*Flashback: High School Days*
Kael's POV
It's our summer vacation pero 2 weeks nalang naman ay pasukan na ulit, pero di na ako makahintay na makita ulit yung matagal ko ng crush na hanggang ngayon natotorpe parin ako — si Steff. Magkaklase na kami since 1st year high school and since day one, nakuha niya na agad ang atensyon ko, napakaganda niya kasi at hindi yun kumukupas. Sa mga sumunod na buwan at taon pa mas lalo akong nafall sakanya dahil naobserbahan ko kung gaano siya kabuting tao, siya yung tipo ng babae na pag napasayo di mo na gugustuhin pa na mawala kasi jackpot ka na sakanya e sobrang swerte mo na sa kanya, wala ka ng hahanapin pang iba. E kaso dahil since day one crush ko na siya, hindi ako makalapit lapit dahil nakakatorpe nga kasi. Makausap ko lang siya kinakabahan na ako, bumibilis na yung tibok ng puso ko, andyan nanaman yung mannerism ko. Straight naman ako pero pagdating sakanya para akong nababakla.
Nakita ko sa IG story niya na nasa mall siya ngayon with her friends kaya eto ako ala-stalker ang dating, sinundan ko siya dito sa mall at nakita ko siya
*__*
Hays sobrang ganda
*phone rings*
"Hello hijo? Hindi ka ba sasama sa airport?" tumawag si tita Elaine, my bestfriend's mom
"Ah sasama po tita sige po susunod na po ako" ngayon nga pala yung dating ni Luke from States, he's my childhood bestfriend and lumipat siya ng States nang mag highschool kami, pero nahomesick siya kaya eto kalagitnaan ng highschool biglang umuwi haha
"Uy Kael!" bigla akong nataranta nang may lumapit at tumawag sakin — si Gia, at kasama niya sila Steff na lumapit sakin. Nakatingin sakin si Steff kaya kinabahan nanaman ako punyetang kabadingan to kaya di ako makaamin amin kay Steff e
"U-uy" at pinilit kong ngumiti
"Andito ka rin pala" aaahh yung puso ko! Ayan na kinausap nanaman ako ni Steff shet bat ang ganda mo?!
"A-ah... o-oo... pero paalis narin ako sige bye" at nagmadali na akong umalis
Hays
Ang hirap ng ganto
Pagdating na pagdating ni Luke magpapatulong ako sakanya para makaporma na ako kay Steff
Pumunta na ako ng airport at baka hindi ko pa sila maabutan dun dahil anong oras na, inuna ko pang lumandi sa mall nang wala naman talagang nangyare haha
Nakadating na ako dito sa airport at sakto naman na kalalabas din ni Luke
"Bro!" pagsalubong ko sakanya at nag fist bump kami
"Uy bro! Naks lalong gumwapo ah. Mukhang may chix ka na haha" sabi niya. Sana nga may chix e kaso torpe e.
Nang makauwi kami sa bahay nila ay nagkwentuhan kami ni Luke habang inaayos niya ang gamit niya at tinulungan ko narin naman siya
"Ano bro? Baka may syota ka na nang di ko alam ha" biro niya
"Sana nga meron e kaso bro natotorpe ako haha"
"Ohhh weak"
"Tulungan mo naman ako sa gusto kong ligawan bro, sa pasukan ha?" dun narin kasi papasok si Luke sa school namin at siguro magiging kaklase ko rin siya. I know this time di na ako totorpehin kay Steff.
"Sus sige ba. Madali lang yan e" at ngayon, may lakas na ko ng loob
———
"Uy bro asan na crush mo?" Luke. First day of school at tama nga ako, kaklase ko siya, kaklase namin siya ni Steff
"Wala pa e" sagot ko. Nakaupo na kami pero nakaabang kami sa bawat papasok sa pinto ng classroom para pagdumating si Steff, maipaalam ko agad kay Luke
*__* AYAN NA SIYA
"Bro" tawag ko kay Luke pero pagtingin ko sa tabi ko ay wala na siya
O__O KAUSAP NA NIYA SI STEFF?!
Paano niya nalaman na siya yung crush ko? Bestfriend's instincts? May ganun ba?
"Bro paano mo—" salubong ko kay Luke pagbalik niya
"Kita mo yung ginawa ko? Ganun dapat diretchahin mo agad para alam agad ng babae na may motibo ka at nasa babae na yun kung ieentertain ka niya o hindi"
"Aah" demo niya lang pala yun
"At yun tol? Yun yung gusto ko, kaya watch and learn sa pagsuyo ko sakanya. Alam ko na nga agad yung pangalan e, Steffanie" Luke
Nagulat ako sa sinabi ni Luke
Anong ibig niyang sabihin? Type niya rin si Steff?
Napalunok nalang ako dahil di ko na alam kung ano pang mangyayare at kung paano na ako nito — sariling bestfriend ko karibal ko?
"E asan na ba yung crush mo?" tanong niya
"Ah... wala pa. Baka nalipat ng section?" sabi ko nalang
———
Lumipas ang ilang linggo at ilang buwan, napalapit din ako kay Steff
Pero hindi dahil hindi na ako torpe pero dahil malapit na sila ni Luke sa isa't isa. In fact, one month na siyang nililigawan ni Luke.
Hanggang ngayon hindi ko pa sinasabi kay Luke na si Steff yung babaeng gusto ko. Ngayon pa ba? Kung kailan lumalalim na yung samahan nila? Hindi lang sila yung masisira ko pag nagsabi ako kay Luke kundi pati ang pagkakaibigan namin. He's my buddy since namulat ako sa mundo, after all.
At everytime na hinahanap at tinatanong niya yung crush ko, ang sinasabi ko nalang di ko na siya nakikita baka kako lumipat na ng school.
*End of Flashback*
"Need a friend?" nakita ko si Steff na kapapasok sa cafeteria habang hinaharana ni Luke si Cindy. Alam kong hindi siya okay sa nakita niya at ayoko rin naman na makita niya si Luke na nahuhumaling sa iba. Even though gusto kong makalimutan niya na yung feelings niya kay Luke, di ko rin naman kaya na makita siyang umiiyak at nasasaktan.
But Steff, that's why I'm here, tutulungan kitang makalimutan si Luke at mawala lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon
"Kael?"
"I know you're not okay. Ayos lang ba kung samahan muna kita? We're still friends naman diba?" sabi ko at umiling naman siya
"Thank you" mahinahon na pagkasabi niya nang tanggapin niya ang panyo ko
———————————————————
Okiii to be continued ulit ang chikahan ng dalawa hahahaha. 50 votes maguupdate ako ulit :P
![](https://img.wattpad.com/cover/199805644-288-k825885.jpg)
BINABASA MO ANG
Unforgotten Feelings
FanficLuke (Lance) has a selective amnesia due to an accident. He lost some of his memories that includes extreme emotions, the most traumatic and the saddest memories - which includes Steffanie (Ashley), his ex. Luke himself isn't aware that he lost some...