3 : W E . M E E T . A G A I N

45 11 0
                                    

CHAPTER 3

Makalipas ang ilang taon at naging trainee na si Lia sa JAT.

LIA's P.O.V
     Hanggang break time pa namin, maghihintay muna ako rito sa café sa harap ng JAT na nagba-bakasakaling makita ko si Hyunjin, mahilig kasi yun magkape.

5 minutes later...

O? Parang familiar yung likod na yun ah, tingnan ko nga muna kung sino.... AY si Hyunjin!  Lumabas ako ng café at tinawag ko siya, pero mukhang hindi niya ito narinig.

(━┳━ _ ━┳━)

HYUNJIN's P.O.V
    Yey! Breaktime na rin namin sa wakas! Hay salamat! Pupunta kami ni Changbin hyung sa café na paborito naming puntahan.

Habang papunta kami sa café, may familiar na mukha ang nakita ko, si Lia. Bigla kong hinila pabalik si Changbin hyung. Bakit siya narito? Baka may hinihintay na someone? O baka sinadya niya ito para lang makita ako? Hays.

(¬ _ ¬)

"O, bakit?", tanong ni Kuya Changbin.

"Balik na tayo", sagot ko.

"Bakit nga?", naguguluhang tanong ni Kuya Changbin

Aba'y ang kulit ah.

"Nakita ko si Lia", sagot ko.

"O, ano naman kung nandoon siya?", tanong ni Kuya Changbin.

"Basta! Sa ibang coffee shop nalang tayo bumili ng kape", naiinis na sagot ko.

"Hayss..", Kuya Changbin

"Hyunjinnn!", malakas na sigaw sa distansiya.

( > _ < )

Patay. Si Lia yun tumawag saakin no?

"Tinatawag ka", bulong ni Kuya Changbin.

"Shh. Lakad nalang tayo, 'wag kang titingin", utos ko kay Kuya Changbin at nagmadaling lumakad.

( ≧Д≦)

Ano bayan! Ba't pa sa paboritong store pa namin siya naroon? Sa tingin ko, sinadya nya yun kasi alam niya na paborito kong uminom ng kape. Alam niya rin sa JAT na ako nagt-trabaho kaya pumunta siya sa malapit na coffee shop. Ano kailangan niya? My gash!

Habang naglalakad kami, may biglang humawak sa braso ko. Si Lia, mukhang pagod na pagod kakatakbo para lang maabutan kami.

( > _ < )

"O, Lia?", tinanong ko sa kanya na para bang ngayon ko lang siya nakita.

"Hi, Hyunjin at kuya Changbin!", hinihingal na bati niya sa amin.

( o )

O, kilala niya si Changbin? Baka ganon na yata kami kasikat kaya alam niya. HAHAHAHA joke!

"Kilala mo ako?", gulat na tanong ni Kuya Changbin.

"HAHAHA! Oo naman po", hinihingal pa rin na sambit niya.

Ano bayan!

"Bakit, Lia? Eto, panyo. Pasensya na wala akong tubig", sabi ni Kuya Changbin at kinuha yung panyo sa bulsa niya at binigay sa kanya.

"Ay salamat po!", nakangiting ani Lia.

Yan kase tatakbo-takbo pa. Kung hinintay niya nalang kaya kami parang ano rin, eh noh? For your information, nakapagmove-on na ako kay Lia. Matagal na.

Pero buti na lang at nandiyan si Kuya Changbin kasi kung hindi, baka ako pa magbibigay ng panyo sa kanya. 
Ayaw ko lang na isipin niya na gusto ko pa siya. Naglalakad na kami papuntang coffee shop.

"Ba't mo kami hinabol?", tanong ko sa kanya.

"Wala lang", matipid na sagot niya.

"Ba't ka pala nandito?", tanong ko ulit sa kanya.

"Bakit, bawal ba?", matipid na sagot niya ulit.

Aba? Kanina ka pa ah, alam mo ba yun? Nakooo. Attitude ka gurl? Ha, attitude ka? Kung saakin lang yung panyo na pinahiram sa'yo ni Kuya Changbin ay kukunin ko na. You're getting on my nerves, Lia. Unti na lang talaga.

"Hindi naman, natanong ko lang", sagot ko na pinipigilan ang pagka-inis.

"Trainee na ako sa JAT", biglang sambit ni Lia habang nagpupunas ng pawis.

⊙0⊙

"Trainee na ako sa JAT"  WHATTTTTTTTT? Trainee siyaaaaaa? Bakitttttttt? Ahh, oo nga pala. Noong kami pa ni Lia, habang naglalakad kami papuntang eskuwelahan, kumakanta siya habang ako naman ay nagr-rap. To be honest, maganda boses niya. Pero sana magkaiba yung schedule namin para hindi kami magk-kita-kita. My gosh!

"Talaga? Galingan mo para makasama ka sa susunod na g-group", ani ko.

Pshhh.

"Siyempre", nakangiting ani Lia.

"Hinihintay mo ba kami?", tanong ni Kuya Changbin kay Lia.

"Ahh opo", sagot ni Lia.

"Kahit 'wag ka nang mag 'po/opo' Nagmumukhang matanda tuloy ako. HAHAHA", utos niya kay Lia.

"Sige, Kuya Changbin", sagot ni Lia.

"Ba't hinintay mo pa kami?", biglang tanong ko.

"Wala akong makasabay eh. Wala pa akong nakakaibigan. Since ikaw lang naman yung kakilala ko rito kaya hinintay na kita HAHAHAHA"

(﹏⊙)

Oops! Kaya pala. Ba't bigla akong naawa ah?

"Ayy, talaga?", gulat na tanong ni Kuya Changbin.

"Oo HAHAHAHA Tinawag ko si Hyunjin kanina, narinig niyo ba?", tanong ni Lia.

( > _ < )

I feel really bad for her right now. I shouldn't have done that. Pero kasalanan niya yan, kailangan niyang makipag-kapwa.You know, para magkaroon ng kaibigan.

"Talaga? Hindi namin narinig eh, pasensya na", sagot ni Kuya Changbin.

"Akala ko narinig niyo kaya iniba niyo yung direction ng pinupunthan niyo", ani Lia.

"Ahh, umalis kami kasi gusto naming i-try yung bagong bukas na coffee shop at baka masarap din", palusot ni Kuya Changbin.

"Ahhh.. Ganun ba?", ani Lia.

(*⌒∇⌒*)

Thank you, kuya Changbin, you're my life saver. Pumasok kami sa store at nag-order.

Lumipas ang ilang minuto...

Lumabas na kami at naglakad papuntang JAT Ent.

End of Hyunjin's P.O.V

End of Chapter 3

To be continued..

| T R O U V A I L L E | :  THE BEGINNINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon