Steff's POV
He wanna court me? Samantalang nililigawan niya si Cindy. Such a playboy!
Di na nagbago. Tuluyan ng lumabas ang tunay na kulay. Bakit kaya pinatagal niya pa yung relasyon namin non bago niya ipakita kung gaano suya karumi maglaro ng feelings ng mga babae? Bwisit
"Steff, can we talk?" nagulat ako nang biglang lumapit sakin si Kael
Andito ako ngayon sa library nakatambay dahil katatapos lang ng klase ko
"If that's about Luke again, wag na" at inalis ko ang tingin ko sakanya
"May napapansin ka ba kay Luke?" nagtanong parin talaga siya
"Oo. Na grabe pala pagiging babaero niya. Pakisabi lang ha, tigil tigilan na niya ako"
"Ssshhhh" ay shet napalakas ata boses ko at pinuna ako ng mga tao dito
"Kung pwede rin sana layuan mo narin siya?" sabi niya nang umupo siya sa tabi ko
"What? You don't have to tell me na lumayo dahil yun naman ang ginagawa ko. Yang kaibigan mo ang lapit nang lapit. Bakit ba ako yung kinakausap mo?" nakakagulat ha, ako pa talaga ngayon yung dapat lumayo? Hindi ba yun naman yung ginagawa ko?
"Sorry if Luke's has been acting like that"
"At bakit ka nagso-sorry?"
"Wala... naisip ko lang na,,, baka nakakaabala na lagi siya sayo"
"Oo. Sobrang nakakaabala. Kaya pagsabihan mo siya ha?" pagtaray ko at umalis na
Nakakasira ng mood. Halos araw araw nalang ba? Hindi na nga tayo magkaka-department ginugulo niyo parin ako
"Oh, Steffy girl" kung sinasagad nga naman ako ng kamalasan, nakasalubong ko pa ngayon sa hallway tong si Cindyrella
"Excuse me? Close ba tayo?" kapal ng mukha maka-Steffy girl
Napatingin ako sa paa niya, nakasandals lang siya at may bandage
"Ah... nainjured kasi ako sa date namin ng suitor ko, si Luke, kahapon buti nga inalalayan niya ako e binuhat niya ako. Awww so sweet talaga diba?" tigil tigilan mo ako sa kaartehan mo mahahambalos kita
Nag-make face nalang ako at naiirita ko siyang sinagot, "Who.... cares?"
Napabuntong hininga siya at halatang nagpipigil ng inis pero bigla din siyang ngumiti at umalis
Ah, baka yun yung sinasabi sakin ki Gia na nakita niya, nagdedate pala sila non.
E BAKIT AKO AFFECTED?
LUH GAGA DI AKO AFFECTED
LUH BRUHA KINAKAUSAP SARILI
Bwisit nakaka-aning
———
Luke's POV
Nakaupo lang ako dito sa hagdan at nakatulala. Iniisip ko parin si Steff. Sayang siya, pero ang gara ng ugali. Parang lagi siyang galit sakin e wala naman akong alam na nagawa kong di maganda sakanya. Unang pagkikita palang namin ganun na siya sakin.
"Hey Luke!" and here's the exact opposite of Steff, si Cindy, na unang kita palang namin sobrang bait na and until now ganun parin siya sakin.
"Tulala ka dyan ah. Did something happen?" at nakiupo narin siya sa tabi ko
I smirked and answered, "I just got dumped" medyo patawa kong pagkasabi, nakakahiya kasi
At tumawa lang siya nang malakas
"BUSTED KA? AHAHAHHAHAH NINO?""Sshhh" I covered her mouth, "Talagang ipagsisigawan mo pa kahihiyan ko ha,,,, si Steff" bulong ko
"Steff? You mean si Steff ng School of Accountancy? You tried to court her?!" gulat niyang pagkasabi and I nodded
"Bakit mo naman ginawa yun? I told you wala kang mapapala dun e. May galit ata sa mundo yun, ano kayang nagustuhan mo dun?" pagtataray niya
"I just tried kung magwo-work ba, pero... wala pala talaga"
"Alam mo ba nakasalubong ko siya kani-kanina lang. Wala naman akong ginagawa pero inirapan ako. May mali ata talaga sa ugali non e" kwento niya. Ganun kaya siguro talaga si Steff? Nakaka-turn off
"Alam mo kung ako sayo, ako nalang ligawan mo HAHAHA CHAROOT" at napatingin ako sakanya, ang lakas niya tumawa nakaka-good vibes, ang cute
"Ganyan ka na talaga tumawa?" natatawa kong pagkasabi, yung seryoso kong mukha kanina na nalulugmok ayun biglang nagbago, nakakatuwa kasi tong si Cindy
"Oh bakit mo naman pinansin yung tawa ko? KJ nito HAHAHA" and there she goes again, nakakadala yung tawa niya
"Ayseees. Crush mo ko? Bat ganyan ka makatingin? Mapasukan ng langaw yan HAHAHA" sinara niya yung bunganga ko
Di ko naman namalayan na napatitig na pala ako sakanya nang nakanganga dahil nga nadadala ako sa tawa niya lol
"HAHA feeler ka rin minsan e noh?" pambasag ko sakanya haha
"Whateveeer. Basta sabi ko sayo, ako nalang ligawan mo :P" at binelatan niya ako HAHAHAH parang bata lang ay
Makulit at cute
Sana si Steff din
Putek! Si Steff nanaman naisip ko. Kailangan ko na siyang kalimutan. Tama na yung nabusted na ako once. Nababadtrip lang ako pag naaalala ko kung paano siya umasta sakin e.
"Oh, natahimik ka. Ano? Iniimagine mo na ba na ako yung girlfriend mo? Hahahah" biglang sabi ni Cindy. Ano ba yan nawawal nalang ako sa sarili ko nang basta basta.
"HAHA thanks but no, thanks" pang asar ko
"What the fudge? Did you just dump me as well?" napipikon na pagkasabi niya, ang cute talaga haha
"Haha ewan ko sayo" sabi ko nalang at tumayo na dahil may next class pa kami
———————————————————
Ang toxic sa twitter kaya napa-update nalang ako lol
Vote and comment :>
BINABASA MO ANG
Unforgotten Feelings
Hayran KurguLuke (Lance) has a selective amnesia due to an accident. He lost some of his memories that includes extreme emotions, the most traumatic and the saddest memories - which includes Steffanie (Ashley), his ex. Luke himself isn't aware that he lost some...