung ano ang ginawa ng lalaking ito kay Elise. Mara was crying habang nagsasabi sa kaniya ang babae. Kita niyang nasasaktan ito para sa kaibigan nito.
Matagal na niyang kaibigan ang nurse na si Mara at si Doctor Michael Agoncillo dito sa ospital. Natuwa nga siya nang malamang kaibigan ni Mara si Elise—ang babaeng ilang beses na niyang nakakasalubong dito sa ospital tuwing dinadalaw nito noon si Mara.
Naalala niya ang unang pagkikita nila ng babae. Tinulungan sila nitong mapainom ng gamot ang isa sa mga pasyente niya. Umiiyak noon ang bata at hinahanap ang Mommy nito. Kaya naman niya iyon but he wasn't also feeling well that time. Hindi siya nakapagtrabaho nang maayos.
He can still remember the gentleness in her act and voice as she cared for the kid. Halos matulala siya noon sa magandang mukha ng babae. He thought it was love at first sight...
Stefan Prieto was stopped on his steps nang sinalubong niya ito at hinarangan. Nangunot pa ang noo ng lalaki sa ginawa niya.
"You're not allowed to see her." mariing aniya.
They stood tall in front of each other. Halos may parehong tangkad at laki rin ng pangangatawan.
"What—"
"After everything you did to Elise, you still have the guts to face her?" he's starting to get sarcastic in irritation. And he was angry, too. Alam niyang hindi niya ganoong kilala ang lalaki pero base sa mga narinig niya kay Mara at sa mga nakitang nangyari ay hindi na niya maiwasang makaramdam din ng galit sa taong kaharap.
Nagsimula naring umigting ang panga nito. "Who are you? You don't know anything—"
"Oh, I know." mukha nang naghahamon ngayon si Kier. "Alam ko kung gaano ka kagago—"
Mabilis siyang kinwelyuhan ni Stefan.
But he was also fast to get his hands off of him. At walang pag-aalinlangang sumuntok ang kamao niyang mariing nakakuyom sa mukha nito.
Napatili ang ilang staff ng ospital at mga taong naroon sa pasilyo at nakasaksi sa nangyari.
Agad namang may mga pumagitna at umawat sa kanila bago pa man siya maambahan din ng suntok ni Stefan.
"Doctor Castillo!" awat sa kaniya ni Doctor Angeles.
"That man is not allowed to see one of our patients here." turo niya kay Stefan na matalim ang tingin sa kaniya at pinipigilan din ng dalawang lalaking nurse.
Dumating din si Mara kaya nakapagpatawag na sila ng security to throw Stefan out of the hospital.
***
Marahang hinahaplos ng hinlalaki ni Kier ang pisngi ni Elise habang mahimbing itong natutulog.
She's been through a lot... Umigting ang panga niya habang iniisip ang mga nasabi sa kanya ni Mara. Nasasaktan at nagagalit siya para kay Elise.
She looked peaceful in her sleep. Like a sleeping angel. She looked fragile that it hurt him to think that she’s been hurt this way.
Paanong sinasaktan lang ng iba ang babaeng...gusto niya.
Gustong isipin ni Kier na kung sana ay siya nalang ang unang nakilala ni Elise. Siguro ay hindi na ito nasaktan. Dahil hindi niya yata kayang saktan ang babae. Baka siya pa ang mas masaktan kapag nasaktan ito. Gaya ng nararamdaman niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Cry of a Mistress (Published by KPub Book Publishing)
Fiction généralePublished by KPub Book Publishing (2022) --- Elise loved Stefan Prieto since she was just a girl. They were childhood best friends. She was his first love, his girlfriend, before Stefan married Catherine Villegas. Just like Stefan na tagapagmana n...