"What did you do now Serena? Kakashopping mo lang kahapon, nags-shopping ka nanaman ngayon. Mayroon pa tayong pupuntahan mamaya, may bago kang ieendorse." Ani manager niya.
Serena is doing her best to keep herself busy. Gusto niya munang magisip-isip, gusto niyang makalimutan ang lahat! Lahat ng sinabi ng binata. Ayaw niyang maalala. Hindi siya makapaniwala.
'I like you Serena.'
Simula nang sinabi iyon ni Jairos sa kanya, at sa phone call pa talaga! Ay hindi na sila nakapag-usap pa ulit, ni anino ata nito ay hindi niya nakita. Ayaw din naman niyang magkita silang dalawa baka mamaya ay biglang malusaw ang puso niya kapag nakita niya ang lalaki. Kilalang kilala niya talaga ang sarili niya, isang titig lang siguro sa mga mata ng binata ay matunaw siya. She doesn't like that.
"I just wanna have some fun Vy. Gagayak naman ako e. Just-- just let me enjoy myself. Please?" She pouted. Nagpacute pa ang gaga. Isa pa sa dahilan kung bakit ayaw niyang makita ang binata ay naiinis din siya. Naiinis siya, bakit hindi ito harap-harapang nagsabi sa kanya ng nararamdaman? Kailangan ba talaga sa phone call pa? Binola bola pa ito na tumingin sa langit na ubod ng ganda, alam siguro nito ang mga kahinaan niya.
"Parang hindi ata kayo nag-uusap ni Mr. Saavedra ngayon?" Tanong ng manager niya. Nanlaki ang kanyang mga mata. How did he know? Alam kaya ng manager niya? Gosh. Wala na ata siyang mukhang maihaharap kahit kanino. "What do you mean? Kami ni Mr. Saavedra? Nag-uusap? Why would he talk to someone like me? Imposible ata 'yang sinasabi mo Vy." Tanggi naman niya.
Her manager looked at her na para bang iniieksamin ito. "Talaga ba? Ayan ka nanaman, I told you Serena. I know you. Palagi kitang nakikita na nakangiti habang nakatutok sa phone. It's my first time seeing you like that kahit noon ay hindi pa kita nakitang ganon kalawak ang ngiti kasama ang ex mo."
"Well he's hot. He's charming. He has those wonderful eyes---"
"The question is, do you like him?" Napatigil siya. Does she like him? Kahit siya ay hindi alam ang sagot. She's happy when he's around pero sa tingin niya ay hanggang doon lang iyon.
"I don't know Venus, I don't know. Naguguluhan ako. Ang bilis kasi ng pangyayari. I mean-- look! I just broke up with my boyfriend and he's not just like any boyfriend, he's my first and my boyfriend for four damn years, I caught him with my best friend. Tatlong linggo palang ang nakakalipas. Pagkatapos ay bigla nalang dadating si Jairos sa buhay ko. To tell you the truth, siya ang pinakauna ko, I-I gave myself to him." Napaiwas siya ng tingin. "Ilang araw palang kaming magkakilala. Tapos kahapon? Bigla nalang siyang magc-confess? Hindi ko na alam kung pinaglololoko ako ng tadhana." She explained.
"N-naiintindihan kita Serena, I'm also your best friend. Kilala kita. Kung tungkol lang sa ex mo, hindi naman 'yan tungkol sa haba ng relasyon niyo e. Kung iisipin mo, kayo yung pinagtagpo pero hindi itinadhana. Pero kay Mr. Saavedra? I can see the happiness in your eyes. Maybe it's your chance, sweetheart. Kapag kasi nagmahal ka, mayroon talagang sakit diyan. Kapag nagmamahal ka, hindi pupwedeng puro saya lang. Kapag nagmamahal ka, dadating at dadating ang sakit diyan. And you know what? I think Mr. Saavedra is the twist to your love story. Kung si Marcus ang prince charming mo then Mr. Saavedra will be your knight-in-shining armor. The one who will save you and the one who will also drown you. Tumaya ka friend, kung sinabi niyang gusto ka niya. Edi go, konting pakipot ka muna just to test him but if you're really sure, I will always support you. Tandaan mo 'yan." Ika ng manager niya. Mala-mmk ang peg. Itong babaitang ito, nagsabi lang ng nararamdaman yung lalaki biglang gaganon.
Maybe Venus is right. Baka nga si Jairo ang happy-ever-after ni Serena sa sariling fairy tale niya. "Ang haba ng explanation mo beks. Inantok tuloy ako. Alam mo? Itulog mo, kain nalang muna tayo ng hotdog. Masarap 'to. Jumbo hotdog." She chuckled. Kahit papaano ay masaya siya, feeling niya ay siya ang pinakamasuwerte sa kaibigan!
Jairos.
Mauuntog na ata ni Jairos ang ulo niya sa steering wheel. He's in front of Serena's condo. Just like Serena, he doesn't know what to do. Dapat pala ay hindi na niya sinabi ang nararamdaman. He just can't help but to tell her the truth that he likes her. Wala naman kasing hindi kagusto kay Serena.
Kanina pa siya nasa loob ng kotse. Pinag-iisipan kung paano niya kakausapin ang dalaga.
'Should I just go inside? Should I knock? Should I call her and tell her that I'm waiting outside?'
"Serena?" Nagliwanag ang mata niya ng nakita niya ang dalaga na lumabas. Natawa siya sa imahe nito. May hawak pa kasi itong hotdog habang subo subo pa ang isang hotdog. Pwede naman sanang hotdog nalang ng lalaki ang kainin niya bukod sa mas malaki at mas mahaba ay mas masarap pa ito!
He froze. Ayan nanaman, hindi niya alam kung anong gagawin. But he's willing to do everything for Serena, whatever it takes. "Serena!" Tawag niya sa babae pagkatapos lumabas sa kanyang sasakyan. Nanlaki ang mata ng babae, bago pa siya makapasok sa loob ng kanyang condo habang pilit na sinubo ang dalawang hotdog ay nahawakan na siya ng lalaki.
"Serena, let's talk." Hindi makapagsalita ang babae. Akala niyo dahil kaharap niya si Jairos? Hindi noh. Hindi makapagsalita ang babae dahil sa dalawang hotdog na pinilit niyang lunukin. "W-w-water! Water!" Nahihirapang sabi ng babae. Jairos' eyes widened. Agad itong pumasok sa condo at nakita naman niya ang manager ng babae doon. "I need that water thank you!" Kuha niya sa baso ng tubig at agad itong pinainom kay Serena.
"Are you okay?" Tatawa-tawang saad ng lalaki.
'She looks hella cute.'
Masama ang tingin sa kanyang ng babae. "W-why are you looking at me like that?" Tanong niya dito. "Bakit mo ako pinagtatawanan? Siguro dahil muntik na akong madedo? Bakit ha? And what are you doing here? Umalis ka nga." She rolled her eyes. Pinipilit na huwag tumingin sa mga mata ng binata.
"Serena I-I wanna to talk to you, kung pwede?"
"Nag-uusap na tayo, hindi ba halata? Duh." She sarcastically said. Tumirik naman ang mata ng lalaki. Kailangan niyang pigilan ang inis para sa babae. Keep calm. Keep calm. Keep calm.
"Gusto kong pag-usapan yung tungkol sa atin." Serena bit her lower lip when she heard the word "atin" Sa kanila? Tungkol sa kanila? Bakit? Iyon ang mga tanong na tumatakbo sa isip niya.
"W-wala namang atin hano. We don't need to talk about that." Jairos was hurt when he heard that coming from Serena. Oo nga naman, wala namang sila. "Oh edi ikaw at ako, I need to talk about it. Serena please, take this seriously." Pilit niya sa babae.
"But it's the truth! I'm just telling you the truth! Ang totoo, wala naman talagang tayo." Pinigilan ng babae ang umiyak.
"Edi kung gusto mo, gumawa ng tayo. We could do that." He winked at her. "Love, sa'yo lang ako kahit hindi ka akin. Okay lang sa'kin kahit walang tayo. Because I'll make sure na magiging akin ka, na magkakaroon ng tayo. You will be my woman and I will forever be yours." He seriously said to Serena while looking directly at her eyes.
Hahayaan na kaya ng babaeng mahulog sa lalaki? Is this it? Will she let herself drown in love? Is this her greatest downfall?
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
General Fiction[ SAAVEDRA TWINS - JAIROS ] Serena is living a peaceful life. Mayroon siyang magandang trabaho at nakasuporta ang pamilya niya sa lahat ng ginagasa niya higit sa lahat ay mayroon din siyang kasintahan na anim na taon na niyang kasama. She's contente...