Luke's POV
Tatlong araw na simula nang di tanggapin ni Steff ang panliligaw ko dapat at simula din non ay hindi na kami nagpapansinan. Nahihiya at naiilang na akong lumapit sakanya dahil alam ko naman na ang mangyayare, ipagtatabuyan at ipapahiya niya lang ulit ako.
Pero sa kabaliktaran naman, si Cindy, ayun ganun parin sobrang kulit at sobrang bait sakin. At araw araw ko paring iniisip na sana ganun nalang din si Sfeff.
Pero bakit pinipilit ko na sana si Steff ganun diba, ganyan ganyan. Kung lahat naman pala ng gusto ko sa isang babae ay nakay Cindy?
Lately, masyado ko ng iniisip sina Cindy at Steff e. Minsan nga parang sasakit nalang talaga ulo ko sa pagiisip.
"Bro, bakit dito mo naisipan mag aya?" tanong ni Kael nang magkita kami dito sa harap ng Lovers Bar. Inaya ko kasi siya dahil nalilito ako sa pagkagusto ko kay Steff na nakay Cindy ang traits na gusto ko. Ang gulo.
"Ayaw mo ba? Haha tara na" tawag ko sakanya at pumasok na kami
*unusual noise*
"A-ARAY" biglang sumakit ang ulo ko nang makapasok kami, nabigla siguro ako sa ingay at mga ilaw
Sobrang sakit na bigla!
"Bro! A...araay" pag-inda ko pa, inalalayan lang naman ako ni Kael
"Umalis na tayo" sabi niya
Biglang parang may nagflash na ilaw sa bawat pagbukas ko ng mata ko, parang nagiiba iba yung nakikita ko, yung bar at itong same bar din pero with different people
Bigla rin namang nawala ang sakit ng ulo ko at kumalma na ulit
"Okay lang ako bro" sabi ko at agad na humingi ng tubig
"Bro umalis na tayo dito" pagpupumilit niya
"Bro ano ka ba. Andito na tayo e, okay naman na ako"
"Ano ba kasing gusto mong pagusapan?"
"Girls" patawa kong sabi
"Wow bro ha, may babae ka na bang nagugustuhan ngayon? Haha" at nasa mood na si Kael
"Ayun nga bro, I like Steff. Pero not her attitude. I don't like Cindy as a girlfriend pero her attitude? Girlfriend material tol"
Napansin kong natahimik si Kael at nagshot nalang
"Uy bro? Wala man lang comment?" tanong ko nang makashot siya
Napalunok nalang siya at nagsalita rin, "Alam mo bro kung nalilito ka simple lang yan e, wag mong pansinin. Wag mo silang isipin. Hindi rin lang magwowork kung ngayon palang nalilito ka na"
"Ayaw mo lang ata talaga akong magkasyota e haha mapagkamalan pa akong bakla nito" oo nga naman, di parin ako nagkakagirlfriend tapos ngayon na may nagugustuhan ako complicated naman?
———
"Can I court you?" diretso ko agad sabay ng pagabot ko ng bouquet of roses
Nagisip isip ako kagabi
Ang sabi ni Kael, pass muna
Pero wala e, di maalis sa isipan ko
"I'm serious, Cindy" dagdag ko pa
Oo, si Cindy nga. Alam kong magwowork kami. Napagisipan ko na to kagabi. Hindi mahalaga kung kanino ako unang naattract, hindi mahalaga kung kanino ako mas nagagandandahan. Ang mahalaga, yung kalooban. At the end of the day hindi naman sa looks ako makikisama e kundi sa ugali ng magiging partner ko. At yun ang meron si Cindy.
"Luke... is this for real?" halos di makasalita si Cindy sa gulat. Kinakabahan din ako sa kung anong magiging sagot niya.
I nodded as a response
"Oh my God ofcourse yes! Hahayaan kita na ligawan ako" did I hear it right? Pumayag siya! I knew it!
I hugged her right away, "Thank you for letting me. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko sayo" I'm so happy. Finally, hindi na ako maguguluhan pa.
Steff's POV
Paakyat ako ngayon ng hagdan dahil kikitain ko si Gia sa library, sa pinakataas kasi yun ng building.
At nang paliko na ako sa susunod pang hagdan, napatigil ako nang makita ko sina Luke at Cindy dun nang magkayakap.
Agad naman akong umatras at nag stay sa mas ibabang hagdan para makinig (hindi ko alam kung bakit ito yung bigla kong ginawa e, seriously? Kailangan ko pa sila talagang marinig?"
"Thank you for letting me. Hayaan mong patunayan ko ang sarili ko sayo" Luke. Para akong sinaksak sa puso. Kahit alam ko namang meron na talaga silang something, witnessing this scene with my own eyes and ears, masakit parin pala.
Apektado parin ako, Luke. Bakit ganun?
Parang hindi ko na kakayanin kung marinig at makita ko pa ang mga pwede pang mangyare kaya hindi nalang ako nagtuloy at bumaba nalang sa department namin
Dumiretso ako sa cr, pumasok sa cubicle, umupo sa toilet at umiyak.
Bakit ako umiiyak? Ganito ako kaapektado? Hindi ko alam basta umiyak nalang ako nang umiyak
Inaalala ko lahat ng memories namin ni Luke. Ganun siya e. Ganun na ganun siya ka-genuine sakin. Pero dati yun. Sa iba na pinaparamdam ni Luke lahat ng yon. Masakit parin pala.
"Steff? You there?" kinatok ni Sammy ang pinto ng cubicle kung nasaan ako, bakit to andito sa building namin?
Nagpunas agad ako ng luha, huminga nang malalim at kumalma
"Umm yeah" lumabas na ako at agad na naghilamos
"Are you crying? Okay ka lang? Aayain ko sana kayo ni Gia maglunch pero nakita kitang tumatakbo papunta dito. May nangyare ba?" sunod sunod na tanong niya habang hinahaplos ang likod ko
"Masakit parin pala, Sammy. Seeing her so inloved with other girl." napalunod ako at napailing "Di ko parin pala kaya"
She then hugged me, wala siyang sinabi. Niyakap niya lang ako at pinakalma.
———
Cindy's POV
Oh. My. God.
I can't believe it's actually happening na!!!
He officially confessed his love sakin, haaaays kinikilig ako at sobrang saya!
The long wait is over, my dear Luke.
"So paano na si Steff?" Shane asked
"Duh? Obviously, wala ng Steff. Burado na siya, girl. Now it's just me and Luke" sagot ko in a very masigla way
Andito kami ng mga friends ko ngayon sa cafe malapit sa school. A little celebration for my plan's success.
Patagalin natin ng konti panliligaw mo Luke ha? Para naman hindi masyadong halata LOL.
————————————————————
Last update for tonighttt :>
Vote and comment
![](https://img.wattpad.com/cover/199805644-288-k825885.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgotten Feelings
FanfictionLuke (Lance) has a selective amnesia due to an accident. He lost some of his memories that includes extreme emotions, the most traumatic and the saddest memories - which includes Steffanie (Ashley), his ex. Luke himself isn't aware that he lost some...