Mangiyak ngiyak si Serena bago siya umalis sa Caer el Paraiso. Hinding hindi niya makakalimutan ang ganda ng isla. For her, it's the most beautiful island.
"I want to go back." She sniffed. Pinatahan siya ni Jairos.
"Ugh, mas importante pa ba 'yan kaysa sa'kin?" Serena rolled her eyes.
"You're not my boyfriend, jerk." Ika niya.
Umarte si Jairos na parang nasaktan. "Hindi tayo pero gusto mo ako. That hurts baby." He winked at her. Namula si Serena.
"A-anong gusto?! Hindi kita gusto hano!" Pagtanggi niya.
"Oo na, hindi mo na ako gusto kasi mahal na mahal mo ako." He winked at her again. "Che! Lumayo ka nga sa'kin maharot na nilalang! Shoo! Shoo!" Pagtataboy niya sa lalaki. Jairos pouted. "Pakiss naman diyan baby."
Hinindian niya lang si Jairos. Sa totoo lang, nagpapakipot nalang siya. Hindi niya kasi alam, natatakot siya kapag umamin siya nang tuluyan kay Jairos but she knows, alam na alam niya sa sarili niya ang nararamdaman niya para sa lalaki.
Mga ilang oras ay nakabalik na sila. Napakabilis ng oras, parang kanina lang ay nasa Caer el Paraiso pa sila. "Hay, buhay. Magt-trabaho nanaman!" Naginat-inat si Serena bago tuluyang umalis sa sasakyan.
"Hindi mo naman kasi kailangang magtrabaho kapag pinakasalan mo ako. All you need to do is to marry me then my surname will be your surname too." Pang-aakit ni Jairos sa kanya.
Kinilig siya parteng iyon. Hirap na hirap na siya sa pagpapabebe, simula kasi noong nangyari sa Anna Anna chuchu ay nagpapabebe na siya. Pakipot pa more girl.
"T-tigilan mo nga ako Jairos! Stop teasing me!" Para siyang kamatis kung magtatanggi.
"Psh, ayaw pa kasing aminin na gusto niya ako." Pabulong na ika ni Jairos pero sapat na para marinig ni Serena.
"Anong sabi mo?! Hindi nga kita gusto e!" Tinitigan lang siya ni Jairos na parang hindi naniniwala at iniwanan siya.
"HOY! Where are you going? Wait for me! How dare you!" Padabog niyang sigaw.
It's another day for Serena. She needs to work again, tapos na ang maliligayang araw niya sa isla kaya naman kailangan niya nanamang harapin ang reyalidad.
She needs to go to SaaTech. Hindi niya alam kung saan siya mas excited, ang magtrabaho muli o ang makita si Jairos. Alam kasi niyang manonood ang binata.
"Good morning po!" Bati niya sa mga empleyado. They just smiled at her.
"She's here! Let's start!" Agad siyang inayusan upang makapagsimula sila agad. Buong shooting naman ngayon ay hindi niya nakita si Jairos.
"U-uhm, nakita niyo po ba si Mr. Jairos Saavedra? Hindi po ba dapat ay kasama siyang manonood ngayon? Bakit hindi po siya dumating?" Tanong niya sa isa.
"Sa pagkakaalam ko, hindi ata siya nakapunta? Personal matters." Naiintriga siya. Gusto niyang malaman kung nasaan si Jairos.
Tiningnan niya ang telepono, gusto niya sanang itext si Jairos.
'Shit. Wala nga pala akong number niya.'
Napakagat siya sa kanyang labi. "Di'ba sabi ko sa'yo, huwag mong kinakagat yung labi mo? Looking for me?" Na-excite siya nang nakita niya si Jairos.
"Excuse me, I'm not looking for you! I-i'm just contacting Venus. Kanina ko pa siya hinahanap." Kinakabahang tanggi ni Serena.
Jairos looked at her. Umiwas nalang si Serena ng tingin para hindi siya paghalataan.
"Hmm, kay." Jairos said in defeat. Napatawa nito si Serena.
"Why are you laughing?" Jairos asked her.
"Nothing. Natawa lang ako sa mukha mo. Mukha kang ewan." Kunot noo siyang tiningnan ni Jairos. Gustong pigilan ni Serena ang tumawa.
"Stop laughing." Inis pa ring sabi ni Jairos.
"What? Bakit ka naiinis? Kapag tumatawa ka, hindi naman ako naiinis. "Inisnob lang siya ni Jairos.
"If you don't stop, you know what will happen." Serena gulped. Hindi niya alan pero parang na-excite siya doon.
"A-ano bang mangyayari?" Kunwari ay nagtataka siya. Nilapitan siya ni Jairos at siya naman ay nagmove ng isang step backwards.
"Do you wanna know?" He said in a flirty tone.
"Sir Jairos! Nandito na po pala kayo!"
Agad niyang itinulak ang bata papalayo. "Palagi nalang. What is it?" Bugnot na tanong ni Jairos. Sikretong napangiti si Serena.
"We're going to celebrate Sir. Payday kasi ngayon, baka gusto niyo pong sumama. How about you ma'am Serena? You can join us." Ngiting ngiti ang lalaking empleyado. Kung hindi siya nagkakamali, isa ito sa nasa shooting kanina.
"Okay lang kung pwede." Ngiti ring sagot ni Serena. Kumunot ang noo ni Jairos.
"Huwag na, we're going to have dinner right?" Diniinan ni Jairos ang bawat salita. She saw his jaw move.
'Galit ba siya? Bakit?'
"Ito namang si ma'am Serena. Maganda na nga, mabait pa." Sagot nung lalaki. Kunwari'y patawa tawa si Serena.
"Leave. Pumunta kana, hindi kami pupunta." Agad na sabi ni Jairos bago pa siya makasagot.
"H-ha? Anong hindi tayo pupunta? Wala naman akong sinabing ganon ha-- saglit!" Tinalikuran na siya ni Jairos at umalis. Lumaki naman ang kanyang mga mata at sinundan ang lalaki.
"Hey! Wait! S-sorry! Next time nalang siguro, thanks for the invite." Ngiti niya bago sundan si Jairos.
"Ang bilis mo namang maglakad. Sumakit tuloy yung paa ko." She pouted.
"Bakit kasi sinundan mo ako?" Diretso lang ang tingin ni Jairos.
"Bakit ang sungit mo ngayon? Ano 'yon? Palit tayo ng pwesto ganoon ba 'yon? Ano bang binubuga ng butsi mo at saka di'ba sabi mo kanina doon sa lalaki, may pupuntahan tayo?"
Nagtiim ang panga ng lalaki. "He disturbed us. Dapat ay-- dapat ay nahalikan na kita pero sumingit pa. Nagpacute pa sa'yo." Inis niyang sambit.
Serena blushed. 'He's jealous.'
"Hindi mo naman na kailangang magselos, sa'yong-sa'yo naman na ako." Pabulong niyang saad.
Lumiwanag ang mukha ni Jairos.
"Ano? Sabihin mo ulit, malakas." Nakangiting sabi niya sa babae.
"Ayoko! Narinig mo na! Ble!"
"Serena naman e! You just have to repeat what you said!"
"Bla bla bla, wala akong naririnig. Ulitin mo mag-isa mo!" Pang-inis niya.
"Serena!" He shouted.
"Sabi ko HINDI MO NA KAILANGANG MAGSELOS KASI IYONG-IYO NAMAN NA TALAGA AKO!"
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
General Fiction[ SAAVEDRA TWINS - JAIROS ] Serena is living a peaceful life. Mayroon siyang magandang trabaho at nakasuporta ang pamilya niya sa lahat ng ginagasa niya higit sa lahat ay mayroon din siyang kasintahan na anim na taon na niyang kasama. She's contente...