Chapter Fifteen
Drunk
"Elise..." namutawi sa mga labi ni Stefan.
Ilang sandali silang nakatingin lang sa isa't isa bago may tipid na ngiti ang ginuhit ni Elise sa kaniyang mga labi.
"Stefan, Catherine…" she formally greeted the two.
Tipid naring ngumiti sa kaniya si Catherine. While Stefan stayed a bit stunned.
"Anak n'yo..." puna ni Elise na nakatingin na ngayon sa batang lalaki. Makikitang kamukha ito ni Stefan...
"Oo..." sagot sa kaniya ni Catherine. "May appointment kami ngayon sa doctor niya... uh,"
Bumaling ito kay Kier na nanatili sa kaniyang tabi.
Tumango naman si Kier at giniya na ang mga ito—mukhang ito pa ang doktor ng anak nina Stefan at Catherine.
"Elise," tawag sa kaniya ni Kier.
Maagap naman siyang bumaling sa lalaki at tumango. "Sige, babalik narin ako sa Ward." paalam din niya.
Tumango si Kier sa kaniya, and then she excused herself from everyone.
Walang lingong tuloy tuloy lang ang lakad ni Elise matapos talikuran ang mga ito.
Ngunit nang hustong makalayo ay nasapo nalang niya ang dibdib at tumigil malapit sa may fire exit.
Ang unfair parin sa pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay siya lang ang nawalan. Pakiramdam niya siya nalang ang nasasaktan hanggang ngayon dahil mukhang masaya naman na si Stefan sa nabuo nitong pamilya.
Not that she doesn't want Stefan to be happy. Minahal niya ito and his happiness was also her happiness before...
She doesn't want to be bitter ngunit hindi naman niya mapipilit ang sarili na maging masaya nalang para dito gayong kapalit ng kasiyahan nito ngayon ay ang pagkakadurog at pagkakamatay ng puso niya noon.
Pakiramdam niya ay siya lang ang nawalan ng anak...
Ni hindi na siya binalikan ni Stefan noon sa ospital. Para kay Elise ay hindi sapat na lumuhod ito sa kaniya noon at paulit ulit na humingi ng tawad para sa pagkakawala ng anak nila. Was he hurting, too, the way she was hurting, noong malaman nilang nawalan sila ng anak?O hindi dahil may anak narin naman na ito noon na pinagbubuntis palang ni Catherine. Ngayon lang nga ay nakikita na niya ang batang malaki na...
She cried. She cried not for her broken self but for her lost angel... Sobrang sakit para sa kaniya sa tuwing iisipin niyang hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon ang anak niyang makita ang mundo. At lumaki kagaya ng anak nina Stefan at Catherine.
Pinunasan niya ang basang pisngi at nagbuntong-hininga bago nagpatuloy sa mga gawain niya sa ospital nang araw na iyon.
This doesn't stop here. Kung nagagawa nila ni Stefan na maging masaya ay alam niyang magagawa niya rin iyon. Maybe not now but surely in time. She hasn’t lose hope.
Kailan ba naging madali ang pagmomove on? Lalo na kung malalim ang dinulot at iniwang sugat ng nakaraan...
Unti-unti na niyang binabangon ang sarili ngayon. She's doing this mainly for her angel. Ilang beses niya kasi itong napapanaginipan noong mga panahong iniisip na niyang sukuan ang kaniyang buhay…
A soft and beautiful young girl would show up in her dreams—she would caress her face... As if wiping her tears and her heartaches away... She would smile at her lovingly and would encourage her to stand up. To continue living and to find peace and happiness dahil ito ang gusto nito para sa kaniya...
BINABASA MO ANG
Cry of a Mistress (Published by KPub Book Publishing)
General FictionPublished by KPub Book Publishing (2022) --- Elise loved Stefan Prieto since she was just a girl. They were childhood best friends. She was his first love, his girlfriend, before Stefan married Catherine Villegas. Just like Stefan na tagapagmana n...