Chapter 5: The New Girl

270 9 5
                                    

Luke's POV

"Luke? Omg, hi"

"Kilala mo ako?" Ang weird. Bigla bigla nalang akong tinatawag sa pangalan ko ng mga taong di ko naman kilala

"Don't tell me you forgot me na. Pero kung sabagay, once palang naman tayong nagmeet" I literally have no idea kung sino siya

"So you don't remember me na nga talaga? It's me, Cindy. We met 2 months ago sa bar, hellooo? Naalala mo na?" 2 months ago sa bar? Kailan yung sinasabi niya? Wala akong maalala

"Okay fine if you can't recall me, kunwari nalang first na pagkikita nito. So umm,,, hi, I'm Cindy" she smiled and offered a shake hand

"Luke" at nakipag-shake hands ako sakanya

"Dito ka rin pala magaaral for college? Anong course mo?" She asked

"Yah. Engineering"

"Oh, Architecture naman ako. We're in the same department pala. Siguro magiging magkaklase tayo sa ibang subjects" ang joyful niya ba o sadyang madaldal lang?

Oh shoot

May klase nga pala ako at late na ako

"Sige, mauna na ako may klase pa ako e. Nice meeting you Cindy"

"Wait, sabay na ako sayo. Pareho lang naman tayo ng pupuntahan e. At may klase narin ako"

———

So ayun, typical na first day of school. Introduce yourself at orientation about the rules and regulations ng university. Boring.

Good thing I have Cindy as my companion. Sabay ang break namin. Magkaklase kami sa tatlong subject. Pero ngayon andito kami sa cafeteria para kumain.

"May I ask kung may girlfriend ka?" she asked

"Wala"

"Oh, so wala na nga pala talaga kayo"

"Ha?" anong ibig niyang sabihin? E hindi pa naman ako nagkakagirlfriend.

"Ha? ah... eh,,, I mean wala ka pang naging girlfriend?"

"Haha wala pa"

"Talaga?"
I nodded

"Bro!" andito na pala si Kael

"Kael?" What? Kilala niya rin si Kael?

Medyo nagulat si Kael nang makita niya si Cindy

"Uh... Cindy." kilala siya ni Kael?

"Buti naman you still remember me. Unlike this one here"

"Magkakakilala na ba tayo?" I asked

"Nameet natin siya minsan sa bar, bro. Baka di mo na maalala kasi medyo matagal na yun" Kael.

"Bili lang ako ng pagkain ko" Kael

"Sama ako" Cindy

"Bibili ka rin? May pagkain ka na a"

"Umm, parang gusto ko kasi ng chocolate e, pangtanggal ng umay"

At umalis na sila.

Magisa ko lang dito sa table at nakita kong kadadating naman ni Steffanie dito sa cafeteria. Si miss beautiful na masungit.

"Steffanie!" I waved at her

Ang sama ng tingin sakin ng kasama niya ah. Mataray na si Steffanie, pati din pala friend niya? Lol

Unforgotten FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon