15 : COLORFUL PARADE

30 7 0
                                    

CHAPTER 15

3rd Person's P.O.V
     Lumipas ang ilang araw ng paghihintay ay dumating din ang araw ng pinakahinihintay ng tatlo—ang kanilang comeback! Sa kasalukuyan, sila ay inaayusan para sa kanilang comeback stage.

"Woo! This is the day we've been waiting for!", masayang sigaw ni Djwane.

"Yuss! Kaya natin 'to, gals!", pagsasang-ayon ni Ella.

"Pagkatapos ng mahabang paghahanda ay sa wakas, dumating na rin ang araw ng comeback natin!", masayang ani Kyla.

"Ang gaganda niyo, girls!", paghanga ng kanilang mga makeup artist pagkatapos nilang ayusan ang tatlo.

"Dahil po 'yan sa inyong mga magical golden hands!", masayang ani Ella.

"Salamat po sa inyo at ginawa niyo po kaming magaganda!", masayang ani Kyla.

"Magvlog na tayo!", masayang ani Djwane kaya binigay na sa kanya ng staff ang isang camera.

"What's poppin', Darlingz? It's your Vitamin D here!", masayang bati ni Djwane sa camera. Lumapit si Kyla sa tabi niya at nag wave.

"Pfftttt!", bigla na lamang tumawa si Djwane nang malakas.

"Anong problema nito?", naguguluhang tanong ni Ella nang makita ang dalawa na tumatawa. Itinutok naman ni Djwane ang camera kay Kyla.

"Go, tell them your new introduction!", natatawang sabi ni Djwane. Naguguluhan pa rin si Ella.

"G'day, Darlingz! It's Pottrinum!", masayang bati ni Kyla sa camera. Mas lalong tumawa si Djwane nang malakas.

"What on earth is 'Pottrinum'? Parang mura naman!", sabi ni Ella na nagpatawa ng lahat ng tao sa loob ng kwarto maliban kay Kyla.

"Talaga ba?? Akala ko kasi maganda yun eh~", naka ngusong ani Kyla.

"Ano ba yun?", tanong ni Ella.

Inilibot ni Kyla ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto at nakita ang papel at ballpen. Kinuha niya yun at pinaliwanag ang ibig sabihin ng 'Pottrinum'.

"Unang tanong, saan ba nang galing ang salitang 'Pottrinum' ?

Ito ang aking sagot: Ang salitang iyan ay nang galing sa tatlong elements: ang Potassium, Yttrium, at Lanthanum", pagpapaliwang ni Kyla.

"Here we go again", mahinang ani Djwane.

"Pangalawang tanong, "bakit 'yang tatlong element ang pinili mo?"

Ito ang aking sagot: Yung symbol ng tatlong 'yang ay nag-sspell ng pangalan ko. Ang symbol ng Potassium ay K; Ang symbol ng Yttrium ay Y; at ang symbol naman ng Lanthanum ay La. Kaya pagpinagsama niyo ang tatlong 'yan ay mag-sspell sila ng KYLa, which is my name", tuloy na pagpapaliwanag niya. Nakatuon naman ang lahat sakanya habang siya ay nagsasalita.

"Eh masyadong time-consuming kung sasabihin ko pang Potassium+Yttrium+Lanthanum is equal to KYLa, kaya ginawa ko na lamang na 'It's Pottrinum!' Parang sinasabi ko lang din yung pangalan ko ", dagdag niya pa at ngumuso.

Biglang nawala ang mga tawa na napaloob kanina sa kwarto. Walang masabi ang mga tao sa loob. Umiling na lamang si Ella.

"Hays! Dami-daming magagandang introduction na magagawa mo, yan pa talaga yung naisip mo!", natatawang ani Ella.

"At least creative!", nakangusong ani Kyla.

"Ikaw, gawa ka na rin ng introduction mo!", sabi ni Djwane kay Ella.

| T R O U V A I L L E | :  THE BEGINNINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon