Chapter 21: The Moves

295 13 4
                                    

Steff's POV

Hindi namin namalayan ang oras sa panonood, 12:15 na pala ng hatinggabi. Kasabay nang di ko pagkapansin sa oras ay ang panandalian na pagkalimot ko sa lahat ng masamang nangyare sa araw ko.

"Thank you talaga Kael ha? I really appreciate it" sabi ko kay Kael bago siya lumabas ulit sa bintana

"Basta if you need a friend, andito lang ako" and he smiled at me

"Sige na, ingat ka"

"Thanks Steff. Bye" at umalis na nga siya. Pagkababa niya ay sinilip ko pa siya sa labas from the view of my window, he waved at me at ganun narin ginawa ko sakanya

Sa ngayon, I can really say na makakatulog ako nang mahimbing at magaan. Sana talaga lagi nalang ganto. Ito siguro yung mismong feeling pag totally naka move on na. Siguro tama talaga si Kael, he's the type of friend that I need now.

———

"Anak... may sundo ka?" Mom. Patapos na ako sa paggagayak ko at papasok na ng school

"Po?"

"Hi Steff"

"K-Kael?" si Kael nga. Sinusundo niya ako? Kailangan ba yun sa phase of moving on keme ko?

"Sabay na tayo pumasok?" Kael

"Paano mo nalaman yung oras ng pasok ko ngayon?"

"Nasabi mo sakin kagabi, remember? Haha" Kael. Ah oo nga pala. Feeling ko naman stalker siya, sus, feeler ka kahit kailan Steff.

"Ah. Haha. Kunin ko lang bag ko sa kwarto, wait" he nodded at nagpunta na nga ako sa room ko

Sinundan naman ako ni mommy dito, "He's a friend of Kael, right? What's going on between you two?" ito talagang si mommy, malisyosa.

"Ma, he's my friend as well po. That's it. Nothing more special" at nagbeso na ako sakanya para makaalis na

"Let's go?" aya ko kay Kael pagkababa ko sa living room

"Una na po kami, tita" paalam niya kay mommy

"Anak sure ka ha?" pahabol pa ni mommy hahaha

"Opoooo. Sige na ma" and there finally nakalabas narin ng bahay haha ang kulit ni mommy and at the same time cute

"Ano yung sure?" Kael

"Walaaa. Bakit mo ba ako sinundo?" tanong ko nang makasakay kami sa kotse niya

"Just making sure na hindi ka malalate. Baka kasi kako late ka na magising dahil napuyat ka kagabi" Kael

"Sanay naman na akong mapuyat e haha" well sanay naman na talaga ako ever since Luke and I broke up — ikaw ba naman every night nalang mag overthink sa lahat ng nangyare samin e, makakatulog ka kaya nang maaga at mahimbing? First time nga talaga kagabi na nakatulog ulit ako nang maayos

———

Luke's POV

"Bro!" hindi niya ata ako narinig. Kakarating ko lang ng school, andito pa ako sa parking at nakita ko naman na kakarating lang ni Kael.

Papalapit na ako sakanya nang biglang may pinagbuksan siya at lumabas si... si Steff???

Lumabas si Steff sa kotse ni Kael?

Bakit naman kailangan sabay pa silang pumasok? Ano bang meron sakanila para sunduin siya ni Kael?

Umatras nalang ako at tumalikod na

"Uy Luke!" tawag sakin ni Kael. Too late, napansin niya na pala ako kaya lumapit nalang din ako

"Aga mo ah. Hapon pa naman klase mo ngayon diba?" tanong ko

"Hinatid ko lang naman si Steff" bakit naman? — gusto ko sanang itanong pero wag nalang

Napatingin ako kay Steff pero sa malayong tanawin naman siya nakatingin. Iniiwasan niya ba ako? Umpisa palang iwas na iwas na siya sakin pero si Kael? Talagang sinundo at hinatid pa siya?

Pero ano naman... may Cindy na ako, pwede ko rin ihatid sundo.

"Una na ako bro, hinahanap na ako ni Cindy e" palusot ko at umalis na

———

Steff's POV

"Okay ka lang?" tanong sakin ni Kael pagkaalis ni Luke

Napakunot naman muna ako ng noo ko, "Oo naman, bakit?"

"Walang kahit anong bitterness?" paniniguro niya at talagang tiningnan niya ako sa mata

"Syempre slight meron parin. Pero you know what? First time na nakaencounter ko siya ulit ngayon na medyo magaan naman sa feeling. Yung pagmomovie ba natin kagabi is some sort of therapy or something? Haha kasi feeling ko effective siya ha" patawa kong pagkakasabi which is really true. Kagabi pa magaan yung pakiramdam ko.

"I told you, ako ang friend na kailangan mo" and he winked. Napatawa nalang naman ako.

It's a brand new day to be GENUINELY happy, again — I know I deserve it. Ramdam kong ito na ang simula ng totoong pagmove on ko. Babalik na yung dating Cindy before Luke happened. Yung Cindy na stress free at lagi lang masaya.

"Ay wait lang, naiwan ko ata yung tumbler ko sa car mo" ang tanga ko naman talaga. Andito na kami sa building saka ko pa napansin na wala akong bitbit na tumbler.

"Dito ka nalang. Ako na kukuha" sabi niya at umalis na. Andito kami ngayon sa hallway kaya tatabi na muna ako sa gilid nang biglang— "Ouch!" wtf? May nakabunggo sakin mula sa likod ko. Siya na nakabunggo siya pa may ganang sumigaw nang ouch ouch na yan pakaarte.

"Pwede ba? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo" well hindi na ako surprised. Yung maarteng Cindy naman pala tong nakabunggo or maybe nangbunggo pa saakin.

"Anong sinasabi mo? Hindi ba ikaw yung bulag dyan?" ugh calm down, Steff. Ang ganda ng simula ng araw mo, don't let that hoe ruin it.

"Didn't you hear? I said OUCH diba? Clearly, nagstep forward na siya sakin na halata mong mag balak e and I saw her closed her fists ako yung nasak— UH..." ano nanaman to? Tapang tapangan tapos sa kalagitnaan ng sentence niya biglang magsasakit sakitan? Bigla nalang siyang napahawak sa braso niya at kunwari nanghihina sa sakit. Baliw ba to?

"Cindy!" kaya naman pala biglang naginarte si ate girl. Dumating ang kanyang knight in shining armor, Luke. Bagay nga sila, parehong marunong umarte.

"What's happening here?" tanong nang nagaalalang Luke Sebastian *insert my roll eyes*

"Siya kasi eh. Nabunggo niya na nga ako hindi pa marunong magsorry. Masakit kaya" ay pabebe amp, kadiri

"Wow girl, story maker ka pala?" Di ko masikmura kaartehan ng babaeng to

"Steff, please" at nagaawat kuno si Luke. Oh please din, hindi ako papatol ng away dyan sa pokpok mo.

"Anong nangyayare dito?" now here comes the true hero, Kael.

"Wala. Just a mere misunderstanding. Thank you for this pertaining to the tumbler I have to go, may klase pa ako" umalis nalang ako kaysa magtagal pa ako sa nakakarinding eksena na yun. Di naman ako aware na pati pala yung pokpok niya, best actress din. Relationship goals ba? Ah, RelationSHIT goals.

Okay enough Steff! Maayos ang mood mo kagabi pa, i-maintain natin yan sis for our own good. Hingang malalim tapos rampa ulit.

———————————————————

Yeyyy! Nakapag-update din. Salamat po sa mga patuloy na nagaabang ng bawat kaganapan wahahhaha

Vote and comment :>

Unforgotten FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon