CHAPTER 11
3rd Person's P.O.V
Magaang bumangon ang tatlo kaysa sa karaniwan nilang oras na gising at agad na nag-ayos para sa kanilang practice sa JAT. Ngunit bago pa man sila pumunta sa JAT ay dumaan muna sila sa 8-Twelve para bumili ng energy drink dahil maaaring kakailanganin nila ito sa pagka't hindi pa sila nag-aalmusal.- | C O U N T E R | -
Naroon ang tatlo sa counter at pinapunch na ang kanilang mga binili. Pero hindi nila inaasahan na makasalubong ang Stray Kids sa kanilang paglabas sa 8 - Twelve.
"Oh, annyeonghaseyo~!", gulat na bati ni Bang Chan at sabay-sabay nagbow kasama ang Stray Kids.
"Annyeonghaseyo!", gulat na bati rin ng KMD at sabay-sabay ring nagbow.
"Paalis na ba kayo?", tanong ni Bang Chan.
"Opo, papunta na po kami sa JAT", nakangiting ani Kyla.
"Sabay-sabay na tayo? Lahat naman tayo papunta roon eh", alok ni Bang Chan.
"Ahh..S-sige", sagot ni Kyla.
Pumasok silang lahat sa loob ng 8 - Twelve. Naupo ang KMD habang hinihintay ang Stray Kids, na nakapila sa counter. Habang pinapunch ang mga kanilang binili, si Changbin ay biglang tumingin ng masama kay Kyla.
"Tss... kay kuya Bang Chan pumayag siya nung inalok siya pero noong nag-alok ako, aba'y tinanggihan ako. Psh! So unfair..", mahinang inis na sabi ni Changbin.
"Aba! Sinong papayag sa alok mo ah? Angkas? Ano ka baliw? Siyempre, hindi sila papayag lalo't na magc-comeback na sila. Tsk. Tsk. Tsk", umiiling na ani Hyunjin.
"Sabi ko na kasi sa inyo ay magdala tayo ng bike eh", umiiling na ani Felix.
"Malay ko bang andoon pa pala sila eh", nakangusong ani Han.
"Huy~ Anong pinagsasabi niyo r'yan? Changbin, ikaw na sunod na magpapa-punch, ilagay mo na yung mga binili mo r'yan", ani Bang Chan.
Lahat ng tao sa 8 - Twelve ay nakatingin kay Changbin, hindi niya mapigilan na mahiya habang linalapag ang mga binili niya. Pinagtatawanan naman ng tatlo (Han, Hyunjin, at Felix) si Changbin.
Pagkatapos noon ay lumabas na sila sa store at nagsimulang maglakad papuntang JAT.
"Galingan niyo sa comeback niyo ah", nakangiting ani Woojin.
"Oo naman po! Sobrang gagalingan po talaga namin!", masayang ani Ella.
"Ipakita niyo ang kakayahan ng KMD, ah?", ani Seungmin.
"Yes naman! Kami angg~ K!", ani Kyla at tumingin sa kaniyang mga ka-grupo.
"M!", lakas na ani Ella.
"D!", sigaw ni Djwane na pumiyok pa. Tawang-tawa naman silang lahat.
- | J A T | -
Nasa loob na sila ng gusali ng JAT. Nagpaalam na sila sa isa't- isa.
"Sige na, kayo na po mauna sa elevator.", ani I.N
BINABASA MO ANG
| T R O U V A I L L E | : THE BEGINNING
Fiksi PenggemarThis story is all about the friendship between three gifted girls who have the same dream-the dream of becoming an idol. But what will happen to their dream if they loved the person that they are forbidden to love? Are they brave enough to take the...