"I want that, that and that!"
"Ok---" Serena stopped him. "Wait! I want that too! Gusto ko rin non! Please?" Pagpapacute niya. Napabuntong hininga si Jairos. "Just serve everything. Hindi naman halatang gutom ka hano?" He asked her. She looked at him with a smile.
"Siyempre lumangoy langoy ako doon tapos inaya mo ako dito kaya tama lang na busugin mo ako hano." She rolled her eyes. "Kung hindi lang talaga ako gumamit ng protection, aakalain kong buntis ka." He seriously said. "Y-you're scary! I'm not pregnant asshole. Ngayon na ngalang ako makakapagbakasyon hindi ko pa susulitin." Ika niya.
"Okay lang po ba yung visit niyo sir?" Napatingin si Serena sa nagsalita.
'Oh, it's that girl Anna again.'
Tumaas ang kilay ni Serena nang nakita niya ang ngiti ng babae kay Jairos. Mukhang ganadong ganado din ang ngiti ng lalaki. Kinurot niya ang binata.
"Ouch!" Tinarayan niya lang si Jairos. Naramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kanyang beywang. "Yeah, you're handling it well." He smiled at Anna.
Lalong kumunot ang noo ni Serena nang nakita niya ang pagpapabebe ni Anna. Hinawi pa ang buhok sa taenga.
'Ano siya? Dalagang pilipina?'
Naiinis siya sa naiisip niya. Gusto niyang ipatapon sa bermuda triangle ang babae.
"Jairos! Let's go. Nakaserve na ang pagkain." Hitak niya kay Jairos. Wala nang nagawa si Jairos kundi sumunod sa kanya.
"Stop talking to that girl Jairos." She seriously said. Napangiti ng wala sa oras si Jairos. "Why baby? Anna is kind. Masarap din siyang kausap." Pang-iinis niya kay Serena.
Iba talagang magselos ang babae. "Mabait?! So ano pa ako? Masamang babae ganon?" Pagtataray niya sa lalaki. "Stop acting like that Serena. I already told you why I'm like that with Anna." He said.
"Edi wow!" Sabat niya sa lalaki. Hindi niya alam. It's not like she's in a relationship with Jairos pero gustong-gusto niyang sa kanya lang ang atensyon nito. She's selfish, yes. "A-ayokong nakikita ka kasama siya. You look happy when you're with her." She bit her lower lip.
Jairos caressed her face. "Serena." Hinawakan niya ang baba ng babae at tinaas. Nagkatitigan silang dalawa. Serena closed her eyes. Nararamdaman niya na ang hininga ng lalaki.
"Sir, nandito na po ang pinaserve ninyo."
Agad dumilat si Serena at lumayo sa binata. Jairos just stared at her. "K-kumain na tayo. Mukhang masarap lahat." She smiled at him. Napabuntong hininga lang si Jairos.
Natapos silang kumain nang walang nagsasalita. Hindi alam ni Serena kung anong sasabihin niya.
'Ang harot harot mo talaga Serena! Ipinikit mo pa talaga yung mata mo! Aba hindi kana nahiya!'
Napapikit siya sa naisip. "Is there something wrong?" Tanong sa kanya ng lalaki. Umiling siya.
"Jairos, about what happened---"
"I know. Wala lang naman ata sa'yo 'yon." Jairos smiled. Hindi niya alam pero parang ang lungkot ng ngiti ng binata. Nasaktan siya sa nakita. She can feel her heart breaking.
"Jairos. It's not like that." She bit her lower lip. "You don't have to explain Serena. Hindi mo ba naalala yung sinabi ko sa'yo? I will make you mine. Your lips. Your body. Your heart. I will make you mine Serena." He said while intently looking at her eyes.Kumabog ang puso ni Serena. Sikreto siyang napangiti. Ngayon niya lang naisip, napakasuwerte ng babaeng mapapaibig si Jairos. Very lucky.
"Nga pala, humingi na ako ng isa pang kwarto para sa'yo. Samahan na kita--"
BINABASA MO ANG
Her Greatest Downfall
General Fiction[ SAAVEDRA TWINS - JAIROS ] Serena is living a peaceful life. Mayroon siyang magandang trabaho at nakasuporta ang pamilya niya sa lahat ng ginagasa niya higit sa lahat ay mayroon din siyang kasintahan na anim na taon na niyang kasama. She's contente...